Chapter 8

3.8K 146 3
                                    

Zaniah

"Ayan kase, sinabing mag-dala ka ng payong palagi at alam mo namang madali kang magkasakit pag na-uulanan. Ang tigas ng ulo mo mana ka talaga sa Mama mo pag-uuntugin ko talaga kayong dalawa." sermon ni Mommy saakin pagkatapos kunin yung thermometer sa bibig ko.

Opo, tama nga po ako nagkasakit ako ng malala. Ang taas din ng lagnat ko at sinamahan pa ng ubo at sipon, wala na atang mas malas pa sa araw na to. Andami ko pa namang gagawin sana sa school.

"Hon naman, bat naman ako nadamay jan?" singit naman ni Mama na naka-nguso dahil sa narinig.

Inirapan lang siya ni Mama at pinagpatuloy ang pagpupunas sa katawan ko. Nag-away siguro yung dalawang to. Well palagi naman ang sungit din kasi ni Mommy eh buti nalang talaga hindi ako nag-mana sakanya hehehe.

"Mommy punta ka school ngayon?" nanghihinang tanong ko kay Mommy.

"SANA, alangan namang pabayaan kita dito eh kahit nga mag-salita hirap ka eh." masungit pa rin na saad ni Mommy kaya napa-labi ako.

Ayaw niya din kasi akong ibilin sa mga kasambahay namin, sobrang hands on talaga ni Mama at Mommy pagdating saamin ni Kuya.

"Papuntahin mo nalang dito si Archana, sabihin mong dalhin niya nalang yung mga pipirmahan mo." sabi ni Mama habang nagba-balat ng orange na akala ko para saakin pero siya din pala yung kakain -_-.

"Tawagan mo siya kung busy siya ikaw ang kumuha don. At utang na loob lumayas ka dito at tigilan mo yan para kay Zaniah yang pagkain hindi para sayo." masungit na sagot ni Mommy kay Mama at sinamaan ito ng tingin ng makitang paubos na yung prutas sa lamesa.

"Psh, sungit." bulong naman ni Mama pero rinig pa rin naman.

"Ano yon? May sinasabi ka?" naniningkit ang matang tanong ni Mommy.

"Wala, ang sabi ko eto na nga at tatawagan ko na si Archana." sagot naman ni Mama at kinuha ang cellphone para tawagan ang aking Aly my love so sweet.

"Good morning Archana, are you busy?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

Sinenyasan ko naman si Mama na i-loudspeaker niya para marinig ko yung boses ni Aly. Nami-miss ko na siya agad kahit isang araw palang kaming hindi nagkikita T_T.

"Good morning,Tita. Hindi naman po masyado. May kailangan po ba kayo?" sagot naman ni Archana sa kabilang linya.

Damn, ang sexy talaga ng boses niya pag nagta-tagalog. Nakaka-akit.

"Sana. Pinapatanong ni Tita Reign mo kung pwede daw ba na ihatid mo nalang ulit dito yung mga pipirmahan niya? May sakit kasi si Zaniah, mataas ang lagnat kaya hindi maiwan-iwan ng Mommy niya." paliwanag naman ni Mama.

Sandaling natahimik ang kabilang linya dahil sa sinabi na yun ni Mama.

"Pero kung may gagawin ka pa ako nalang ang kukuha jan." sabi ni Mama nang hindi na sumagot si Aly sa kabilang linya.

"Ah it's okay Tita. I'll just drop it there later, may klase pa po kasi ako hanggang mamayang hapon. Is it okay kung mamayang gabi ko nalang po madadala jan?"

"Naku, Archana pwede naman na ako ang kumuha jan baka mahirapan ka pa."

"I insist Tita. And I also want to visit Zaniah, ako din po kasi ang dahilan kung bakit siya nagka-sakit. I'm sorry po."

Biglang bumagal ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Aly. Hindi maitago ang kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Concern siya saken! OMG!

Tiningnan naman ako ni Mommy at Mama at ngumiti ng mapang-asar hinampas pa nga ako ni Mommy, kinikilig din ata.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon