Chapter 43

4.4K 207 40
                                    

Aeris

"Congratulations!" bati ni Professor Cali sa akin pagkatapos ng klase.

"Salamat." nahihiyang sagot ko naman.

Ngayon ko lang nalaman na Professor pala siya dito kasama na din ang tatlong lalaki na kasama niya palagi at si Archana.

First day ko ngayong araw at katatapos lang ng subject ko na si Professor Cali ang teacher. Pumasa na ako sa exam na ibinigay ng University kaya diretso na ako ngayon sa 3rd year college. Hindi biro ang pag-aaral na pinagdaanan ko, isang linggo din ata akong nagsunog ng kilay para lang mapag-aralan lahat ng kailangan kong malaman. Hindi ko alam pero parang pamilyar lahat ng nababasa at nakikita ko sa mga pinag-aralan ko kahit ngayon ko lang naman talaga nakita ang mga iyon.

"We need to celebrate!" excited na sabi niya sa akin.

"A-ah Prof.Gomez, huwag na nakakahiya naman po atsaka may pasok pa kasi ako." sagot ko naman.

"Last subject mo na diba? Sino yung Professor mo?" tanong naman niya.

"Opo, si Professor Steven po." sagot ko sakanya.

"Sus, si Steven lang naman pala eh. Akong bahala sakanya basta mag celebrate tayo ha." wala na akong nagawa kundi tumango dahil hindi naman siya papayag kapag tumanggi pa ako.

"Tara, puntahan natin si Archana sa office niya." yaya ni Prof. Cali sa akin.

"Ha? Anong gagawin natin dun Prof?" nagtatakang tanong ko.

"Yayain natin siyang sumama, magpapalibre tayo sakanya." tumatawang sabi nito saka ako hinila.

"Huwag mo na akong tawaging Professor kapag tayo lang ang magkasama, Cali nalang okay? Magkaibigan naman na tayo eh." pahabol pa niya na ikinatango ko nalang.

Sa tingin ko ay magkasing edad lang naman kami at pati na din sina Professor Steven, Ross at Dos. Si Professor Archana lang ata ang pinakamatanda sakanila.

Pagkarating namin sa office ni Archana ay hindi na kumatok si Cali at diretso lang na pumasok. Naabutan namin siyang may ginagawa sa laptop niya.

"Hello, Atty. Archana Louisse Young." bati ni Cali pagkapasok namin ng opisina.

Ang ganda naman ng buong pangalan niya bagay sakanya. Naka-upo lang ito sa swivel chair niya habang naka-suot ng salamin na bumagay naman sakanya. Hindi ko alam pero lahat ng ginagawa niya ay ang attractive ng dating sa akin. Lalo na ang pagdila nito sa ibabang labi na parang naging mannerism na niya.

Normal lang naman sigurong humanga sa babae diba?

Agad namang napatingin si Archana sa amin at may kung anong kinang sa mata niya ang dumaan nang makita ako.

"What are you doing here?" medyo masungit na tanong nito kay Cali saka ako binalingan ng tingin at nginitian ng matamis. "Hi, Aeris." bati nito sa akin habang nakangiti pa rin.

"Ang galing, pag saakin ang sungit mo pero kapag kay Zan--Aeris ang ganda ng ngiti mo. Grabe ba." reklamo ni Cali.

"Nakakasawa na kasing makita ang mukha mo." sagot nito kay Cali pero ang tingin niya ay nasa akin pa rin.

"Whatever." irap nito kay Archana. "Nandito kami para yayain ka. Magce-celebrate kasi kami dahil nga nakapasa si Aeris sa exam. Sama ka ba? Okay lang naman kung ayaw mo, tara na Aeris." dire-diretsong sabi ni Cali na ikina-inis naman nung isa.

"I haven't even answered yet." hindi makapaniwalang reklamo ni Archana sa sinabi ni Cali.

"Ay wala pa ba, ang bagal mo kasi." sagot naman ni Cali na ikina-irap din ni Archana.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon