Chapter 11

4.1K 162 3
                                    

Zaniah

Ito na ang pinakahihintay nang lahat ang Foundation Day. Sa awa ng diyos nairaos namin ang lahat ng kailangan naming gawin simula sa booth hanggang sa pagde-decorate at pag organize sa event na to. Mukhang nagustuhan naman ng lahat ang ginawa namin sa Quadrangle and dami ngang nagpapa-picture eh. Hindi pa naman nag-uumpisa ang program dahil hinihintay pa yung mga bisita kasama na sila Mommy. Hindi ko pa nga nakikita si Archana simula kanina yung reaksyon pa naman niya yung pinaka-hihintay ko.

"Hoy babae halika na sa booth natin kanina ka pa hinahanap ni Steven ang dami na daw naka-pila dun ikaw nalang ang hinihintay." pagkuha ni Cali sa atensyon ko at agad akong hinila papunta sa booth namin.

"Teka lang naman punyemas yung ice cream ko matatapon. At bakit madami nang nakapila? Eh hindi pa nga nagsa-start yung program eh bawal pa buksan yung mga booths." naka-simangot na reklamo ko sabay bawi ng kamay ko na hila-hila niya.

"Dun ka na nga eh para pag mag-uumpisa na mabilis nalang tayo baka san ka naman magsusu-suot at takasan mo pa kami." sagot naman nito at hinila ulit ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi magpahila habang nakain ng ice cream.

Nagulat naman ako pagkarating namin sa booth hindi ko akalain na ganito karami ang pumipila hala.

"G*go, ano to? Andami naman nila, hindi ko kaya yan kawawa yung pisngi ko jan." reklamo ko kay Steven pagkarating ko sa booth. Agad naman nagsitilian ang iba pagkakita saakin anong tingin nila saakin artista? Pinakalma naman sila ni Cali at sinabihang hindi pa mag-uumpisa ang pagbukas ng booth hanggang hindi pa nag-uumpisa ang program.

"Alam namin kaya nga limited lng yung items na mabibili nila para mahalikan ka. Mas marami jan yung shakehands tsaka hug para di ka mahirapan." sagot naman ni Steven. Wow ha, dapat ko pa bang ipagpasalamat yun?

Hmm, pero kun limited ang pinakamahal naming mabebenta hindi sigurado na kami ang mananalo kailangan pa naman namin dahil nga ayaw na namin mag-exam pagod na kami no.

Napangisi naman ako sa naisip kong idea kaya agad kong tinawag si Steven na busy sa pag-ayos ng mga ibebenta namin.

"Psstt. May sasabihin ako dali." tawag ko sakanya at agad naman siyang lumapit kaya bumulong ako sakanya ng naisip kong plano para mas madami pa kaming maibenta.

"Edi ikaw mag-sabi tutal magkaibigan naman kayo eh. Takot ako jan no, nakatikim na ako ng balibag jan eh. Never again." sagot nito saakin pagkatapos kong sabihin ang ideya na pumasok sa isip ko.

Tss. Duwag.

Inirapan ko lang ito at dumiretso na papunta kay Cali na busy sa pagsusulat ng mga available items na ibebenta namin.

"Cali mah prend. Ang ganda mo talaga mabuti nalang at mana ka saakin." naka-ngiting bati ko sakanya at umupo sa tabi niya. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at tiningnan ako na parang may kakaiba sa sinabi ko.

"Tigilan mo ko Zaniah, alam na alam ko yung mga ganyan mo. Anong kailangan mo?" tanong nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hehehe tulungan mo ko mamaya. Iki-kiss ka din nila." naka-ngiting sabi ko sakanya na nagpatigil nanaman sakanya sa ginagawa niya.

"Ano? Ayoko! Bahala kayo sa trip niyo ni Steven pero wag niyo kong idadamay." naka-simangot na sagot nito.

"Hindi ka ba naaawa saakin? Ang dami nila tsaka para madami tayong maibenta at hindi na tayo mag e-exam ayaw mo nun? Hindi na kailangang humaba ng leeg mo para lang mangopya." pagkukumbinsi ko pa sakanya. Tiningnan ako nito na parang nag-iisip.

Yes! Pumayag ka please.

"Anong makukuha ko pag pumayag ako?" naka-taas ang kilay na tanong nito.

"Ano bang gusto mo?" balik na tanong ko.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon