Zaniah
"Halooo good morning my beautiful bitchfriend." bati ni Cali pagpasok niya ng room
"Walang maganda sa umaga kung mukha mo ang nakikita ko Cali." sagot ko naman dito habang busy sa pag gupit para sa decorations sa Foundation Day.
Nagmamadali kami ngayon dahil kailangan nang ilagay to, hindi kasi naumpisahan gawa nang nagkasakit nga ako 5 days ago. Grabe talaga si Aly hinintay talaga ako bago umpisahan yung pagpa-plano kakagaling ko lang sa sakit pero pinapahirapan niya na agad ako T_T
"Ay wow, hiyang-hiya naman ako sayo ikaw nga hindi mahal ng Mama mo." ganti nito saakin.
Ah ganon ha.
"Ikaw sa sobrang panget mo pati bulag nandidilim yung paningin sayo." asar ko ulit dito, halata sa mukha niyang napipikon na siya eh HAHAHA mali siya nang kinalaban.
Nagtawanan naman yung iba naming kaklase na nakarinig sa sinabi ko.
"HOY---"
"Sa sobrang panget mo nung nakita ka ni Santa Claus nung pasko sabi niya "HO HO HOLY SH*T." Ano gusto mo pa?"
"Ayoko na---"
"Hindiii, isa pa. Gusto mo to diba? Sa sobrang panget mo pag umiiyak ka yung luha mo dumidiretso sa batok mo kasi iniiwasan niya yung panget mong mukha." putol ko sa sasabihin nito.
"Grabe ka na, ayoko na---"
"Hindi, isa pa. Inumpisahan mo diba? Tapusin mo. Sa sobrang panget mo pati si Hello Kitty napasabi mo ng goodbye." asar ko ulit saka tumawa ng malakas nang nakita ko na paiyak na siya.
"Bahala ka sa buhay mo, sumosobra ka na. Bullying na yang ginagawa mo, isusumbong kita kay Ms. President." sabi nito at tumakbo palabas ng room.
No way! Nagpapa-good shot na nga ako kay Aly tapos sisiraan niya pa ko. Ang OA pa naman nun mag kwento.
"Walang ganyanan Cali! Joke lang naman yun eh. Hoy bumalik ka dito!" habol na sigaw ko naman dito pero lumingon lang ito at dumila saka lumabas na ng room.
Gago kinakabahan ako baka totohanin niya. Napa-iling nalang akong pinagpatuloy yung ginagawa ko.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik si Cali na may mga ngiti sa labi yung tipong nang-aasar. Ang sarap burahin, nakaka-inis. Eto yung taong tititigan mo lang mababad-trip ka na eh.
"Lagot ka, ngayon mo ilabas ang tapang mo." sabi nito saakin at ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Aly at VP.
Ang hot niyang tingnan dang, naka-suot ulit ito ng white polo shirt na naka tucked in sa high-waisted beige trouser nito at Air Force 1 na white shoes. Idagdag mo pa yung buhok nito na naka messy bun as usual.
"What did you do this time?" tanong ni Aly habang naka-kunot ang noo paglapit niya saakin.
"Wala naman akong ginagawa ah. Nag-gugupit lang ako dito katulad ng iniutos mo." pagmama-ang maangan ko pa.
"Anong wala? Eh binu-bully mo ko---" tiningnan ko ng masama si Cali dahil sa sinabi niya. Tinotoo niya talagang magsu-sumbong siya ha.
"Cali, gusto mong maging si Barney? Sasakalin kita hanggang mag-kulay violet yang mukha mo pag hindi ka tumahimik jan." naka-ngiti pero may diin kong sabi na nagpa-lunok sakanya.
"Kita mo na Ms. President? Inaaway niya ako." parang bata na sumbong nito kay Aly.
"What the--- eh ikaw kaya yung nauna. Sabi niya hindi daw ako mahal ng Mama ko." sumbong ko din kay Aly with matching paawa effect pa.
Tawang-tawa naman si VP habang nanonood saamin, happy pill niya ata kame.
"Away bata lang yan, Archana. Hayaan mo na, sige nga Cali hawakan mo nga sa tenga si Zaniah kung matapang ka." dagdag pa ni VP na natatawa pa rin.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...