Chapter 46

5.4K 229 83
                                    

Zaniah

"Tara na at mag-bihis, swimming na tayo." excited na sabi ni Cali tsaka ako hinila papasok ng hotel room.

Nandito kami ngayon sa isang resort para icelebrate ang birthday ng anak ni Kuya Truce. Kahit wala akong naaalala tungkol sakanya ay mas naging close kami ngayon dahil mas nakapag-usap kami at nakapag-bonding, nakilala ko din ang asawa nito at ang sobrang cute kong mga pamangkin.

"Ito yung suotin mo." sabi ni Cali sabay abot sa akin ng red na two piece.

"Ayoko! Hindi ako nagsu-suot ng ganyan." tanggi ko sakanya pero parang wala siyang naririnig at pilit na pinapa-suot sa akin ang swimsuit. Kaya ang ending naghabulan kaming dalawa sa loob ng kwarto.

"A-ayoko na!" reklamo ko habang habol habol ang hininga.

"Suotin mo na kasi. Gusto mong inaasar si Archana diba?" tanong niya na ikinatango ko.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay trip kong inisin si Archana, wala lang ang cute niya lang mainis. Hindi din naman kasi niya ako kayang sungitan eh kaya nilulubos ko na ang pagkakataon.

"Suotin mo to, siguradong uusok nanaman ang ilong nun pag nakita ka niyang naka-ganito." pambobola naman ni Cali. Tiningnan ko ang hawak-hawak niya at napa-isip.

Hmm, confident naman ako sa katawan ko may abs din naman kasi ako dahil nasanay na sa gawain doon sa isla pero kasi hindi ko pa naman na try mag ganyan eh. Pero bahala na nga.

"Sige na nga." sabi ko at inagaw sakanya ang swimsuit. Ngiting tagumpay naman ang isa dahil pumayag ako.

Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Bagay din naman pala sa akin. Ang sexy mo Zaniah Leigh Reed." naka-ngiting sabi ko sa sarili ko. Medyo hindi ako sanay na tinatawag ako sa totoo kong pangalan, gusto ko din naman kasi yung Aeris eh.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto, napatingin naman sa akin si Cali at nanlaki ang mga mata nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"OMG! Ackkk! Ang sexy mo! At tsaka kailan ka pa nagka-abs?!" tili nito saka ako nilapitan at hinawakan sa tiyan.

"Sanay sa trabaho sa isla eh." sagot ko na ikinatango niya.

"Siguradong maraming maglalaway mamaya sa makakakita sayo doon sa beach. Tara labas na tayo." napangiwi naman ako sa sinabi ni Cali.

Ayoko sa atensyon, nakaka-ilang kaya yung ganun.

Pagkarating namin sa labas ay parang gusto kong umatras at bumalik sa kwarto dahil sa mga tingin ng tao sa akin. Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko na sinusundan nila ako ng tingin at nililingon. Mukhang masamang idea na pumayag ako sa gusto ni Cali.

"Guys! Presenting Zaniah Leigh Reed 2.0!" sigaw ni Cali nang makarating kami kung nasaan ang mga kasama namin.

Hinila ko naman si Cali at tinakpan ang bibig niya dahil nakakahakot na siya ng atensyon ng mga tao dito.

"Kailangan mo ba talagang sumigaw?" inis na tanong ko sakanya saka siya binitawan.

"Sorry naman, na carried away lang. Ang hot mo kasi." sabi niya saka kumindat.

"Oh my god, anak! Kailan ka pa nagka-abs? Buto't balat ka lang dati ah." masayang tanong ni Mommy na ikinasimangot ko.

Dumako naman ang tingin ko kay Archana, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkamangha at pagnanasa niya sa katawan ko. Tinginang manyak din ang isang to eh, pero dahil maganda din naman siya at hot sa suot niyang black sando at board shorts ay okay lang sa akin charot!

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon