Chapter 18

4.5K 180 7
                                    

Zaniah

Nandito kami ngayon sa arena dahil umpisa na ng Sports Festival at dahil Captain si Archana ng Basketball Team ng Lauxshire ay nandito ako para suportahan siya pero siyempre kasama ko si Cali.

Iba't ibang school din ang kasali kaya magiging masaya ang Sportfest na to. Dito lang din naman ginanap ang Sport Festival sa Lauxshire dahil itong University lang yung malawak at merong kumpletong gamit at lugar para sa iba't ibang sports. Kasali din ako actually, pero mamayang hapon pa yung laro ko, badminton yung sinalihan ko kaya makakapanood pa ko dito.

"GO LAUXSHIRE! GO LAUXSHIRE!" sigaw ng mga estudyante na nanonood dito sa arena.

Madami ding tao dito since open din naman for outsiders itong events kaya maraming taga iba't ibang school ang pumunta para manood ng mga palaro. Malaki din naman tong arena kaya walang problema ang dami ng tao.

"Doon tayo malapit sa bleachers nila." pag-aaya ni Cali saakin para pumunta malapit sa pwesto nila Archana mamaya.

"Sige, tara." pag-sang ayon ko naman at naglakad na kami papunta sa upuan malapit sa mga players mamaya.

Ang makakalaban pala nila ay ang Xavier University. Ilang sandali lang ay lumabas na sa dugout ang mga players ng kanya kanyang team kaya mas lalo pang umingay ang arena.

"OMG! KADE! PAKASALAN MO KO!"

"GO MISS PRESIDENT!"

"KAY ARCHANA LANG KAKALAMPAG!"

"ARCHANA! TAPAKAN MO KO AKO PA MAG SO-SORRY!"

"ARCHANA! I LOVE YOU!

Napakunot naman ako ng noo sa mga narinig kong sinasabi nila. Mga babaeng to, anong kay Archana lang kakalampag sirain ko buhay niyo eh. Nakikisigaw din yung mga estudyante ng kabilang school, hindi ata sila nanuod para suportahan yung team nila para ata kay Archana eh.

"Chill, yang mga tinginan mo para kang papatay." natatawang siko ni Cali saakin.

"Eh pano ba naman kasi yung mga sinasabi nila." inis ko namang turan.

"Normal lang yan, ano ka ba. Maganda yang nililigawan mo eh, mag-tiis ka." tss anong mag-tiis, akin lang si Archana no duh.

Tiningnan ko naman ulit si Archana at isa lang ang masasabi ko HOT! Ang cool niyang tingnan sa suot niyang jersey at first time ko ding makita na nakatirintas yung buhok niya.

Habang nagwa warm-up ay napatingin siya sa gawi ko kaya agad ko siyang kinindatan. Nagulat ako nang biglang nagsigawan ang mga tao ng tumingin ako sa monitor sa taas ay nakatapat pala saakin ang camera nang saktong kumindat ako.

Nakakahiya!

Agad ko namang tinakpan ang mukha ko gamit ang cap na suot-suot ko.

"Ms. Zaniah Leigh Lauxshire-Reed is in the house!" sigaw ng kung sinong commentator man yan nang nag-flash ang mukha ko sa screen.

"Syempre may sinusuportahan yan dito partner at alam nating lahat kung sino yon." naka-ngiting sabi naman ng kasama niya.

Parang gusto ko nang lumubog dito sa kina-uupuan ko dahil sa atensyon na natatanggap ko dito.

"Welcome to our coverage of the 23rd Sports Festival, as the defending champion Lauxshire University take on the always dangerous Xavier University!" pagsisimula ng commentator na nagpa-ingay na naman sa buong arena.

"Let's meet our competing teams! On Lauxshire University, wearing jersey #01 and the Team Captain Archana Louisse Young!" pagpapakilala pa nito at sunod-sunod nang tinawag ang mga players at ganun din sa kabila team.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon