Chapter 37

4.2K 180 53
                                    

Zaniah

"Wakey, wakey!" napasinghap ako nang may bumuhos ng malamig na tubig na nagpagising sa akin.

Nang imulat ko ang mata ko ay nagulat ako dahil nasa ibang lugar na kami, para itong lumang bodega dahil sa mga nagkalat na mga gamit sa paligid, meron lang itong isang ilaw na naka-kabit mismo sa taas ng ulo ko at ang ibang liwanag naman ay nanggagaling na sa bintana na galing sa buwan. Sinubukan kong gumalaw at doon ko lang napansin na naka-kadena ang magkabilang kamay ko habang nakaluhod ako.

"Pakawalan mo ako dito!" sigaw ko kay Melissa na ngayon ay prenteng naka-upo sa harap ko habang humihithit ng sigarilyo.

Nilapitan ako nito at binugahan ng usok sa mukha kaya napa-ubo ako na ikinatawa niya.

"How's your sleep? Hmm?" hinawakan niya ako sa baba at pilit na pinapaharap sakanya.

"Ano ba ang kailangan mo ha?!" sigaw na tanong ko habang pilit na sinusubukang alisin ang kadena sa kamay ko.

"Hindi ikaw ang kailangan ko, si Archana." sagot nito at bumalik sa pagkaka-upo.

"Eh baliw ka pala eh, bakit ako ang kinuha mo? Si Archana na ba ako ngayon?!" sarcastic kong sagot sakanya habang pilit na kumakawala sa kadena na nakakabit sa akin.

"Ang ingay mo, naiinis na ako." iritang sabi niya at muling lumapit sa akin tsaka niya ako sinampal ng malakas.

Napadaing ako sa sakit ng sampal niyang iyon pero agad ko ding ibinalik ang tingin sakanya.

"Ipagdasal mo na hindi ako makawala dito dahil sa oras na mangyari yun, uubusin ko ang lahi mo." sabi ko sa kanya habang masama ang tingin na ikinatawa niya.

Pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid at may nakita akong bagay na pwedeng gamitin ko para makatakas dito. Mukhang nahulog niya ito at hindi niya napansin, tanga ka talaga Melissa.

"Sure, sure." naka-ngising sabi niya habang tumatango tango pa. "Tingnan nalang natin kung makalabas ka pa ng buhay dito. Huwag kang mag-alala, papauwiin ko lang si Archana at ikaw ang gagamitin ko para bumalik siya dito. Pagkatapos nun pwede ka nang umakyat sa langit." dagdag niya pa.

"Tanga, sa tingin mo ba papatulan ka pa ni Archana pagkatapos ng ginawa mo? Masama kang tao, Melissa. Wala nang magmamahal at tatanggap sayo! Kahit nga mama mo di ka lab!" sigaw ko sakanya.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito at muli akong nilapitan saka hinawakan sa buhok.

"Say it again and I'm gonna break every bone that you have." pabulong at galit na wika nito.

"Ay hindi mo narinig? Kailangan ko pa bang dahan dahanin ang pagbigkas? Ang sabi ko hindi ka mahal ng mama m---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sinuntok ako nito sa mukha at mukhang tumama pa ang suot suot niyang singsing sa labi ko dahil naramdaman ko ang pagdugo nun.

"Ang tabas talaga ng dila mo, Zaniah. Yan din ang magpapahamak sayo." sabi nito at muli akong sinuntok sa tiyan.

Tss, ang hina niya sumuntok pag ito binawian ko habang buhay tong tulog.

Umubo ako dahil sa sunod sunod niyang pagpapakawala ng suntok sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

Pinunasan ko ang labi ko na may dugo gamit ang dila ko saka iyon idinura at tumawa.

"Yan lang ba ang kaya mo? Ang hina mo pang sumuntok. " natatawang pang-aasar ko sakanya.

Kailangan kong ubusin ang oras niya para sandali niyang makalimutan si Archana. Hindi pwedeng bumalik si Archana dito, hindi ko hahayaang madamay siya. Poprotektahan ko siya kahit pa na ikamatay ko.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon