Zaniah
Last day na namin ngayon dito sa Cebu kaya magkakaroon kami ng site visit. Mamayang gabi na din yung flight namin pabalik ng Manila kaya maaga din kaming umalis ngayon para masimulan na ang last na activity.
At nagtatampo pa rin si Archana sa pag-iwan ko sakanya sa kwarto kaya ngayon ay hindi niya na ulit ako pinapansin pagkatapos niya akong sundan kahapon. And honestly it's bothering me, hindi ako sanay na hindi na niya ako kinukulit o mag try na mag-start ng conversation sa akin. Parang may kulang na hindi ko maintindihan and I hate this feeling.
"Oh bakit parang ang tamlay mo naman ata ngayon?" napatingin ako kay Steven na tumabi sa akin dito sa bus.
"Ganun talaga pag maganda." walang ganang sagot ko at nahagip ng mata ko si Archana na papasok ng bus.
Agad kong iginala ang mata ko at nakita kong isang upuan nalang ang bakante na nasa likod kaya agad kong itinulak si Steven para tumayo muntik pa nga siyang matumba dahil sa lakas ng pagkakatulak ko.
"Lumipat ka dun sa likod bilis." pagpapaalis ko sakanya.
"Bakit?" gulat at nagtatakang tanong nito.
"Wag ka nang maraming tanong, sumunod ka nalang." sabi ko sakanya habang tinitingnan si Archana na papalapit.
"Weirdo." rinig kong sagot ni Steven at umalis na rin.
Pagkapasok niya ng bus ay agad kong iniwas ang tingin ko at nagkunwaring nagmamasid sa labas ng bintana. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin ito sa gawi ko at sa upuan na katabi ko, lumapit ito sa pwesto ko pero imbes na huminto ay nagpatuloy ito sa paglalakad, sinundan ko naman siya ng tingin hanggang makarating siya sa bandang likod kung saan din nakaupo si Cali at si Izarah.
"Let's change seats Ms. Gomez." sabi nito kay Cali. Tumayo naman ako at lumuhod sa inuupuan ko habang nakaharap sa likod.
Napansin naman ako ni Cali kaya sinenyasan ko siya na huwag pumayag, akmang lilingon si Archana sa pwesto ko kaya agad akong yumuko para hindi niya ako makita at umayos na ng upo.
"Ayoko, gusto ko dito sa may bintana eh." dinig kong sabi ni Cali.
Yan, ganyan nga Cali kaya bestfriend kita eh.
"How about you Izarah? Come on let's change seats, aren't you tired of always seeing Gomez's face?" rinig kong tanong naman ni Archana kay Izarah.
"Hindi. Yung mukha mo ang nakakasawang tingnan kaya dun ka na sa bakanteng upuan sa harap umupo at huwag mo na kaming guluhin dito." sagot naman ni Izarah na ikinatawa ko ng bahagya.
Grabe talaga, hindi takot kay Archana ah. Pero tama behavior Izarah, bestfriend na din kita.
"Damn you, Monroe. Just wait 'til we return to the University, I'll be sure to greet you with a lot of paperworks." inis na sambit ni Archana.
Pagkaraan ng ilang sandali ay may naramdaman akong umupo sa gilid ko pero nagkunwari lang akong walang pakialam, nang tingnan ko ito ay parang masama ang timpla niya dahil bahagya pa itong nakasimangot.
Nang paalis na ang bus ay napahikab ako dahil sa antok, asar nga dahil kagabi pahirapan ako sa pagtulog tapos ngayon na may pupuntahan ako dun naman ako dinalaw ng antok. Pero dahil katabi ko si Archana ay hindi ako matutulog baka makita niya pa akong tulo laway mamaya habang natutulog eh, nakakahiya yun.
"Are you sleepy?" tanong ng katabi ko.
"H-hindi." utal na tanggi ko. Nagulat kasi ako dahil kinausap niya ako.
Napansin niya siguro na kanina pa ako humihikab.
"Sleep here." sabi niya sabay tapik sa hita niya. Tumingin ako doon at napalunok dahil iba ang naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...