Chapter 7

3.8K 134 1
                                    

Zaniah

Kasalukuyan akong nasa parking lot ng school at katatapos lang ng klase.

Medyo matamlay nga ako ngayon kasi hindi ko nakita si Aly. Nagkulong lang ata siya sa office niya at busy sa pagpe-prepare para sa Foundation Day.

Paalis na sana ako ng may nahagip ang mata ko.

Okay binabawi ko na hindi na ko sad hehehe

"Hi Aly. Pauwi ka na?" tanong ko dito ng makalapit ako.

Naka-upo kasi siya sa waiting shed at busy sa cellphone niya.

Napatingin naman ito saakin, bahagya pa nga siyang nagulat pero tinanguan niya lang ako.

"Asan kotse mo?" tanong ko dito at luminga linga sa paligid.

Alam ko kasi yung kulay ng kotse niya pati nga yung plate number kabisado ko eh.

"Coding." tipid na sagot nito.

"Hatid na kita." sabi ko naman dito.

"I'll just take a cab. You better get going." sagot naman nito saakin pero sa cellphone niya pa rin ang atensyon niya.

"Nah, I insist. Andito na nga ako eh mag ta-taxi ka pa, dali na isasabay na kita. Mukhang uulan pa oh." pagpupumilit ko naman dito at tsaka tumingin sa langit.

Makulimlim na kasi na palatandaan na uulan.

"Bakit ba ang kulit mo?" tanong nito saakin na parang naiinis.

"Eh kasi naman bat kasi ayaw mong ihatid kita? Manliligaw mo ako, remember?"

"Wala akong matandaan na pumayag ako." naka-halukipkip na sagot nito sakin.

"Wala din akong matandaan na hiningi ko ang opinyon mo." pagbibiro ko naman dito tsaka tumawa.

Seryoso lang ako nitong tiningnan at umiling-iling tsaka tumayo na. Sinundan ko naman ito ng tingin at nakitang papalapit ito sa kotse ko.

"Are you just gonna stand there? Hurry up." sabi nito at nauna nang pumasok sa sasakyan.

Napangiti naman ako at pumasok na din sa loob saka ito pina-andar at umalis.

Habang nasa byahe ay panay sulyap.ang ginagawa ko sakanya ngunit katulad kanina ay nakatutok lang ito sa cellphone niya.

"Stop staring and just drive. Ma-aaksidente tayo sa ginagawa mo." saad nito kaya napa-iwas ako ng tingin.

Shet nahuli niya ako, ganun na ba ako kahalata?

"Then stop being so beautiful if you don't want me to look at you." kaswal na sagot ko naman at tumingin ulit sakanya sakto namang traffic kaya tinitigan ko siya ng matagal.

Napatingin din ito saakin pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun pero agad ding nag-iwas ng tingin ng makita na naka-tingin pa rin ako sakanya.

Ngiting kinikilig na naman si ako. Kinikilig na din yan for sure, ako na to eh.

Malapit na sana kami sa bahay nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan samahan mo pa ng malakas na kulog na may kasamang kidlat.

Damn, wrong timing naman nito. Kung saan malapit na sana kami eh.

Pagkarating sa bahay nila ay pinark ko muna ang sasakyan ko at tumingin sa babaeng katabi ko.

"Nandito na tayo. May payong ka ba?" tanong ko dito pero umiling lang ito at may idinial sa cellphone nito.

"Ma, pasundo ako dito sa labas ng bahay. Wala akong payong." sabi nito sa kausap.

Ilang minuto pa ay lumabas ang kanilang kasambahay na may dala dalang payong at kumatok sa bintana ng kotse ko.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon