Chapter 50

6.7K 198 35
                                    

Zaniah

"Good morning, wife. Breakfast in bed?" malambing na sambit ni Archana sa akin habang may dala-dalang pagkain at inilagay iyon sa gilid.

First day namin ngayon dito sa family house nila Archana sa America. Magpo-process kasi kami ng mga papers ng kasal namin at dito na din namin icelebrate ang pagiging mag-asawa namin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na yun, first time kong mag-effort nang ganun kalaki at worth it naman dahil pumayag si Archana kahit medyo nagtampo siya sa akin pagkatapos ng kasal dahil wala siyang ka ide-ideya at ang alam niya ay galit ako sakanya. Sabi ko naman diba, gaganti ako.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko sakanya. "Hindi pa ako nagsisipilyo." sabi ko at tinakpan ang bibig ko nang lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako.

"I don't care." sabi nito at kinuha ang kamay ko saka ako hinalikan.

Lumalim ng lumalim ang aming halikan hanggang sa umibabaw siya sa akin pero hindi pinuputol ang aming halikan.

"H-hmm t-teka, Archana." utal na sabi ko nang bumaba ang mga halik nito sa panga ko hanggang makarating iyon sa leeg ko. Binigyan niya ako ng mumunting halik at marahan na kagat na naghatid ng matinding init sa katawan ko.

"I want you, Zaniah." bulong nito sa tenga ko at dinilaan niya iyon habang ang kamay niya naman ay naglalakbay sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

"W-wait lang!" sigaw ko nang akmang hahalikan ulit ako nito.

"Why? Is there any problem?" nagtatakang tanong niya at kitang kita ko sa mga mata niya ang apoy ng pagnanasa.

"A-ah eh bathroom break?" patanong na sabi ko saka siya marahang itinulak at mabilis na pumasok sa banyo.

Whoo, muntik na yun! Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kitang kita ang pamumula ng mukha ko medyo nanginginig din ako dahil sa kaba. Hindi niyo ako masisisi, first time ko ang gumanon!

"Zaniah?" rinig kong tawag ni Archana sa akin mula sa labas.

"B-bakit?" tanong ko naman.

"Take a shower, we're going somewhere. I'll just wait you outside." sabi nito sa matamlay na boses atsaka ko narinig ang pagsara ng pinto sa labas.

Mukhang nagtampo na nga siya dahil alam ko ang tono ng boses niyang yun.

Agad akong lumabas nang umalis siya at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cali.

Ilang sandali pa ay sinagot na iyon ni Cali.

"Hello, Zaniah? Bakit?" tanong nito sa kabilang linya.

"Cali! Tulungan mo ako!" kinakabahang sabi ko sakanya.

"Bakit? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Muntik na." mahinang sagot ko.

"Ha? Anong muntik na?" nagtatakang tanong niya.

"Muntik nang may mangyari sa amin!" sagot ko naman.

"Oh anong nangyari? Bakit muntik lang?" natatawang sabi ni Cali na ikinasimangot ko.

"Eh sa natakot ako eh. Feeling ko hindi pa ako ready." sagot ko sakanya.

"Haynako, Zaniah. Believe me, ready ka na. Natatakot ka lang and that's completely normal dahil pareho niyong first time." sabi naman ni Cali na ikinabuntong hininga ko.

"M-masakit ba yun?" inosenteng tanong ko na ikinatawa ng malakas ni Cali.

"It's for you to find out. Ipakita mo kung sino ka, be a top Zaniah. Goodluck girl!" pagch-cheer niya pa sa akin. "Balitaan mo ako kung may nangyayari na ha." dagdag niya pa.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon