Zaniah
"Hoy, ano yon? Bakit may paghiga sa balikat? Huwag mong sabihing nagkabalikan kayo?" parang chismosang tanong ni Cali sa akin pagkababa namin ng bus.
"Ewan ko sayo, issue ka." pa-irap na sagot ko at nauna nang maglakad.
Hindi ko din alam bakit ginawa ko yun, buong byahe akong distracted at hindi makagalaw dahil ayokong magising siya. Sino ba namang hindi madi-distract diba? Si Archana na yun eh.
Sakto namang pagkarating namin ng airport ay boarding na namin kaya pumasok na kami. Pagkapasok namin ng eroplano ay agad kong hinanap ang seat number ko at ewan ko ba kung pinagtitripan kami ng tadhana dahil katabi ko nanaman siya. Tahimik lang ulit akong naupo sa tabi niya at inilabas ang laptop ko saka naghanap ng movie na panonoorin. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.
"Hey, I just wanna say thank you." tukoy nito kanina nung nasa bus kami, sandali ko lang itong tiningnan at tinanguan saka ibinalik na ulit ang tingin sa pinapanood ko.
Buong byahe ay tahimik lang kami dahil wala rin naman akong balak na makipag-usap sakanya. Nanonood lang ako ng movie habang kumakain, habang ang katabi ko naman ay natulog ulit at mukhang komportable naman na siya, one time offer lang yung pagtulog niya sa balikat ko kanina no. Hindi na mauulit yun, swerte niya naman kung ganon.
Pagkalapag ng eroplano ay dumiretso naman kami sa hotel kung saan gaganapin ang activity. 3 days lang naman kami dito dahil sa isang araw ay finals na, ewan ko ba bakit sumama pa ang dalawang SC officers na to eh mga graduating to eh dapat yung inuuna nila yung pagpasa ng mga requirements pero hindi ko na problema yun kaya bahala sila.
Pagkarating sa hotel ay napanganga ako dahil hindi nila sinabing resort pala tong pupuntahan namin, sa sobrang excited ko ay agad akong bumaba at tumakbo papunta sa dagat.
"Oh may batang nakawala!" rinig kong sigaw ni Cali.
Kung alam ko lang na ito yung pupuntahan namin sana nakapag-dala ako ng swimsuit, sayang. Huling punta ko ng dagat sa bahay pa ng grandparents ni Archana eh. Tsk, lahat nalang talaga ng bagay siya ang naaalala ko.
Napatingin ako sa paligid at sa hindi kalayuan ay may mga nagkukumpulang tao, may photoshoot ata doon dahil marami akong nakitang mga babae na sa tingin ko ay mga contestant ng isang pageant. Naka two piece silang lahat na magkaka-tulad.
Oh mama! Busog na busog ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon, ang daming magaganda! Dito na kaya ako tumira?
"Oh Zaniah yung laway mo tumutulo!" sigaw ni Cali kaya napahawak ako sa bibig ko. Nagtawanan naman ang mga nakarinig kaya sinamaan ko ng tingin si Cali.
Tumatambay ako dito sa ilalim ng puno at naka-upo sa deck chair habang busy sa pag a-appreciate sa kagandahan ng *ehem* paligid nang may humarang sa harap ko pero hindi ko iyon pinansin at iniliko ang ulo ko sa gilid pero gumalaw din ang katawan niya at muling tinakpan ang tinitingnan ko, nainis na ako kaya tumingala ako para tingnan kung sino ang Poncio Pilatong kanina pa paharang-harang. Bumungad ang mukha ni Archana na hindi maipinta at madilim na nakatingin sa akin.
"Lunch is ready, pero mukhang busog ka na sa kakatingin ng katawan ng mga babae dito." malamig na sambit nito at umalis na sa harapan ko.
Naka-nganga na sinundan ko naman siya ng tingin hanggang makabalik ito kung saan ang ibang mga kasama namin.
Luh, anong problema nun?
Tumayo na ako at pumunta na sa pwesto nang kakainan namin at natakam ako sa mga naka-handa sa lamesa. Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon, seafoods pa naman yung mga nandito.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...