Zaniah
"Hindi ko na kaya, pagod na ako." hinihingal na reklamo ni Cali habang nagwawalis ng mga dumi at alikabok.
"Kaunti nalang yan kailangan nating bilisan baka maabutan tayo dito na hindi pa tapos ayokong ma suspend hindi ko na makikita si babyloves ko." sagot ko dito at binilisan ang pagpupunas ng bintana.
Madali lang naman sana linisin to kasi wala namang ka laman-laman yung office na to empty room lang talaga kaso puro alikabok naman kaya matagal kasi nga ang sabi ni babyloves dapat daw walang bahid ng kahit anong dumi.
"Pambihira ka talaga Zaniah naparusahan na tayo't lahat-lahat akala ko pa naman takot kang ma suspend kase magagalit parents mo si Archana pa rin pala yang nasa isip mo, landi mo talaga." iiling-iling na sabi nito saakin saka pinagpatuloy ang ginagawa.
"Gago syempre Archana na yun eh, choosy pa ba ako." sagot ko naman dito habang sinisipat bawat sulok ng nililinis ko dapat pulido ako mag trabaho na sa sobrang linis eh pwede na ako mag-asawa tapos mag a-apply akong misis ni babyloves hihihi.
"Siraulo ka din kasi kung sana umamin ka nalang sakanya hindi yung pinapahirapan mo pa yung sarili mo para lang pansinin ka niya tapos pati ako dinadamay mo. Sa bahay nga hindi ako naglilinis tapos dito pagwawalisin lang ako aba matindi." reklamo naman nito.
May alam naman kami sa gawaing bahay ni Cali pareho kaming gustong matuto ng mga bagay bagay hindi din naman kami pinalaki ng mga magulang namin na maarte at spoiled.
"Eh sa hindi ko pa kaya bakit ba. At saka shytype ako." takot ako sa rejection unang tingin mo palang kasi kay Archana halatang hindi na mapapasayo huhuhu.
"Bakit? Hindi ba nakakahiya itong ginagawa natin? Ikaw lang ang bukod tanging tuwang tuwa pag na de-detention." duh sino namang matutuwa ma detention at magka bad record ginagawa ko lang naman to kasi nga gusto kong pansinin ako ni babyloves eh yun lang ang goal ko at nakikita kong paraan dahil nga nagfo-focus sila sa pagdi-disiplina ng mga estudyante dito syempre yung mga may mali talaga yung papansinin nila.
"Nagiging tanga talaga ang tao pag inlove at isa ka na dun. Bahala ka last na to na sasamahan kita sa kalokohan mo ayokong mayari ulit sa pamilya ko. Kaya kung ako sayo umamin ka na ikaw din baka masalisihan ka balita ko pa naman may gusto yung Secretary ng Student Council na chix sakanya ano nga ulit pangalan non? Yung Melissa ba yun? Close pa naman sila." napasimangot naman ako sa sinabi ni Cali.
Mabilis na nagkalat yung selos sa katawan ko beh mas mabilis pa nung iniwan ka ganon ka speed.
"No way! As if namang papayag ako maunahan ng Melissa na yun no. Aamin na ako mamaya pag balik nila dito." determinadong saad ko.
Akalain mo yun selos lang pala magpapalakas ng loob ko. Gusto ko lang ba talaga siya?
Maisip ko nga lang na may kasama siyang iba parang tinutusok yung puso ko saet eh. Mahal ko na ata lods, shet.
"Selos ka no? Ibuhos na ang beer sa aking lalamunann." kanta pa nito na tonong nang-aasar.
"Shut up! Bilisan mo na maglinis jan para matapos tayo agad." inis na sagot ko sakanya at nag focus na ulit sa paglilinis.
Saktong paglagay ko sa trash bag ng huling dumi na naipon sa dustpan ay pumasok si babyloves at si Melissa na secretary ng Student Council mukhang masaya ang pinag-uusapan nila kasi nakita kong bahagyang napangiti si Archana.
Ang unfair bat saken wala manlang siyang reaksyon tspos sa mukhang hito na Melissa na yan ngingiti ngiti siya aba hindi naman pupwede yon.
Naalala ko nanaman yung sinabi ni Cali kanina unti-unti na namang nabubuhay yung selos ko sa katawan, nandidilim din yung paningin ko makakapatay ata ako men.
"Tapos na ba kayo? Melissa icheck mo nga kung malinis na tingnan mo ng mabuti yung bawat sulok." utos ni Archana dito. Hmp. hindi muna kita tatawaging babyloves kasi nagseselos pa ko suyuin mo ko sinasabi ko sayo.
"Malinis Pres. they did a great job." naka-smile nitong sagot kay Archana at nag thumbs-up pa.
"Punitin ko yang labi mo eh, makikita mo.
May pa ngiti ngiti ka pa mukha ka namang hito." bulong ko naman na halatang narinig ni Cali dahil bigla itong tumawa.Nagtatakang tiningnan naman ito ng dalawa kaya napatigil ito at tumikhim.
"Ah hehehe wag niyo po kong pansinin may naalala lang po ako hindi pa po kasi kami kumakain kaya bigla po akong nag crave sa jellyace." palusot naman nito at tumingin sa akin na nang-aasar, corny mo tanga crave sa jellyace amp. Inirapan ko lang ito at humarap kay Archana.
"Ah Miss President, pwede ba kitang maka-usap? Yung tayong dalawa lang sana."
It's now or never. Walang makakapigil saakin selos na selos na ako dito oh.
Tumango naman ito at nauna nang lumabas bago sumunod palabas ay tumingin muna ako kay Cali, kumindat lang ito at nginitian ako sabay thumbs up.
Nang makalabas ay nakita ko si Archana na nakatayo sa gilid. Kaunti nalang ang mga dumadaang estudyante sa hallway, ganun ba kami katagal nag linis na hindi namin napansing uwian na ni hindi nga namin naalalang mag lunch.
Ngayon ko lang din naramdaman yung pagod mukhang marami raming salonpas yung didikit ko sa katawan ko mamaya ah.
"Anong sasabihin mo? Make it fast, madami pa akong gagawin." pagmamadali nito saakin na parang naiinip na nakatingin sa relo niya.
Atat na atat ah, madaming gagawin o para makarami kayo ni Melissa? Subukan mo lang talaga Archana nako sinasabi ko sayo.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ko ito sa mata para makita at maramdaman niyang seryoso ako.
"Gusto kita Archana." seryosong sabi ko dito habang nakatingin pa rin sa mga mata niya. Pero tiningnan lang ako nito na parang hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko.
Naka-awang pa nga ng kaunti yung bibig niya, halikan ko pa yan eh.
"Gusto kita kaya wala kang magagawa dahil sa ayaw at gusto mo kukulitin kita hanggang magustuhan mo din ako." pag papatuloy ko nang wala akong narinig na kahit ano sakanya ngunit tinitigan lang ako nito ng malamig mukhang nag sink-in na sakanya yung sinabi ko biglang nagbago yung expression niya eh.
"Malala na ata ang tama mo sa utak. Patingin ka na baka lumala pa yan." sagot naman nito na parang wala lang sakanya ang sinabi ko.
Hanep na babae to pinagkamalan pa akong baliw dapat nga mag pasalamat pa siya na siya yung nagustuhan ko eh hmp.
"Ah basta gusto kita maniwala ka man o hindi tapos ang usapan kaya kung ako sayo masanay ka na sa presensya ko dahil kahit anong mangyari kukunin kita." saad ko na hindi pa rin pinuputol ang tingin sakanya pero ang gaga tiningnan lang ako ng malamig.
"Sinasayang mo lang ang oras mo Ms. Reed. At kung magkaka-gusto man ako sa babae siguradong hindi ikaw yun." sagot niya at tiningnan ako sa mata na parang ipinapahiwatig niya na hindi kailanman mangyayari ang sinasabi ko bago tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo saakin.
"WAG KANG MAGSALITA NG TAPOS MS. YOUNG! PINAPANGAKO KO IKAW NAMAN ANG MAG-HAHABOL SA AKIN! KASI GOLD AKO!" sigaw ko sakanya pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napa-iling nalang akong naka tingin sakanya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Hindi daw mangyayari? Well, tingnan natin kung hanggang kailan ka magmamatigas Ms. President hindi mo ata ako kilala, makulit lahi ko." bulong ko sa sarili ko tsaka tumalikod at naglakad palayo.
Bahala si Cali sa buhay niya uuwi ako at magpapaka sad girl nireject ba naman ako. Ganitong mukha? Irereject lang? Kapal niya naman, pero sorry nalang siya wala sa lahi namin ang sumusuko.
What Zaniah wants Zaniah gets baby.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...