Chapter 20

4.6K 173 4
                                    

Zaniah

"Huh? Weh?" wait lang nag lo-loading pa ako, ayaw ma process ng utak ko yung sinabi niya.

"Seriously? Yan lang ang sasabihin mo?" inis na sabi niya. "You know what, nevermind. Just forget what I said." saka siya tumalikod na at naglakad papunta sa kotse niya.

"Uy Aly, teka lang." pigil ko naman sakanya saka siya sinundan at hinawakan sa braso para pigilan.

"Ano?!" pasigaw nitong sabi saka kinuha ang braso niya na hawak hawak ko at tiningnan ako ng masama.

Gagalit agad eh, hindi pa nga ako nagsasalita.

"Bakit ka ba nagagalit? Wala pa naman akong sinasabi ah." namula naman ang mukha nito at mas lalong sumama ang tingin saakin.

"You know that I'm not good at expressing my feelings and that's the freaking first time that I have confessed to someone tapos yun lang ang sasabihin mo?" mahabang litanya nito. "My God, bakit ba ulit ako nagkagusto sayo?" wow ha parang lugi pa siya.

"Eh sorry na, nagulat lang naman ako." naka-ngusong sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Pero totoo ba yung narinig ko kanina?" tanong ko ulit sakanya.

"Hindi, you're just imagining things." sarcastic na sagot naman nito.

Ang sungit talaga, nagtatanong lang eh.

"Tanungin mo nga ako ulit, dali." pamimilit ko sakanya.

"No." napa-simangot naman ako sa sagot siya

"Dali na kase, ayaw mo bang malaman ang sagot ko?"

"Tss, I already know it's a yes. Patay na patay ka sakin eh." parang bored at diretsong sagot nito habang nakatingin saakin.

Well, totoo naman. Bat ko ko ide-deny yun.

"Wow, ang yabang mo naman idol. Bilis na kase, tanungin mo uli ako." pilit ko pa ulit.

"Tss, fine." sabi nito at hinawakan din ang dalawa kong kamay. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita uli. "Zaniah Leigh Reed. Will you be mine?" tanong nito na ngayon ay seryoso nang nakatitig saakin.

Ngumiti ako nang malaki nang marinig ko ang sinabi niya. Tumingkayad ako ng konti para abutin ang mga labi nito at hinalikan siya ng marahan, binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at inilagay sa pisngi nito. Automatic naman na inilagay niya din ang kanyang mga kamay sa bewang ko para gawing suporta.

Magkadikit ang aming mga labi at walang may balak na gumalaw, ninanamnam lang namin ang bawat sandali hanggang ako na ang kusang humiwalay.

"Yes, Archana Louisse Young." sagot ko sa tanong niya saka ko siya hinalikan ulit pero smack lang naman. "I am yours, Miss President." naka-ngiting sabi ko na nakapag pangiti din sakanya.

Hinigit niya ang bewang ko papunta sakanya at niyakap ako ng mahigpit, napangiti naman ako at napayakap din ng mahigpit nang maramdaman ko ang halik nito sa ulo ko.

"Sabi na eh, patay na patay ka saken. Nagpapakipot ka lang noon." biro ko sakanya habang magkayakap pa rin kami.

Napa-aray naman ako nang kurutin ako nito sa gilid ko.

"Yabang mo, ginayuma mo nga ata ako eh." napahiwalay naman ako ng yakap sakanya dahil sa sinabi niya at tiningnan siya ng masama.

Gayuma daw eh hindi ko na kailangan ng ganun ganda ko lang sapat na no.

"I wonder why I'm the one asking when you're the one who's courting me." dagdag pa nito at nag-umpisa na kaming maglakad pabalik sa kanya kanyang kotse.

"Tatanungin din naman sana kita, naghahanap lang ako ng tyempo. Naunahan mo lang talaga ako." depensa ko naman.

Totoo naman eh, may balak naman talaga ako pero hindi pa sana ngayon kasi nga ayoko siyang ipressure, slowly but surely ika nga nila.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon