Chapter 48

4.9K 185 71
                                    

Zaniah

"Bakit parang ang sama ng timpla ni Archana ngayon?" bulong ni Cali sa akin habang tinitingnan si Archana na nakasimangot habang naka-upo sa gilid.

"Nabitin." maikling sagot ko na ikinatawa ng malakas ni Cali kaya napatingin ang lahat sa amin dito sa loob kasama na si Archana na inirapan ako nang makitang tumingin ako sakanya.

Actually kahapon pa siya ganyan, hindi lang napagbigyan naging masungit na. Ngayon kasi ang meeting ng mga Professors ng iba't ibang Department at dahil wala namang klase ay tumambay muna ako dito sa office ni Mommy. Nandito din si Cali at Archana, dito nalang daw sila maghihintay kung mag-uumpisa na ang meeting.

"Bakit mo kasi binibitin, yan tuloy damay ang lahat dito sa kasungitan niya." tumatawa pa ring sabi ni Cali.

"Ang kulit eh, hindi niya kasi matanggap na ako na ang top sa aming dalawa." sagot ko kay Cali.

"Gagi, sineryoso niya talaga ang tungkol don ha." hindi matigil tigil na tawa ni Cali.

"Wag niyo na kasing asarin, ako ang napagbubuntungan eh." saway ko saka tumayo at lumapit sa tigreng kanina pa masama ang timpla.

"Archana." tawag ko sakanya pero inirapan lang ako nito at naging busy na ulit sa cellphone niya.

"Bakit ka ba kasi nagagalit?" buntong hiningang tanong ko at umupo sa tabi niya.

"You wouldn't let me top you." parang bata na reklamo nito na ikinatawa ko ng mahina. Ang cute eh.

"Sira. Wala pa namang nangyayari sa atin kaya paano mo nasabing ayokong maging top ka?" tanong ko sakanya.

"So you mean you would let me top you if something happens between us?" nagliliwanag ang mukhang tanong nito.

"Depende." bumalik naman ang simangot niya sa sagot ko. "Bakit ba kasi atat na atat ka. Saka mo na isipin yan pag kasal na tayo." dagdag ko pa.

"You want to marry me?" pigil ang ngiting tanong niya na ikinatango ko.

"Syempre. Bakit ikaw hindi? Siguro si Sir Mondejar ang gusto mong pakasalan no?" masama ang tingin na tanong ko. Ayusin niya lang talaga ang sagot niya.

"Eww. Not gonna happen and don't ever mention his name again." nandidiring sabi nito na ikinatawa ko.

Good answer.

"Good dog." sabi ko sabay tap ng ulo niya.

"Dogstyle kita jan eh." bulong niya na narinig ko naman kaya hinampas ko siya sa braso.

"Yang bibig mo Young ha. Umayos ka." pinandilatan ko siya ng mata at inirapan na ikinatahimik niya.

Malabong maging top pa siya.

"Proceed sa Conference Room. We'll start in 10 minutes." sabi ni Mommy at nauna nang lumabas. Sabay naman na tumayo si Cali at Archana para sumunod.

"You'll stay here?" tanong ni Archana sa akin.

"Nah, lalabas muna ako. Pupunta muna ako sa coffee shop na malapit dito. May ipapabili ka ba?" sagot ko at sumabay na sakanilang lumabas ng office ni Mommy.

"I'm good. Be sure that you'll be back in an hour or two. Sabay tayong uuwi, your Mom invited me for dinner." sabi niya na tinanguan ko naman.

"Okay. Mauuna na ako ha." paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Take care. See you later." sagot niya at hinalikan ako sa noo. Nagpa-alam din ako kay Cali bago lumabas ng building.

Pagkarating sa coffee shop ay umorder lang ako ng isang iced caramel macchiato at isang blueberry cheesecake. Inilabas ko na din ang dala kong iPad para mag-review dahil may exam kami next week.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon