Zaniah
"Go on a date with me."
Napakamot naman ito sa kilay niya at muling tumingin saken.
"Wala na bang iba? Busy akong tao Zaniah, wala akong panahon para sa mga ganyan." seryosong sagot niya.
"Okay then. Hanap nalang kayo ng iba na pwedeng tumulong sainyo." kibit balikat ko namang sagot sakanya at prenteng umupo habang naka-sandal.
Napa-sandal din ito sa swivel chair niya tsaka pumikit sabay buntong hininga.
"Fine, papayag na ako. Mangyayari lang yon kung magiging successful ang gagawin mo. Make sure na ma sa-satisfy ako sa gagawin mo Zaniah." sagot nito na ngayo'y naka-tingin na sa akin.
"Sure Aly. Leave it to me baby." tugon ko naman sakanya saka kumindat.
"What did you just call me? Aly?" kunot noong tanong nito.
"What? It's cute. Archana Louisse Young short for Aly. Ang talino ko no." proud na sabi ko naman sakanya.
"No, don't call me that. We're not even that close para tawagin mo kong ganyan."
"Hmm? Gaano ba ka close ang gusto mo?" tanong ko dito at bahagyang tumayo saka pinatong ang mga kamay ko sa table niya at inilapit ang mukha ko sakanya.
"Ganito ba ka close?" tanong ko ulit habang nmagkalapit pa rin ang aming mga mukha.
Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa mukha ko.
Ang bango ng hininga niya mga baklaaa.
Amoy strawberry na may pagka minty.Siguro mas masarap to tikman hehehe
Napa-dako ang tingin ko sa mapupulang labi niya labi niya at nakita kong bahagyang napa-lunok ito.
Pakingshet, nakaka-akit beh.
Nagulat naman kaming dalawa ng biglang may kumatok dahilan para pareho kaming nagpanic at sa hindi inaasahan pangyayari ay biglang nagdikit ang aming mga labi.
Lumaki naman ang mata ko ng napagtanto ang nangyari kaya agad akong napalayo sakanya at nakatulalang naka-tingin dito. Maging siya ay ganun din ang reaksyon, pareho naming hindi akalain na mangyayari yon.
There's no way that just happened! Kung panaginip lang 'to wag niyo na akong gisingin pa!
Mama! Di na virgin ang lips ko huhuhu!
Kahit smack lang yun first kiss ko pa rin yun no.
Bumalik lang kaming dalawa sa wisyo ng marinig ulit namin ang katok.
Napa-ayos ako ng upo habang si Aly naman ay tumikhim at sinabihang pumasok ang kumakatok.
"Pasensya na sa istorbo Pres, ibibigay ko lang tong letter na nanggaling kay Prof. Ramirez." yung secretary nila na mukhang hito pala ang kumakatok.
Hmp. sinira niya ang moment namin pero may part saakin na nagpapasalamat dahil kung hindi nangyari yon ay hindi ko sana matitikman ang masarap na labi ng Presidente.
Nakatulalang naka-hawak pa rin ako sa mga labi ko at parang baliw na ngumingiti habang paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina.
Natigil lang iyon ng may dumapong palad sa pisngi ko, mahina lang iyon pero masakit pa rin.
"Aray ko, bat ka nananampal?" reklamo ko sa salarin na ngayon ay naka-tingin ng masama sa akin.
"Para kang tanga. Kanina pa kita tinatawag." sabi nito at ngayon ko lang din napansin na wala na ang babaeng hito.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...