Zaniah
Napasalampak ako sa kama dahil sa pagod sa ginawa ko kanina sa University. Sabado ngayon kaya tulad ng napag-usapan ay dapat akong mag-report doon para matutunan ko ang mga dapat gawin pero hindi ko inexpect na pigaan ng utak pala ang labanan don.
Dalawang araw na ding absent si Archana nang itanong ko kay Izarah ang sabi niya busy lang daw si Archana mag-ayos ng mga papers niya para sa pag-alis niya pero may iniiwan naman siyang mga gagawin ko tsaka ina-assist din naman ako ni Izarah.
"Zaniah?" napatingin ako sa pinto ko nang marinig kong tinawag ako ni Mommy.
"Bakit po?" pasigaw na tanong ko habang nakahiga pa rin at nakapikit.
"Can I come in?" napamulat naman ako at bumangon para buksan ang pinto.
"Yes Mommy?" tanong ko nang makapasok na ito at umupo sa kama.
Hindi naman ito nagsalita at tinap ang kama para maupo ako sa gilid niya.
"Get ready, pupunta tayo sa bahay ni Tita Eloissa mo." sabi nito na ipinagtaka ko.
Sa bahay nila Archana? Anong meron?
"Bakit po?" tanong ko na ikinabuntong hininga ni Mommy.
"Aalis na si Archana bukas papuntang France." seryosong sabi nito na ikinagulat ko.
Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita dahil sa nalaman.
"W-what? A-akala ko ba next month pa siya aalis? Bakit parang ang bilis naman po?" sunod sunod na tanong ko kay Mommy.
"She lied." tipid na sagot ni Mommy na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean, Mommy?" gulong-gulo ako sa nangyayari.
"She's leaving tomorrow at hindi niya sinabi kahit kanino yun kahit ang parents niya hindi nila alam. Kung hindi pa nakita ni Tita Eloissa mo ang plane ticket niya hindi niya pa sasabihin." napayukom ako ng kamao ko dahil sa narinig.
Bakit naman gagawin ni Archana yun? Aalis talaga siya nang hindi magpapaalam?
Damn you Archana, masakit na nga sa akin na aalis ka tapos wala ka pang balak ipaalam sa amin.
"Zaniah, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
Hindi ako nagsalita at tumayo papunta sa CR. Pagkapasok ay doon ko pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Napakagat ako ng labi upang pigilan ang paghikbi dahil baka marinig ako ni Mommy.
"Zaniah?" kumatok si Mommy sa pinto ng CR kaya napatigil ako sa pag-iyak at pinunasan ang luha ko saka inayos ang sarili bago buksan ang pinto.
Pagbukas ng pinto ay hindi ko inasahan nang bigla akong yakapin ni Mommy saka hinagod ang likod ko na parang alam niyang yun ang kailangan ko.
"It's okay to cry, ilabas mo lang yan anak." nang sabihin ni Mommy ang mga katagang yun ay hindi ko na napigilan ang mapahagulgol
"Ang s-sakit Mommy, hindi pa ako ready na umalis siya eh. A-akala ko kaya ko, a-akala ko magiging okay ako kung mawawala siya. H-hindi ko pala kaya Mommy." umiiyak na sumbong ko kay Mommy habang nakayakap pa rin sakanya habang nakahiga na sa mga balikat nito.
Suminghot ako at pinunasan ang mga luha ko bago kumalas sa yakap at tumingin kay Mommy.
"Pero ayaw kong pigilan siya dahil yun pangarap niya , matagal na niyang gusto yun kaya sino ba naman ako para ipagkait sakanya yun." naluluha ko pa rin na sabi kay Mommy.
"Anak, no matter what happens everything will be alright. It may not be today but trust me one day you will wake up with no heavy hearts." sabi ni Mommy na ikinatango at ikinangiti ko ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...