Chapter 30

4.1K 207 45
                                    

Zaniah

I isolated myself for 3 days. Tatlong araw akong hindi pumasok ng school at nagkukulong lang dito sa kwarto ko. Alam na din ata nila Mommy ang nangyari dahil araw-araw na pumupunta si Archana dito para makausap ako pero hindi ko siya hinaharap.

Tinatawagan at minemessage din ako nila Cali, Izarah tsaka ni Kade pero wala akong nireplyan kahit isa sakanila. Nag-deactivate din ako sa lahat ng social media accounts ko dahil ayoko ng istorbo sa pagda-drama ko.

Puro iyak lang ang ginawa ko sa tatlong araw na yun hanggang sa napagdesisyunan kong lumabas na, wala na din namang mangyayari kung magkukulong pa ako dito nangyari na ang nangyari at wala na akong magagawa tungkol dun.

"Zaniah, anak." gulat na sambit ni Mommy nang makitang bumaba na ako at nakasuot ng uniform.

Hindi ko nakita si Mama, kaya baka umalis na siya papunta sa company.

"Papasok na po ako, Mommy." paalam ko sakanya saka siya hinalikan sa pisngi.

Bago pa ako maka-alis ay hinawakan niya ang braso ko para pinigilan saka niyakap. Napapikit naman ako dahil dun, ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa yakap ni Mommy.

"You know that I'm always here for you right? Hindi mo kailangang solohin lahat, anak. Nandito kami ng Mama mo para sayo." muntik na akong mapa-iyak dahil sa sinabing iyon ni Mommy. Alam ko na kahit talikuran ako ng lahat, si Mommy at Mama lang ang mananatili sa tabi ko at hindi ako iiwan.

Kumalas ako sa yakap at tipid na ngumiti kay Mommy.

"I know Mommy, I know." patango tangong sagot ko.

Pagkarating sa school ay dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng breakfast bago dumiretso sa klase ko. Pero mali atang desisyon na pumunta pa ako dito dahil nandito ang taong ayokong makita, si Archana kasama ang ibang SC officers. Nagulat pa nga ito ng makita ako, nagtitigan pa kaming dalawa pero nauna akong umiwas ng tingin at dumiretso na sa counter para bumili ng pagkain.

Sh*t, wrong timing. Hindi pa ako ready makita siya, ni hindi ko nga siya kayang tingnan ng matagal dahil isang senaryo lang ang pumapasok sa isip ko at yun yung gabi na nagpawasak sa akin. Pagkatapos kong makuha ang pagkain ko ay mabilis at dire-diretso akong lumabas ng cafeteria.

"Zaniah!" rinig kong sigaw niya pero hindi ako lumingon at patuloy lang sa paglalakad.

"W-wait, Zaniah." hinawakan ako nito sa kamay na agad ko namang itinabig at malamig na lumingon sakanya.

"Yes,Miss President? May kailangan po ba kayo?" pormal at walang emosyong tanong ko sakanya.

Control your emotions, Zaniah. Ipakita mo sakanya na hindi ka naaapektuhan sa presensya niya.

Napalunok ito at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.

"Let's talk, please?" pakiusap niya sa akin.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Nangingitim ang ilalim ng mata niya, mukhang wala pa itong tulog mukha din siyang pagod na pagod sa itsura niya ngayon pero hindi maipagkakaila na maganda pa rin ito kahit ganito ang itsura niya ngayon.

"5 minutes, Archana. Timer starts now." mabilis ko namang sabi at tumingin sa relo ko. Bigla naman itong nataranta dahil sa sinabi ko.

"A-about what you saw. I swear I didn't know that it was Melissa, I really thought it was you then she suddenly pulled me into that room and the next thing I know she was kissing me. I-I think she put something---" itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.

"Wag mong sabihing may inilagay siya sa iniinom mo kaya mo nagawa yun, dahil nakaka-gago." putol ko sa sasabihin niya.

"At ano nga uli sinabi mo? Napagkamalan mong ako si Melissa?" kunyaring gulat na sabi ko. "I'm offended, hindi ako ganun ka cheap para icompare mo sa mukhang hitong yun." may bahid na pagka disgustong pahayag ko. Tumahimik naman siya at yumuko dahil sa sinabi ko.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon