Chapter 40

4.5K 205 56
                                    

Cali

"Sigurado akong si Zaniah yung nakita ko. Medyo iba lang yung pananamit at kung paano siya kumilos pero alam kong siya 'yon! Si Zaniah 'yon! Maniwala kayo sa akin." pamimilit ni Dos sa amin.

"Dos ano ba, lasing ka lang kagabi. Mabuti pa magpahinga ka na muna dun." sabi ko sa kanya.

Kay aga-aga pambubulabog kaagad ang inatupag niya. Nandito kaming apat ngayon sa kusina kasama si Archana para mag-prepare ng breakfast at ang nababaliw na si Dos hindi pa rin kami tinantanan sa kaka-Zaniah niya.

"Hindi ako lasing! Sinabi ko na din yan sa sarili ko kagabi pero alam nating lahat na mataas ang tolerance ko sa alak, nasa tamang pag-iisip ako ng mga oras na yon." depensa pa nito.

"Tamang pag-iisip? Eh parang nasisiraan ka na ng ulo sa mga sinasabi mo ngayon eh." hindi makapaniwalang sagot ko naman.

Kagabi hindi siya makausap ng maayos tapos ngayon daldal naman siya ng daldal. Malapit na din akong mainis dahil pinipilit niya talagang nakita niya daw si Zaniah kagabi. Namaligno ata ang isang to eh kaya kung ano-ano ang nakikita.

"Yan kase, sabi mo nami-miss mo si Master. Nagpakita tuloy sayo." asar ni Ross sakanya.

"Hindi nga sabi yun multo! Si Zaniah ang nakita ko at sigurado ako don, hindi pa naman ako nababaliw no." paliwanag niya pa ulit. Ilang saglit pa ay bigla itong nanahimik na parang may iniisip na malalim.

"What if." salita ulit nito kaya napatingin nanaman kami sakanya.

"What if si Zaniah talaga yun. Diba ang sabi niyo hindi natagpuan ang katawan niya? Malapit lang ba dito ang pinangyarihan ng insidente? Pwede nating puntahan ulit yun tapos---"

"Dos!" pasigaw na tawag ko sa pangalan nito.

"Ano ba, tama na. Binibigyan mo lang ng false hope ang mga tao dito ayaw na naming umasa dahil lang sa what if na yan. Bigyan na natin ng katahimikan si Zaniah, please lang." mahinahon na sabi ko sakanya.

"At kung totoo man na buhay siya bakit hindi siya bumalik o nagpakita sa atin?" sabat naman ni Steven habang prenteng naka-upo at humihigop ng kape.

"Baka hindi lang niya tayo naaalala---" pinutol ko ang sasabihin niya.

Confirmed. Baliw na nga ang isang to.

"Dos!" pagalit na sigaw ko para patigilin siya.

"Hindi ka pa rin ba tapos? Sinabing tama na nga diba?" hindi na ito muling nagsalita nang sabihin ko iyon.

"Dos, stop it. We are all trying to move on and we won't be able to do that if you are still bringing this up." kalmadong sabi ni Archana na sinang-ayunan namin.

Tumayo si Dos at isa isa kaming tiningnan na parang disappointed. Sino ba naman kasing tanga ang maniniwala sa sinasabi niya diba?

"Papatunayan ko sa inyo na totoo ang sinasabi ko." sabi nito at bigla nalang umalis.

"Hoy, Dos!" sigaw ko sakanya pero hindi siya lumingon at dire-diretso lang lumabas ng bahay.

"Hayaan mo nalang muna, mahihimasmasan din yan mamaya." pigil naman ni Ross sa akin sabay abot ng kape.

Napabuntong hininga ako dahil doon at pinagpatuloy na ang pagluluto. Ang tigas talaga ng ulo ng isang yun.

"Bakit parang may naririnig kaming sigawan kanina? Ano yun?" napatingin kami kay Tita Psyche at sa iba pa na kakababa lang galing sa mga kwarto nila sa taas.

"Si Dos po kasi Tita ang kulit. Nakita niya daw si Zaniah kagabi." iiling iling na sabi ni Steven.

"What?" nagtatakang tanong ni Tita Reign habang nakakunot pa ang noo.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon