Chapter 49

5.1K 216 51
                                    

Archana

"We already told you that your plan was not a good idea, pero itinuloy mo pa rin. Now, look what happened." sermon ni Mommy sa akin.

Hindi pa rin talaga sila tapos. I know what I did was wrong, I was insensitive about that plan and I didn't think about the effect it would have on Zaniah.

Dalawang araw nang hindi nagpapakita si Zaniah sa akin. Sinabi din nila Tita na umalis daw siya at hayaan lang daw muna namin na humupa ang galit niya. Hinanap ko pa rin siya pero hindi ko talaga siya makita.

"I know that, okay. Blame Cali too, she helped me plan it." paninisi ko naman sa isa na nananahimik sa gilid.

"Hoy, wag mo nga akong idadamay. Ikaw kaya naka-isip nun sumunod lang ako sa plano mo kasi nangako ako na tutulungan kita pero hindi ko sinabing pabor ako dun." depensa niya naman.

"So if I told you to jump off a cliff, you would do it?" tanong ko sakanya.

"Oo, basta may parachute." mabilis na sagot niya.

"Stupid." I whispered and rolled my eyes.

"Mas stupid ka. Nireject nga proposal mo eh mukhang ikaw ang dapat tumalon sa bangin." asar niya sa akin.

Sasabat pa sana ako nang patigilin kami ni Mommy.

"Enough. Walang magagawa yang pagtuturuan ninyo." pagpapatigil ni Mommy sa amin kaya sabay kaming nanahimik ni Cali pero matalim ang tingin namin sa isa't isa.

"The only thing you can do is wait hanggang magpakita na ulit si Zaniah." sabat ni Daddy.

"Maghintay ka ulit ng 5 years o kahit wag na dahil baka hindi na magpakita sayo yon kahit kailan." Cali said and stuck her tongue out to tease me.

"Great! Now I'm overthinking. Thanks to you." sarcastic na sabi ko kay Cali.

"You're welcome. Deserved." sagot niya.

"Mommy oh." sumbong ko.

"Cali is right. Deserved." napasimangot naman ako nang mag-apir silang dalawa. At talagang nagkampihan pa talaga silang dalawa ha. Parang hindi pamilya.

Natahimik ako at nag-isip kung saan pa pwedeng pumunta si Zaniah hanggang sa may pumasok na isang lugar sa isip ko.

Fuck! Why didn't I think of that?

"Alam ko na kung saan pumunta si Zaniah." sabi ko na ikinatingin nila sa akin.

Agad akong tumayo para kunin ang susi ng kotse ko at lumabas.

"Hoy! Anong alam mo na? Saan ka pupunta?" tanong ni Cali at sinundan ako palabas ng bahay.

"To the moon." mabilis na sagot ko at pumasok na ng kotse.

"Anong to the moon? Hoy!" rinig kong tanong niya bago ko isara ang pinto ng kotse ko.
____

Zaniah

"Aeris! Tara na!" napalingon ako nang tawagin ako ni Dom.

Pupunta kasi kami ngayon sa laot para mangisda. Namiss ko ang mamasyal dito sa isla kaya pagkarating ko nung nakaraang araw ay ginawa ko ang mga bagay na dati kong ginagawa dito para malibang.

"Teka lang!" sagot ko at kinuha na ang sumbrero ko at ang mga gagamitin namin sa pangingisda.

Sakto at hindi masyadong mainit kaya hindi masakit sa balat kapag pupunta na kami sa laot. Naka-long sleeves din naman ako, hindi din naman ako nangingitim sa araw. Isa din yung dahilan kaya alam nang taga ibang lugar na bumibisita na hindi ako taga-rito dahil sa kulay ng balat ko. Maputi kasi ako at kapag nabibilad sa araw ay hindi ako umiitim, namumula lang.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon