Chapter 38

4.4K 210 86
                                    

Cali

Five years have passed. Limang taon na ang nakakaraan simula ng bangungot na naganap pero pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Nandito ako ngayon sa dati kong University para umattend ng college reunion. Ito na ata ang pinakamalaking reunion na ginanap dito sa University dahil kahit ang mga sa ibang bansa na naka-base ay inimbitahan nilang dumalo at sagot lahat iyon ng University.

Simula kasi ng nangyaring insidente ay hindi na muling nagpakita ang mag-asawang Reed at ang panganay nilang anak na si Kuya Truce ang nagpapatakbo ng University at kompanya nila. Bumalik talaga siya ng bansa para asikasuhin ang mga naiwan ng mga magulang niya. Walang nakaka-alam kung nasaan na sila, masyadong dinamdam ni Tita Reign at Tita Psyche ang nangyari kay Zaniah kaya pinili nilang magpakalayo-layo.

"Architect Gomez, it's nice to finally meet you again." naka-ngiting bati ni Steven sa akin sabay abot ng kamay niya na animo'y parang businessman dahil sa suot na suit.

"Oh drop the formality, Steven. Hindi bagay sayo ang gumanyan, mukha kang tanga." pabirong irap na sabi ko na ikinasimangot niya.

"Grabe ka na ha, dati si Zania---" napatigil ito dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Zaniah, maging ako ay ganun din.

Malungkot akong ngumiti sakanya at tinapik siya sa balikat.

"She's in a better place now." naka-ngiting sabi ko kay Steven.

I hope so.

"Nami-miss ko na ang babaeng yun, babalik pa kaya siya? Sana pumunta siya dito ngayon no." nakangiting sabi ni Steven. "Babatukan ko talaga yun, umalis ba naman nang hindi nagpapa-alam." tumatawa tawang sabi ni Steven.

Ngumiti ako sakanya kahit sa loob-loob ko ay gusto kong umiyak at sabihin sakanya na kahit kailan ay hindi na siya babalik. Wala nang babalik na Zaniah.

Hindi nila alam na wala na si Zaniah sa totoo lang. Ang alam nila ay umalis lang ito ng bansa kasama ang mga magulang at hindi na muling nagparamdam pa simula nang umalis din si Archana. Hindi nga ako makapaniwala na nagawang itago ng pamilyang Reed ang lahat ng iyon, wala ni isang balita o lumabas na haka-haka tungkol sa nangyari.

"Hellooo!" naputol ang pag-iisip ko nang may biglang tumalon sa likod ni Steven.

"Aray ko! Tangina naman!" reklamo ni Steven dahil nagusot ang suot-suot niya dahil sa pagtalon ni Dos sa likod niya.

"Hoy, Steven. Architect ka na dapat hindi ka na nagmumura." saway naman ni Ross na bigla lang lumusot sa gilid namin.

"Oo nga, hindi ka na college para magpakita ng masama mong ugali. You should talk and act professional." dugtong naman ni Dos.

"Wow professional, sayo pa talaga nanggaling yan ha. Sino kayang tanga ang tumalon sa likod ko na parang bata" inis na sabi ni Steven na tinawanan lang ng dalawa.

Iiling-iling naman akong nakatingin sakanila habang nagkukulitan.

Zaniah, do you see us from up there? Mas masaya sana kung nandito ka, panigurado ikaw nanaman ang magsisimula ng katarantaduhan dito.

"Uy si idol pala to eh." bati ni Dos na ngayon lang ako napansin. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.

"Nasaan na ang pinaka-idol na Master namin? Hindi pa rin ba umuuwi?" tanong ni Dos.

"Oo nga, miss na namin siya. Ang daya baka isa na siyang magaling na Architect sa ibang bansa at mas mataas na ang sweldo kaysa sa amin ha. Kung isinama niya lang sana ako sa ibang bansa nakahanap na siguro ako ng asawa ngayon." sabi naman ni Ross.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may pumasok sa Hall at ang lahat ng mata ay nakasunod sakanya. Ganun din kaming apat at kapwa gulat na gulat pa nang nakilala kung sino ito.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon