Chapter 3

4K 150 4
                                    

Zaniah

"Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa'kin nang tayo'y maghiwalayyy. Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatayyyy." madamdamin kong kanta habang naka-hawak sa puso kong winasak ni Archana.

Nagre-replay pa rin kasi sa utak ko yung sinabi niya na kung magkaka-gusto man daw siya sa babae eh siguradong hindi saakin.

Bakit? Maganda naman ako ah tapos sexy, matalino tsaka may sense of humor pa.

"Tapos pasaway at sakit sa ulo." sabat naman ng utak ko.


Tama, baka ganun nga yung dahilan bakit ayaw niya saakin kasi pasaway ako?


Busy ako sa pakikipagtalo sa utak ko ng biglang may bumatok sa akin dahilan para magulat ako ansakit muntik na ata matanggal yung ulo ko.

Handa ko na sanang sigawan yung nambatok sakin kaso pagharap ko hehehe si Mommy pala ok shatap tayo.

"Mommy bakit ka ba nambabatok ansakit kaya." reklamo ko dito pero pinandilatan lang ako nito ng mata at hinampas sa braso.

"Aray ko! Mommy ano ba ansakit ha susumbong na talaga kita kay Mama makikita mo." ansakit gagi ang bigat pa naman ng kamay niya.

"Edi mag sumbong ka dun samahan pa kita eh pagbuhulin ko pa kayo." nakakatakot talaga tong nanay ko kahit si Mama takot dito eh.

"Bakit ka ba kasi nananakit? Wala naman akong ginagawa ah." reklamo ko habang hinihimas yung braso ko na hinampas niya.

And yep, I have two moms bunga ako ng daliri este IVF pala.

My Mommy Reign and Mama Psyche, pareho silang nanggaling sa isang kilalang pamilya kaya alam kong hindi naging madali ang pinagdaanan nila sa kanilang relasyon and worth it naman lahat nakikita ko sa mga mata nila kung gaano sila kasaya.

Dalawa lang kaming magkapatid ako ang bunso and si Kuya Truce ang panganay, may pamilya na si Kuya at may dalawa na din siyang anak kaya bumukod na ito saamin. Ako nalang ang natira dito sa bahay kasama ang dalawa kong nanay.

Two years nalang din naman ga-graduate na ako ng college I'm currently taking up Architecture na unti-unti ko nang pinagsisisihan, eto pa nga ata ang magiging dahilan para mamatay ako ng maaga. And yep we own the Lauxshire University, nag-iisang anak lang naman si Mommy Reign kaya sakanya lahat napunta ang mga negosyo at ari-arian ni Lolo at isa na dun ang Lauxshire University.

"Ano na naman tong nakarating saakin na nag-cutting ka na naman kanina at idinamay mo pa talaga si Calilah pag yun binalatan ng buhay ng mga magulang niya ikaw ipapalit ko." pambihira, akala ko hindi na sila magsusumbong kasi naparusahan naman na kami pero sabagay sila may-ari ng University eh malalaman talaga nila.

"Last na yon Mommy promise magba-bagong buhay na ako naka-amin na din kasi ako kay Archana kaya hindi ko na pa-pasakitin yung ulo niya." tumingin naman si Mommy saakin na parang hindi makapaniwala alam kong hindi niya ine-expect yon alam niya kasing isa akong dakilang torpe.

Actually matagal na nilang alam na gusto ko si Archana napansin daw nila yun dahil palagi ko siyang tinititigan, bakas daw sa mukha ko ang kilig at hindi ako mapakali sa tuwing magkaharap kami unfair nga close ang dalawa kong Mommies sakanya since siya ang President ng Student Council palagi silang nag-uusap school stuff ba pero ako hindi niya pinapansin.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon