Zaniah
"Ang boring. Wala pa ba yung teacher natin? Tara labas tayo mukha namang wala ng klase." rinig kong sabi ng isa naming kaklase.
"Wait lang guys, maghintay muna tayo ng announcement kung wala ba talaga tayong klase. Tapos na din naman yung meeting ng mga teachers kaya baka na late lang si Ma'am." sabi naman ni Steven.
Mag 30 minutes na kami naghihintay dito, nakatulog na nga si Cali sa paghihintay eh.
Last subject nalang naman namin to kaya aligaga sila na umuwi na.
"Guys! Balik kayo sa upuan niyo bilis! Yung mga taga Student Council papunta dito." sigaw ng kaklase ko ng pumasok siya, naka tambay kasi yung iba kanina sa labas ng room.
Dali-dali naman bumalik sa kaniya kaniyang pwesto ang lahat siniko ko naman si Cali para magising pero ayaw talaga.
Kaya ginawa ko binatukan ko nalang siya ng malakas. Napabalikwas naman siya ng bangon at biglang tumayo dahil sa gulat.
Natatawang hinila ko naman ito pa upo ng makita kong paparating na nga yung mga officers.
"Gago ka, bat ka ba nambabatok ha? Kita mo na natutulog yung tao eh." inis nitong sabi saakin.
"Gaga yung mga officers oh papunta dito. Mamili ka batukan kita para magising o dun ka matutulog sa detention mamaya?" sagot ko naman dito pero inirapan lang ako nito ng makitang papasok na sa room yung mga SC officers.
"Good morning students of Lauxshire University." masayang bungad ni VP at ginala ang mata sa kabuuan ng classroom.
"The University will conduct an income generating project to fund our future projects and activities. In line with this, you need to sell some shirts in varieties of colors as well as landyards. Kayo mismo ang magde-design nito pwede niyo din naman dagdagan ang ibebenta niyo pero kailangan yung design about our University pa rin. So diskarte niyo na yon kung paano niyo mauubos at maibebenta. Each Department needs to participate to the said event and gaganapin ito sa nalalapit na Foundation Day natin. At ang may pinakamaraming maibebenta ay....." pambibitin pa nito.
".....ay very good!" pagpapatuloy nito na ikinasimangot naming lahat.
"Nag expect ba kayo? HAHAHA biro lang. Ang department na may pinakamaraming maibenta ay exempted sa midterm exam!" bawi nito na ikinahiyaw sa tuwa ng mga classmates ko.
Sino naman ang hindi matutuwa dun no, bawas din yun sa po-problemahin namin.
Ngunit biglang natahimik ang lahat nang
biglang dumating si Archana na as usual seryoso lang ang mukha nito habang binabasa ang papel na hawak-hawak niya.Lahat ng tingin ay sakanya nang mapansin niya na tumahimik ang lahat ay nag-angat ito ng tingin at sumenyas lang ito kay VP na ipagpatuloy ang sinasabi.
Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni VP dahil naka-tuon lang sakanya ang atensyon ko. Nasa bandang pintuan ito at tahimik na nagbabasa ng kung ano man yun sa papel na hawak niya.
Naramdaman niya sigurong may naka-tingin sakanya, nag-angat ito ng tingin papunta sa direksyon ko. Agad na nagtama ang mga mata namin at ito na naman ang pakiramdam na para akong kinakabahan na hindi maka-hinga sa paraan ng pagtitig niya. Jusko, yung mga tingin niya beh nakakatunaw talaga.
Nakipaglaban din naman ito ng titigan saakin at dahil competitive ang lola niyo, hindi ko siya inatrasan. Nginitian ko pa ito at kinindatan, imbis ata na siya ang kiligin ako pa 'tong kinikilig eh.
Ngiting tagumpay naman ako ng nauna siyang umiwas ng tingin saakin at itinuon ang pansin sa pagbabasa sa hawak niyang papel.
"Hoy, baka matunaw." pagkuha ng atensyon saakin ni Cali ng mapansing hindi ako nakikinig at naka-tingin pa rin kay Archana.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...