Chapter 17

4.5K 177 10
                                    

Zaniah

"Oh? Nakatulala ka jan?" pukaw sakin ni Cali tsaka ako tinapik sa pisngi.

"Wala." tipid na sagot ko naman sakanya.

Iniisip ko pa rin kasi yung ginawa ni Archana nung nakaraang araw. Grabe na talaga siya mang-asar, masakit sa puson!

Pagkatapos niyang sabihin yun tinawanan ba naman ako saka sinabihan ng assuming kasi akala ko talaga hahalikan niya ako.

May part saakin na medyo dismayado. Charot! Bata pa me bawal pa ko sa mature roles.

"Libre mo nalang ako." kasalukuyan kaming nasa cafeteria nitong si Cali, kakatapos lang din kasi ng 3rd subject namin and ngayon lunch na.

"Sige, libre kitang unli wings." naka-ngiti ko namang sagot sakanya.

Nagningning naman yung mga mata niya na nakatingin saakin.

"Talaga?" masayang tanong naman nito.

"Oo ba, basta pakpak ng eroplano." sagot ko na ikinasimangot niya.

"Alam mo, ang gago mo talaga kahit kailan." nakasimangot pa rin na turan niya.

"Wala nang libre ngayon, mahal na mga bilihin. Wala ka bang nanay? At sakin ka nanghihingi para sa pagkain mo." ganito lang talaga kami mag-asaran HAHAHA sanay na kami mag bardagulan nito eh pero siya pa rin yung palaging pikon.

"Ah ganun, FO na tayo bahala ka." oh diba sabi sainyo pikon talaga eh HAHAHA.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may lumapit sa table namin na babae.

"Uhm, hi?" medyo nahihiyang bati nito.

Tumingin naman ako sakanya na parang nagtatanong.

"Yes? Miss?" balik na tanong ko naman dito.

"I'm Riva. Riva Lionell." pagpapakilala nito at inabot ang kamay.

Maganda naman siya pero mas maganda pa rin si Aly ko.

Hindi naman ako snob kaya nagkibit balikat nalang ako at inabot iyon sakanya para makipagkamay nakita kong bahagya pa siyang namula nang mahawakan niya ang kamay ko.

"Nice to meet you, Riva. May kailangan ka ba?" tanong ko ulit dito.

"A-ah I just want to tell you something." parang kinakabahang sabi nito.

"Mamaya na yan girl, may pera ka ba Riva?" singit naman ni Cali.

Itong babae talaga na 'to walang pinipiling lugar eh no.

"Hoy Cali! Napakawalang hiya mo!" ako ang nahihiya para sakanya.

Siraulong babae na to kahit sino nalang hinihingian. Para namang di binibigyan ng mga magulang ng pera.

"Eh ayaw mo akong ilibre ng pagkain eh. Edi siya nalang. Miss Riva, libre mo naman ako kapalit nun masosolo mo na dito si Zaniah kasi e-exit na ako." naka-ngiting sabi niya pa kay Riva.

"Hoy Cali! Ano ba yang sinasabi mo." saway ko naman sakanya pero pinandilatan niya lang ako ng mata at ibinalik ang tingin kay Riva tsaka ngumiti ulit ng matamis.

"S-sure, here." sagot naman ni Riva at inabutan si Cali ng 2,000 pesos.

Napanganga naman ako sa nangyayari. Seryoso? Para na akong binubugaw dito ah.

"Thank you Riva! You the best! Babye sainyo, take your time jan. Zaniah ha, entertain mo nang mabuti tong si Riva." masayang sabi nito tsaka tumayo na. "Upo ka na dito Riva." tsaka niya ibinigay kay Riva yung upuan niya at umalis na.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon