Chapter 33

4.1K 195 38
                                    

Zaniah

"Nasaan si Archana?" tanong ko sakanila pagkarating ko sa hotel.

"Umakyat na sa kwarto, galit na galit pa rin parang papatay nga yung itsura eh." sagot ni Cali.

Napakagat naman ako sa labi dahil sa narinig, napaka-pahamak naman kasi ng Skyler na yun eh kung hindi niya lang sana ako hinalikan hindi aabot to sa ganito.

Tinanong ko muna kung ano ang room number niya saka umakyat na para puntahan siya. Alam kong hindi ko naman kailangang mag-explain dahil wala naman nang kami pero hindi din naman pwedeng pabayaan ko siya. Kilala ko si Archana at alam kong hindi yun matatahimik kapag masama ang loob niya.

Pagkarating sa harap ng kwarto ay kumatok ako at bumungad sa akin si Izarah na mukhang stress na stress ang itsura.

"Izarah, nandyan ba si Archana?" tanong ko dito.

"Oo, jusko ikaw na nga ang kumausap sa isang yun, hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya." problemadong sabi nito. "Nandun siya sa may balcony nagpapahangin, puntahan mo nalang." dagdag niya tsaka siya nag-paalam lumabas para daw makapag-usap kami.

Pumasok na ako at pinuntahan ang sinasabi ni Izarah, agad ko naman siyang nakita na naka-upo habang umiinom ng wine. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at binuksan ang sliding door.

"Izarah, are you deaf? How many times do I need to tell you? Leave me alone." bakas sa boses nito ang inis.

Kahit nakatalikod siya sa akin ay baka naramdaman niyang may tao sa likod niya.

"Archana." tawag ko dito at napansin kong medyo natigilan siya nang makilala niya ang boses ko.

"What are you doing here." flat na tanong lang nito.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya ngunit hindi ito tumingin sa gawi ko. Kinuha ko ang baso at ang bote ng wine at inilayo yun sakanya, hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako.

"Now I know what it feels like." sambit nito pagkaraan nang ilang minutong katahimikan.

"Baka iniisip mo na hinayaan ko siyang gawin sa akin yun, nagulat din ako sa ginawa niya." paliwanag ko naman.

"I know. But I don't have the right to be mad right? We're over but I still can't help it." humarap siya saakin at tiningnan ako ng seryoso sa mata.

"I'm jealous." pag-amin nito.

Hindi ako sumagot at nakikinig lang sakanya, medyo tinamaan na nga ata siya dahil sa ininom niya dahil pansin kong namumungay na ang mga nito at medyo namumula na siya.

"Your heart, your lips, your attention everything about you is mine and I don't want anyone else to have any of those things." may pagka-possesive na sabi niya. "But what can I do? You're not mine anyway." may halong pait na bigkas nito at nakita ko ang biglang paglandas ng luha sa mga mata nito bago siya mabilis na umiwas ng tingin para punasan iyon.

Hindi na ako nakatiis kaya bigla ko siyang hinila para yakapin, gumanti naman siya ng yakap at isinubsob ang mukha nito sa leeg ko. Naririnig ko ang mumunting hikbi nito at ramdam kong pinipigilan niya iyon. Parang pinupunit ang puso ko sa paraan ng pag-iyak niya, napapaluha na din ang mga mata ko habang nakayakap pa rin sakanya. Nanatili kami sa ganung posisyon habang hinahagod ko ang likod nito, ilang sandali pa ay tumigil na din siya sa pag-iyak at nang tingnan ko ay nakatulog na ito.

Marahan akong gumalaw para hindi siya magising at hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas dahil nabuhat ko siya nang walang kahirap-hirap. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at kinumutan, lalayo na sana ako nang bigla itong magising at inilagay ang mga kamay nito sa batok ko dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon