Chapter 14

4.6K 174 10
                                    

Zaniah

"A-archana." nauutal kong banggit sa pangalan niya pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun.

Lumayo naman ito saakin at tumingin na parang walang nangyari.

Anong ibig niyang sabihin na pagmamay-ari niya ako? Naguguluhan ako sa ina-asta niya ngayon, hindi ko alam kung epekto lang ba nung alak o ano kaya nasabi niya ang mga yun.

Ang weird niya sa totoo lang, akala ko ba ayaw niya saken at nakukulitan siya tapos biglang ganun? Arghhh, sumasakit lang yung ulo ko sa kakaisip.

"It's getting late. Have you got your car with you?" tanong nito pagkatapos ay itinuon ang atensyon sa relo nito at tiningnan ang oras.

"Yeah, pero yun yung ginamit nila Cali." sagot ko sakanya.

"Get in, I'll take you home." sagot lang nito at nauna nang pumasok sa kotse niya.

Sumunod naman ako sakanya at pumasok na sa passenger seat. Nang makabit ko na ang seatbelt ko ay pina-andar na nito ang kotse at umalis na kami.

Habang nasa byahe ay panay sulyap ang ginagawa ko kay Archana na ngayon ay nagfo-focus lang sa pagda-drive. Mabilis lang naman ang byahe dahil wala na masyadong traffic.

"Archana, tungkol sa nangyari kanina. Hindi naman talaga ganun yung nangyari katulad ng nasa isip mo. Makulit lang talaga si Hunter kaya na out of balance kami at bumagsak siya sa ibabaw ko." paliwanag ko sakanya nang huminto ang kotse dahil naka red yung signal light.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na bakla si Hunter no ayoko siyang pangunahan. Atsaka wala ako sa lugar para sabihin yun dahil hindi pa naman siya out sa public sa mga taong malalapit lang sakanya ang nakaka-alam ng pagkatao niya.

"And you want me to believe that? I know what I saw, Zaniah so stop defending him." sagot nito at tumingin saakin. "Unless you like him. Is that it?" dugtong pa nito at napansin kong napahigpit ang paghawak nito sa steering wheel.

"No! Of course not." mabilis na sagot ko naman sakanya. "Magkaibigan lang kami ni Hunter. Well, he tried to court me back then pero hindi naman na natuloy yun." pag-amin ko sakanya at kinakabahang kinamot ko ang pisngi ko.

Baka kasi iba na naman yung dating sakanya eh. Pero dapat lang na sabihin ko sakanya yun para hindi na siya mag isip ng kung ano-ano at para malaman niya din kung paano kami nag-umpisa ni Hunter maging magkaibigan.

"Oh, so that explains why you guys seems so...close." puno na pagdududang sambit niya.

Nagpatuloy na ito sa pagda-drive nang nag green na ang signal light. Tahimik lang kaming dalawa habang ako ay naka-tingin lang sa labas ng bintana.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi nga close naman talaga kami ni Hunter hindi mapag-kakaila yun.

Napabuntong hininga akong napatingin ulit kay Archana at buong tapang na ipinatong ang kamay ko sa kamay niya na nasa steering wheel.

"Archana, listen to me. I don't like him romantically, okay? He's just a friend. Ikaw lang ang gusto ko kaya please huwag ka nang magalit." mahinahon kong sabi sakanya.

"Fine. I'll let it slide this time but if I see you again being that close with that guy like a while ago, you already know what's gonna happen next." banta pa nito na nagpalunok saakin at sinabayan ko ng sunod-sunod na pagtango.

"So, are we cool now?" hopeful kong tanong sakanya. "Tatawagin na ulit kitang Aly ha." paalam ko sakanya.

"Whatever." tipid na sagot lang nito na nakapagpangiti saakin.

Ang sweet niya talaga guys no? T_T

"Pumupunta ka pala ng bar?" pag-iiba ko ng usapan dito.

Nasa gate na kami ng village kaya tatanungin ko nalang siya para makilala ko pa siya ng mabuti nasa dulo pa naman yung bahay namin kaya makaka-usap ko pa siya.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon