Chapter 39

4.6K 203 77
                                    

Cali

"Gusto niyo maging professor dito sa University?" tanong ni Tita Reign sa amin na ikinatango naming apat.

Nandito kami ngayon sa office ni Tita Reign at kasama ko ang tatlo si Steven, Dos at Ross. Napagdesisyunan kasi namin na magtrabaho nalang muna dito sa University bilang Professor sa Architecture Department. Bukod sa paggawa ng sariling company ay pangarap din kasi ni Zaniah noon ang makapagturo at ma-ishare ang lahat ng alam niya sa Architecture kaya kami ang tutupad non para sakanya. Kahit puro katarantaduhan lang ang alam nun at may pagka-tamad pero may pangarap din ang isang yun.

"Yes, Tita. Huwag po kayong mag-alala, magaling naman po kami magturo eh. Sisiguraduhin naming 100% ang passing rate sa board exam kapag kami nagturo." pagmamayabang na sabi naman ni Dos.

"Tumigil ka nga, mang hu-hunting ka lang ng babae dito eh." sagot naman ni Ross sakanya.

"Siraulo, hindi ako pumapatol sa bata no. Yung mga magagandang professor siguro pwede pa." nakangiting sabi ulit nito.

"Tita, wag niyo pong tatanggapin yan dito. Pambababae lang po ang alam niyan." singit ni Steven.

Iiling-iling na nakangiti naman si Tita habang nakatingin sa amin.

"Tumigil na nga kayo, parang hindi kayo mga professional sa ina-akto niyo ngayon." saway ko sakanila kaya agad naman silang umayos ng upo.

"Well, I'll accept your application. Sakto at kulang kami ngayon ng Professor for Architecture and Law." napangiti naman kaming apat dahil sa sinabi ni Tita Reign.

"Ma'am, excuse me po. May isang bisita pa po kayo sa labas, si Atty.Young po." sabi ng Secretary ni Tita.

"Let her in." nakangiting sagot naman ni Tita Reign.

Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nun si Archana na naka corporate attire pa.

"Good morning." bati nito at bahagya pa siyang nagulat nang makita kami.

Naka-ngiting tinanguan ko lang siya habang ang tatlo naman ay binati siya pabalik.

"Archana, what brought you here?" tanong ni Tita Reign at pinaupo si Archana sa bakanteng couch na nasa harapan namin.

"I'm here to apply as Professor in Civil Law." diretsong sagot ni Archana na ikinagulat namin.

"Ikaw din?!" sabay-sabay na tanong namin na ikinataas niya ng kilay.

"They also applied as Architecture Professors." sagot ni Tita Reign nang makita ang pagtataka sa mukha ni Archana.

Tumango tango naman si Archana at tipid na ngumiti sa amin.

"Hindi ka na ba babalik sa ibang bansa?" hindi ko napigilang itanong kay Archana.

"No. I've decided to stay here for good. I might practice law here after I take the bar exam." sagot naman nito.

Hindi ba siya napapagod mag-aral? Limang taon na ang nakalipas at kahit Attorney na siya sa ibang bansa gusto niya pa rin maging abogado dito sa Pilipinas. Iba talaga pag matalino, ginagawang hobby ang pagbabasa at pag-aaral.

"That's good to hear." tumatangong sagot ni Tita Reign.

"By the way, next week is Zaniah's birthday and her death anniversary is in three months from now." sabi ni Tita na ikinatahimik naming lahat.

Time flies so fast, hindi namin namalayang magbi-birthday na pala ang aking pinakamamahal na bitchfriend.

Nag-iinuman kaya sila sa langit? Knowing Zaniah, baka nilasing na niya ang mga angel dun o hindi kaya nag-aya siyang mag-sabong sila ni San Pedro.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon