Chapter 35

4.7K 234 35
                                    

Zaniah

"Natutulog ka pa ba?" gulat na wika ni Cali habang tinitingnan ang mga gawa ko at lahat ng mga natapos kong requirements na ipapasa. Ginawa ko ang lahat ng iyon sa loob lang ng tatlong araw.

Wala akong magawa eh, kailangan kong magpaka-busy para wala na akong oras na maramdaman ang mga masasakit na alaala.

"Grabe master, mag-relax ka lang kaya? Hindi pa nga kami nag-uumpisang gumawa tapos ikaw tapos na?" singit din ni Dos.

"At perfect pa ang lahat ng scores mo." namamanghang sabi naman ni Ross.

Nagkibit-balikat lang ako at sumubsob sa desk ko saka pumikit. Wala akong maramdamang kahit ano ngayon, manhid na ata ako ikaw ba naman ganun ganunin eh.

Napamulat ako ng may naramdaman akong mahinang tapik pero hindi ako nag-angat ng tingin.

"Ano?" may bahid na inis na tanong ko pero nakasubsob pa rin ang mukha ko sa desk.

"May pumuntang staff dito, pinapatawag ka daw ni Tita Reign sa office niya." bulong ni Cali kaya kahit tinatamad ay tumayo na ako para puntahan si Mommy.

Habang naglalakad ay naramdaman ko na naiihi ako kaya dumaan muna ako sa CR pero hindi pa ako nakakapasok ay may naririnig akong parang nagtatalo sa loob, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako dahil magiging awkward yun kapag bigla akong lumusot. Ang daming pwedeng lugar na pag-aawayan bakit kasi sa CR pa, tss.

Doon na nga lang ako magc-CR sa office ni Mommy, titiisin ko nalang muna to.

"Baka nakakalimutan mo ikaw ang nag-planong paghiwalayin silang dalawa tapos ngayon aatras ka?"

Aalis na sana ako nang matigilan dahil pamilyar ang boses ng nagsasalita. Bumalik ulit ako sa harap ng pinto para makasigurado, sumilip ako sa may siwang at ganun nalang ang gulat ko nang makitang si Melissa yun pero hindi ko makita ang itsura ng kausap niya dahil nasa gilid ito at natatakpan ng pinto.

"Because I've realized that what we did was wrong. Yes, I like Zaniah but I don't want to hurt her."

Hindi ako makapagsalita sa narinig at kahit gulat man ay nanatili ako sa pwesto ko para pakinggan pa ang sasabihin nila.

"It's too late for that realization, Kade. We already started this, there's no turning back. Gagawin ko ang lahat para maging akin si Archana at hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na 'to. Now kung ayaw mo na, then keep your mouth shut and don't ruin my plan."

S-si Kade? B-bakit? P-paano? So all this time ako pala ang tinutukoy niyang gusto niya?

"Hindi ako makikialam sayo, Melissa. Ipangako mo lang na wala kang gagawin kay Zaniah dahil pag nalaman kong ginalaw mo siya ako ang makakalaban mo." babala pa ni Kade.

"I can't promise you that, Kade. Kung makikialam siya at sagabal sa plano ko eh talagang damay siya." naka-ngising wika ni Melissa.

Umalis na ako kaagad sa lugar bago pa nila ako mahuli. Habang naglalakad ay hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa ni Kade sa akin yun. Akala ko ba magkaibigan kami, bakit nagawa niya akong saktan? At doon ko lang din naalala ang sinabi ni Melissa noon.

"Be careful who you trust baka yung taong pinagkakatiwalaan mo yun pa mismo ang sasaksak sayo sa likod. Remember, even salt looks like sugar."

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat ng nangyari. Kaya ba ininvite kami ni Kade sa birthday niya dahil yun na talaga ang plano nila?

Napayukom ako ng kamao ko sa galit na nararamdaman dahil sa nalaman. Gustong gusto ko silang sugurin pwede hindi ito ang tamang oras para dun. Nagsisisi ako na hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ni Archana. Ang tanga ko dahil hindi ko siya pinagkatiwalaan.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon