Chapter 10

4.2K 145 0
                                    

Zaniah

"Anak natulog ka ba? Mukha kang zombie sa itsura mo." bungad ni Mama saakin pagkarating ko sa kusina.

Alas dos ng madaling araw na kasi akong natapos mag-isip at mag-plano ng mga gagawin namin. I want everything to be perfect.

"May ginawa po kasi akong importante kaya kulang yung tulog ko. Sa school nalang ako mag be-breakfast Ma, may kailangan pa kasi akong puntahan eh pakisabi nalang po kay Mommy nauna na ako." paalam ko kay Mama at hinalikan siya sa pisngi bago umalis.

Pagkarating sa school ay agad akong dumiretso sa SC office para puntahan si Archana na hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dito pero hindi na masyado, mahal ko eh.

Kumatok muna ako bago pumasok at nakita kong kumpleto silang lahat at kumakain. Napatingin naman silang lahat saakin lalo na si Archana na hindi na ata kumurap at naka-titig lang.

"Oh hottie, aga natin ah. Good morning, may kailangan ka ba?" naka ngiting bati ni Kade saakin.

Tumikhim muna ako bago magsalita at ngumiti sakanila.

"Good morning din sainyo. Ah oo, pinatawag kasi ako ni Pres." bati at sagot ko naman kay Kade.

"Tamang-tama sabayan mo na kaming kumain dito dali." aya ulit ni Kade ganun din ng iba pang officers saakin.

"Ah hindi na, sandali lang naman ako may gagawin pa kasi ako eh. Salamat nalang." pagtanggi ko at tumingin ulit kay Aly na saktong katatapos lang kumain.

"Follow me." sabi lang nito at tumayo na at naglakad papunta sa opisina niya.

Agad naman akong sumunod sakanya at pumasok na din.

"What is it that you want us to talk about?" direktang tanong ko dito ayokong mag-sayang ng panahon lalo na at may hinahabol kaming oras kung okay lang kami nito kanina ko pa to nilandi eh.

"Take a sit first." sabi nito pero hindi ako sumunod at nanatiling nakatayo sa harapan niya. Nang nakita niyang hindi ako sumunod sa sinabi niya ay mataman ako nitong tiningnan at huminga ng malalim saka nagsalita.

"So tell me about your plans for the upcoming Foundation Day." sabi nito saakin habang naka-sandal sa swivel chair niya.

So ipinatawag niya ako ng ganito kaaga para lang itanong yun? Unbelievable. Tatanong-tanong pa siya kahit alam niya naman ang sagot ko. Anong ine-expect niya? na pagkatapos niya kaming gulatin kahapon may gawa na agad kami ngayon?

"Akala ko ba sabi mo isurprise kita?" sarkastik kong sagot sakanya.

"I just want to make sure na maganda ang kalalabasan nang gagawin niyong plano, bukas na yon. Alam mo naman sigurong isa yan sa pinaka-importanteng bagay sa event."

At gaya kahapon bumalik na naman ang inis ko dahil sa sinabi nito. Okay na sana eh,kalma na ako eh kaso--arrgghhhh sinusubukan talaga ng isang to ang pasensya ko. Imbes na sabayan siya ay nanatili akong kalmado kahit na gustong gusto ko na sumabog dito sa kinatatayuan ko.

"Alam namin ang ginagawa namin Ms. Young. At kung sakali mang hindi maganda ang magiging resulta kami naman ang mapapahiya, hindi ba?" mahinahon ko namang sagot sakanya.

"Let me remind you Zaniah that I am the President of the Student Council kaya kargo ko pa rin ang mangyayari sa event na yan dahil kami ang nag-organize at nag-plano para gawing posible ang lahat."

"Yun naman pala eh, bat kami ang ginawa niyong taga decorate at organize ng Quadrangle? Dahil gusto mo kaming mapahiya, ganun yun diba?" hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa inis pero kalmado pa rin ang tono.

"Pinagbibintangan mo ba ako, Zaniah?" tanong niya. Zaniah siya ng Zaniah pag naman gusto kong tawagin niya ako nun palagi namang Ms.Reed yung tawag niya saken.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon