Chapter 16

4.5K 172 7
                                    

Zaniah

"I'm sorry." sambit niya at naramdaman kong parang basa yung bandang leeg ko.

Umiiyak ba siya?

"Aly? Hey." tawag ko sakanya at pinipilit kong itulak siya ng marahan pero ayaw niyang umalis sa pagkakasiksik sa leeg ko.

"Are you crying?" tanong ko sakanya pero hindi ito sumagot pero narinig ko ang mahinang paghikbi niya senyales na umiiyak nga siya.

Parang dinudurog ang puso ko. Ayokong umiiyak siya lalo na kung ako ang dahilan.

"Hey, stop crying na. It's okay po, accident lang yung nangyari." pag-alo ko naman sakanya na parang bata saka hinagod hagod ang likod nito bago ko siya hinalikan sa ulo.

Hindi ito nagsasalita pero rinig pa rin ang marahan nitong paghikbi kaya pinabayaan ko lang siya at nanatili kami na magkayakap.

Ilang sandali pa ay mukhang okay na siya at tumigil na ito sa pag-iyak.

"Pikit ka." sambit niya na nagpakunot ng noo ko.

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Just do what I say." inis naman nitong sagot.

Sungit!

"Eh? Okay." sagot ko at pumikit na. "Naka-pikit na po ako."

"Don't open your eyes until I say so." sabi nito at umalis na sa pagkakayakap saakin.

Ilang minuto din akong nakapikit lang hindi din siya nagsasalita kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"You can open your eyes now." sabi nito kaya agad akong dumilat at tumingin sakanya.

Nakita kong maayos na ang itsura nito. Kaya pala pinapikit niya ako ayaw niyang makita ko siyang umiiyak. Okay na uli ang itsura niya pero halata pa rin sa mata niya na umiyak siya dahil namumula ang mga iyon.
Mabuti nalang at hindi nalagyan ng dugo yung damit niya mukhang tuyo naman na yung dugo na nasa damit ko kaya hindi dumikit sakanya.

"Are you okay now?" tanong nito saakin at hinawakan ang sugat ko na may benda. "If you want, we can go to the hospital to check your wound." alok pa nito saakin na ikina-iling ko.

"I told you maliit lang naman yung sugat tsaka hindi naman malalim. Nadaplisan lang." paninigurado ko pa sakanya.

"Daplis pero ganyan karami yung dugo?" turo pa nito sa damit ko.

"I'm okay na nga po. Uuwi nalang ako para mag-palit ng damit." gusto ko na talagang maglinis ng katawan.

"I'll go with you. Ako na rin mag e-explain kina Tita sa nangyari sayo." sabi pa nito kaya hindi na ako umangal. Hindi ko rin kasi kayang mag-drive dahil medyo nahihilo pa rin ako.

Inalalayan ako ni Archana na tumayo at bago kami lumabas ay pina-alalahanan muna ako ng nurse kung ano ang gagawin at paano ko lilinisan yung sugat ko. Nagpasalamat naman ako at lumabas na ng clinic.

Paglabas ay nakita ko si Cali na naka-upo sa isa sa mga bench malapit dito sa clinic kasama niya si Izarah at nag-uusap sila. Napansin nila kami kaya agad silang tumayo at lumapit sa puwesto namin.

"Okay ka na ba?" tanong ni Cali pagkalapit niya saamin.

"Yep. Sabi ko sayo maliit lang 'to eh, gagaling din 'to agad." sagot ko sakanya.

Tiningnan naman nito si Archana at parang may gusto siyang sabihin.

"Archana, pasensya na sa nasabi ko kanina. Nadala lang ako ng galit ko dahil nag-alala ako nang makita ko si Zaniah sa ganung sitwasyon." paghingi ng dispensa na sambit ni Cali.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon