Chapter 12

4.1K 154 2
                                    

Zaniah

"Hayop master. Totoo ba yung narinig namin? Nililigawan mo si Miss President?" turan ni Ross na hanggang ngayon ay parang gulat na gulat pa rin sa nalaman.

Hindi naman ako agad nakasagot dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin akong nakatingin sa kawalan habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabi niya kanina. Sino ba naman ang hindi magugulat? Beh, pina-alam niya sa lahat na nililigawan ko siya!

"Mamaya na yang tanungan at iligpit niyo na tong booth bago pa bumalik si Miss President. Baka madamay pa tayo sa galit niya kay Zaniah, mahirap na. Magpahinga na din kayo pagkatapos o maglibot-libot jan. Wala naman na tayong gagawin dahil ibinenta na nila yung mga items natin." singit naman ni Steven kaya gumalaw na ang lahat para magligpit.

Wow ha, eh damay naman talaga sila dahil sila ang naka-isip ng booth na to. Napilitan na nga lang ako sa gusto nilang gawin ko eh tapos ipapa-ako nila saakin lahat? Ang galing!

"Tingnan mo sila parang namatayan yung mga itsura eh. Hindi ko alam kung saan sila malungkot, sa hindi ba sila naka-halik sayo o dahil nililigawan mo si Pres." natatawang sambit ni Cali sa gilid ko habang naka-tingin sa mga estudyanteng bagsak ang balikat na naglalakad palayo sa booth namin.

Nakaka-guilty nga makita yung mga mukha nilang parang dismayado, pumila pa naman sila simula pa kanina. Pero wala akong magagawa utos ni boss ang dapat masunod ayokong mabasted no.

"Pero hindi pa din ako makapaniwala na nililigawan mo si Miss President, Zaniah. Akala ko talaga straight ka eh walang bahid ng kabaklaan akong nakikita sayo." singit ulit ni Steven saamin ni Cali. Ano ba naman tong lalakeng to napaka tsismoso at kanina pa parang kabuteng sulpot ng sulpot.

"Kaya nga, pero bat parang si Miss President yung mas may top vibes sainyo?" singit din ni Dos at umakbay pa kay Steven na nasa gilid namin.

Napa-simangot naman ako dahil sa sinabi ni Dos, porket mas matangkad at mas matanda lang siya ng konti sakin top na agad siya? Yun na ba ang basehan? Aba hindi pwede yun no! Ako ang top!

"Tama. Dapat ikaw ang nililigawan eh pero sa tingin ko walang gusto si President sayo kaya ikaw yung nanliligaw? One sided love ba ito? Kawawang bottom." singit din ni Ross at inakbayan si Dos. Mga hayop na to, ka lalaking tao mga tsismoso.

Naka-simangot ko naman silang hinarap at sinamaan ng tingin pero ang tatlong unggoy tiningnan lang ako habang naka-akbay pa rin sa isa't isa.

"Ah ganon? Gusto niyo bang ilibing ko kayo ng buhay para literal na maging sa bottom din kayo?" naka-ngiti ngunit mapanganib kong tanong sakanila agad naman silang napahiwalay sa pagkaka-akbay sa isa't isa at nagmamadaling umalis.

"BOTTOM KA PA RIN!" sabay sabay na sigaw nila at tumawa saka patakbong lumayo nang makita nila na akma ko silang babatuhin ng hawak-hawak kong tumbler.

"Zaniah look ang bilis kumalat ng balita. Tingnan mo may post na agad sa social media, kalat na ang balita na nililigawan mo ang SC President." pagkuha ni Cali sa atensyon ko sabay pakita niya ng post sa cellphone niya.

Nanggaling yun sa page na Lauxshire Secret Files and walang may alam kung sino ang may hawak ng account na to kaya hindi ko alam kung paano ko ipapabura yun.

"Basta talaga sa tsismis ang bibilis ng mga yan, tsk. Baka magalit pa si Archana pag nalaman niyang may kumakalat na ganyan." umiiling-iling na sabi ko.

"Hayaan mo na. Marami din namang nakarinig kanina eh wala ding silbi kung ipapadelete mo pa yan." sagot naman ni Cali.

Tama naman siya tsaka si Archana naman yung nagsabi nun kanina kaya technically wala akong kasalanan kung kumalat man ang balitang yun.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon