Chapter 1

7.3K 174 3
                                    

Zaniah

"Zaniah! Bilisan mo male-late na tayo! Hayop ka talaga pag tayo nakita na naman ni Miss President o kahit na sinong officer na pagala-gala dito patay talaga tayo." kinakabahang sambit ni Cali habang hinihila ako papunta sa first subject namin.

Calilah Amber Gomez nga pala pangalan ng nagrereklamo, bestfriend ko kahit hindi ko alam kung paano nangyari.

Maganda daw siya saka straight.

Yun sabi niya eh, edi oo nalang.

"Edi mabuti para makita ko ulit ang aking my love so cold este sweet pala." kinikilig ko namang sagot sakanya.

Sinadya ko talaga magpa-late. Ang plano ko nga sana mag-cutting eh kaso hinila ako ng isang to takot na ata magka-record. Psh weak, ngayon pa talaga siya natakot kung kelan andami na naming violation na nagawa ha.

"Gaga yan pa talaga ang mas iniisip mo ha. Patay ka na naman sa magulang mo pag nag kataon tapos idadamay mo pa ko kaunti nalang talaga itatakwil na din ako ng mga magulang ko dahil sa ginagawa mo." napa-irap naman ako dahil sa sinabi niya akala mo naman talaga totoo eh siya nga tong tinuturuan ako sa mga kalokohan.

"Relax hindi ka na nasanay eh palagi naman talaga tayong nahuhuli suki na tayo ng detention maka-react ka parang first time natin ah." sagot ko naman dito huminto naman siya sa pagkaladkad sa akin at hinarap ako.

"Hoy babae diba nga sabi ko magbabagong buhay na ako saka ikaw na din ang nag-sabi suki na tayo ng detention hindi ka ba nag-sasawa kasi ako sawang sawa na sa mukha ng mga officers lalo na sa hinayupak na Vice President ng student council tuwing naaalala ko yung ginawa niya umiinit yung ulo ko jusko." mahabang litanya nito umiba din yung timpla ng mukha niya nong binanggit niya si VP ninakawan kasi ng halik eh kaya ganun nalang yung galit niya ilang linggo din tulala kasi first kiss niya din yon gusto kasi ni VP itong kaibigan ko kaso straight yung hayop na to eh.

Pinagbantaan din ni VP na hahalikan ulit pag nahuli niya ulit kami na nagcu-cutting class kaya natakot ang gaga HAHAHA.

"Sus, ayaw mo non mahahalikan mo ulit yung precious lips ni VP kung si Ms. President gagawa saakin nun jusko lahat ng bawal dito gagawin ko matikman ko lang ulit yung kissable lips niya." kinikilig ko namang sabi sakanya pero yung baliw tiningnan ako na parang nandidiri sa sinasabi ko.

"Kadiri ka bat ko naman pangangarapin halikan ang babaeng yun at isa pa saging gusto ko hindi mani!" sagot nito at nauna na naglakad tumatawang sinundan ko naman ito at inakbayan.

"Huwag kang mag-salita ng patapos kapatid, ruler nga nabe-bend ikaw pa kaya. Huwag mong maliitin ang powers ni Vice President Izarah Raven Monroe." tiningnan naman ako nito ng masama. Napipikon na ata saken HAHAHA

"Ah ganun, zesto nga nabubutas ko tagiliran mo pa kaya. Tsaka huwag mo nga banggitin yung pangalan ng babaeng yun umiinit lalo yung dugo ko." inalis ko naman ang pagkaka-akbay ko dito at lumayo sakanya ng konti.

"Ah hehehe tara na bespren ang bagal mo ka---" hindi pa ko tapos magsalita ng may marinig kaming tumikhim sa likod namin.

"DETENTION.NOW." kilalang kilala ko ang malamig na boses na yun hindi ako pwedeng magkamali ang sarap talaga pakinggan ang boses niya oh my god music to my ears malala pero panganib din ibig sabihin non.

Humarap naman kami sa nagsalita at nakita ko ang babyloves ko na seryosong nakatingin sa amin kasama si VP na nakangising nakatingin din nang dumako ang tingin nito sa katabi ko ay kumindat ito habang kinakagat ang labi na parang nang-aakit.

Damn, hot pero royal ako kay babyloves eh kung ako kay Calilah susunggaban ko na to eh kung wala lang talaga akong Miss President ako pa magpe persmove kay VP.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon