Chapter 15

4.4K 155 3
                                    

Zaniah

"Hoy! San ka pupunta?" sigaw ni Cali nang tumakbo ako palabas ng room pagkatapos ng klase.

"To the moon!" ganting sigaw ko naman sakanya habang tumatakbo pa rin.

Pupuntahan ko kasi si Archana sa office niya. Lunch break naman na kaya dadalhan ko nalang siya ng pagkain.

Dumiretso muna ako sa cafeteria at bumili ng pagkain namin, pagkatapos ay agad na akong dumiretso sa SC Office.

"Hi hottie, hanap mo ba si Pres?" bati ni Kade pagkarating ko ng office.

Alam agad ah, sabagay siya lang naman talaga yung sadya ko dito tuwing pumupunta ako tsaka alam na nang lahat na nililigawan ko si Archana.

Simula nung *ehem* kiss namin eh mas naging komportable ako kay Archana palagi ko na siyang pinupuntahan dito sa office niya at kinukulit as usual palaging masungit pa rin at dahil nga wala naman siyang magagawa eh ginawa niya akong taga ayos ng mga papel sa office niya, ang galing diba? Pero dahil love ko naman siya at gusto ko siyang makasama wala tayong choice kundi sundin ang mahal kong reyna.

"Matik na yan, Kadey. Asan siya?" tanong ko naman.

"Nandun sa office kasama si Melissa may pinag-uusapan ata sila." sumama naman ang timpla ng mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng mukhang hito na yun.

Simula na pumupunta ako dito lagi ko siyang nakikita na dikit ng dikit sa Aly ko tsaka yung mga tinginan niya kakaiba eh halatang kinikilig din pag kausap si Archana pero mabuti nalang walang pakialam yung isa hehehe.

"Anong pinag-uusapan nila?" may bahid ng inis na tanong ko.

"Dunno. Bakit? Selos ka? Sabi sayo ako nalang eh." sabi nito sabay akbay saakin.

"Ako magseselos? Kung ganun lang naman yung mukha jusko wag na." ismid ko namang sagot na ikinatawa niya. "Tsaka anong ikaw nalang?" tanong ko naman habang pilit na inaalis ang kamay niya na naka-akbay saakin ang bigat kasi ikaw ba naman akbayan ng basketball player, pero masyado siyang malakas kaya hindi ko pa rin matanggal kaya pinabayaan ko nalang.

"Hahaha you're too dense hottie." natatawang sabi naman nito at ginulo ang buhok ko hindi pa nakuntento at inilapit pa nito ang mukha niya sa akin at pinisil pisil pa nito ang pisngi ko.

Anong akala nito saakin laruan? -_-

Natigil lang yun nang may narinig kaming pagtikhim galing sa gilid namin kaya sabay kaming napalingon ni Kade na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa pisngi ko. Nakita ko si Archana na nakatingin saamin.

"What do you think you're doing?" malamig na tanong ni Archana kay Kade.

Bakit parang pakiramdam ko nahuli ako kahit wala naman akong ginagawang masama.

Kinakabahan ko namang tiningnan si Kade at tiningnan siya para sabihing tanggalin niya na yung kamay niya na nasa pisngi ko kung gusto niya pa kaming mabuhay dalawa.

Nginisihan lang ako nito pero tinanggal niya din agad ang kamay niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Wala Pres. ang cute kasi ni hottie eh, nanggigil lang ako." kaswal na sagot naman ni Kade at tiningnan ako. "Una na ako sainyo may gagawin pa pala ako." paalam din nito at bago umalis ay lumaki ang mata ko sa gulat dahil may ginawa siyang isang bagay na dapat ay hindi niya nalang ginawa at dapat tumakbo na siya para sagipin yung sarili niya kasi hindi na siya makikita ng mahal niya sa buhay.

Hinalikan lang naman niya ako sa gilid ng labi ko at dahil nga natatakpan ng mukha nito ang gilid ko ay parang sa labi nito ako hinalikan kahit hindi naman.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon