Chapter 41

4.6K 203 57
                                    

Cali

"Saan niyo siya natagpuan?" kaagad na tanong ni Tita Reign kay Mang Rafael nang makapasok kami sa loob ng bahay.

Ipinagliban muna namin ang gagawin sana naming pagpunta sa kabilang isla dahil sa mga nalaman. Dinala namin si Mang Rafael dito sa bahay para kausapin.

"Hindi ako ang nakakita sakanya." panimula nito.

"May isang lalaki na nagbakasyon din dito noon. Isa siyang banyagang doktor na pumupunta sa mga isla sakay ng kanyang yate para maghatid ng gamot at libreng check up para sa mga tao. Napadpad siya sa isang isla hindi kalayuan mula dito at doon niya nakita si Aeris." kwento ni Mang Rafael.

"Inakala niyang patay na ang babae dahil halos hindi na ito makilala at nag-iiba na din ang kulay ng katawan niya. Puno siya ng mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan niya at mayroon siyang dalawang tama ng bala, isa sa balikat at isa sa tagiliran." nang ikwento iyon ni Mang Rafael ay doon na nag-umpisang bumuhos ulit ang aming mga luha.

Nakita ko naman ang pagyukom ng kamao ni Archana at galit sa mga mata nito, pilit lang siyang pinapakalma ng mga magulang dahil parang anumang oras ay bigla nalang itong sasabog.

I can't imagine the pain and suffering that Zaniah experienced during those times. She was barely living.

"Nang lapitan niya ito ay napansin niyang humihinga pa ang babae at may pulso kaya dito dinala ng doktor si Aeris dahil ito lang ang pinakamalapit na maaari niyang pagdalhan." dagdag nito.

"Bakit hindi ninyo siya dinala sa ospital? O hindi kaya pinagbigay alam man lang sa pulis?" tanong ni Tita Psyche habang umiiyak pa rin.

"Natakot kami. Ang mga sugat sa katawan ng sinasabi niyong anak ninyo ay palatandaan na siya ay pinagmalupitan. Ayaw naming madamay sa kung sino man ang humahabol sakanya at lalong lalo na ayaw naming malaman ng kung sino mang may gawa sa kanya nun na buhay pa siya dahil pwede siya nitong balikan at patayin na ng tuluyan kaya iminabuti naming alagaan at itago siya." paliwanag naman ni Mang Rafael.

Naiintindihan namin ang gusto niyang iparating. Sa part palang na inalagaan niya si Zaniah at kinupkop ay sobrang malaking bagay na iyon.

"Isang buwan na ginamot ng doktor si Aeris at nang bumuti na ang lagay nito ay umalis na din ang doktor at hindi na muling bumalik pa. Umabot ng dalawang linggo bago siya tuluyang magising." kwento ulit nito sa amin.

"Para siyang batang nawawala na walang alam sa mundo. Nakatulala lang siya at hindi alam ang gagawin. Tatlong buwan din siyang hindi nakapag salita, kung may gusto man ito ay puro turo lang ang ginagawa niya." kaya pala hindi niya kami nakilala dahil wala siyang naaalala.

"Alam ba niyang hindi niyo siya tunay na anak?" tanong ulit ni Tita Reign.

Tumango naman si Mang Rafael at tipid na ngumiti.

"Alam niya. Nang bumuti ang kanyang lagay ay napapansin na niya na iba siya sa amin dito kaya sinabi ko na din sakanya kung ano ang totoo. Sino ba naman ang hindi magtataka? Parang dayuhan ang itsura ng anak ninyo para maging taga-rito. Pero kung ako sa inyo ay huwag niyo munang sasabihin sakanya ang lahat." payo ni Mang Rafael.

"Bakit naman po?" nagtatakang tanong ko.

"Baka mabigla siya at hindi kayanin ng utak niya. Maaring hanggang ngayon wala siyang masyadong maalala dahil walang may alam ng buhay niya kaya hindi din namin siya matulungan. Bigyan niyo pa siya ng panahon o hindi kaya hayaan niyong siya ang makatuklas kung sino talaga siya. Kahit matagal na nangyari iyon, hanggang ngayon ay binabangungot pa rin si Aeris tuwing gabi. Palagi niyang napapaginipan na may babaeng humahabol sakanya at may isang pangalan pa siyang binibigkas." paliwanag nito.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon