Chapter 28

3.9K 170 15
                                    

Zaniah

"Because I'm not selfish and I don't want to ruin our friendship." sabi nito habang nakangiti saakin pero ramdam ko ang lungkot doon.

"Huh? Bakit naman masisira ang friendship natin? Kilala ko ba yan?" nagtatakang tanong ko at nang napagtanto ay gulat akong napasinghap at nanlalaki ang matang nakatingin sakanya.

"Don't tell me......si Cali ang gusto mo? Nako, problema nga yan Kadey tsaka kay Izarah na yun eh." sabi ko naman sakanya.

Natawa naman siya at iiling-iling na inubos ang laman ng beer na hawak-hawak niya

"Nevermind. It's better for you to not know anything." tanging sagot niya lang.

Mas lalo tuloy akong na curious sa ibig niyang sabihin. Kung hindi si Cali eh sino? Imposible namang si Archana diba? Mas lalong hindi din naman siguro ako? Ah bahala na, ayokong mag-overthink pa tungkol dun, problema na ni Kade yun.

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa hindi namin napansin na naubos na namin ang beer. Grabe, napasarap ata ang kuwentuhan namin at nakaubos kami ng 12 na beer. Medyo may tama na nga ata kami dahil puro lang kami tawa kahit wala namang nakakatawa.

"HAHAHA tangina mo Kade, ginawa mo yun? Seryoso?" tanong ko habang naluluha na kakatawa.

Kinukwento niya kasi yung mga kalokohan niya nung high school ako naman tawang-tawa dahil wala sa itsura ni Kade na malakas sa katarantaduhan.

"Oo nga, napa guidance kami pagkatapos nun buti nga hindi na pinatawag mga parents namin eh." kwento niya pa.

"Gagi, mag-gagabi na pala." pag-iiba ko ng usapan at tumingin sa relo ko.

"Uwi na tayo? Baka nag-aalala na mga magulang mo sayo tsaka yung girlfriend mo." sabi niya at tumayo na.

Oh shit, nakalimutan ko hindi nga pala ako nagpa-alam kung saan ako pupunta. Naku naman, patong patong na ang kasalanan ko kila Mommy, lagot na naman ako nito.

"Kaya mo pa ba mag-drive, Kade? Nahihilo ako gagi." sabi ko sakanya at kumapit sa balikat niya pagkatayo ko.

"Mukhang delikado na nga na mag-drive pa tayo lalo't mag-gagabi na." sabi naman niya at niligpit na ang mga kalat namin.

"Mag-commute nalang kaya tayo? Kaso walang taxi na dumadaan dito eh, jeep lang." sagot ko sakanya.

Dun pa kasi sa bayan merong taxi, dun nalang siguro kami bababa tapos sasakay kami ng taxi pauwi saamin para mas safe na din.

"Hindi ako marunong mag-commute eh." nahihiyang sabi naman niya pagkatapos namin malagay lahat ng gamit sa kotse ko.

Babalikan nalang siguro namin yung sasakyan namin dito bukas, safe naman to dito dahil konti lang naman ang nakaka-alam ng lugar na to.

"Tuturuan kita, don't worry." sagot ko naman sakanya at nag-umpisa na kaming maglakad pababa papunta sa kalsada.

Mga limang minuto din kaming naglakad bago narating ang kalsada,natatawa nga ako kay Kade dahil medyo hindi na siya makalakad ng maayos pero nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya nahihilo lang talaga. Sakto naman na may dumaang jeep kaya agad kaming nakasakay, mabuti na rin at may dala akong cash para sa pamasahe madalas pa naman puro card yung dala ko.

Nang malapit na kami sa bayan ay kinalabit ko si Kade.

"Psst Kade malapit na tayo sa bababaan natin, ikaw ang pumara." sabi ko sakanya. Hindi daw siya marunong mag-commute eh, edi turuan natin.

"Ayoko, hindi nga ako marunong eh." pagtanggi niya.

"Kaya nga tuturuan kita eh. Nakita mo yung sign na yun dun tayo bababa ikaw na bahala
ha." sabay turo ng bababaan namin kaya wala siyang nagawa kundi tumango lang.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon