Zaniah
"Anong meron?" tanong ko kay Cali nang makita kong ang daming nagkukumpulang tao sa gitna ng quadrangle.
"Ewan, baka may suntukan." kibit balikat na sagot nito.
At dahil isa kaming dakilang mga chismosa ay pinuntahan namin kung saan ang maraming tao para malaman kung ano ang nangyayari
"She's here!" sigaw ng isang babae sa gilid habang tinuturo ako.
Nagulat naman ako at napatingin sa paligid, saakin na ang atensyon nang lahat.
Luh, nakiki-chismis lang ako dito eh paano ako nadamay?
Isa-isang nagsi-alisan ang mga tao at nahati sila sa dalawa hanggang sa isang babae nalang ang natitira na nasa gitna, hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod siya saakin.
"Cali, alis na tayo. Iba ang pakiramdam ko dito." bulong ko kay Cali sa gilid ko.
Hindi naman ito sumagot kaya napatingin ako sa pwesto niya, nagtaka ako nang wala na ito sa tabi ko.
Iginala ko ang tingin ko at nakita kong nasa gilid ito at hawak sa kabilang kamay habang kinakausap ng dalawang matangkad na babae, parang pamilyar sila ah.
Anong nangyayari?
"Hi, Zaniah." napabalik naman ang tingin ko sa harap nang narinig kong may nagsalita.
"Skyler?" gulat na tanong ko nang makilala ko kung sino ito. May dala-dala itong bulaklak at medyo malaking teddy bear. Naka dress ito at babaeng babae ngayon kaya hindi ko siya nakilala kanina.
May mga nagsi-tilian at nagsigawan pa nga nang lumapit sa pwesto ko si Skyler.
"Sorry if I caused too much scene in here." nahihiyang sabi nito habang nakangiti. "For you." sabi pa nito at iniabot ang dala-dala niya. Hindi ko naman iyon tinanggap at tiningnan lang siya.
"You did, mapapatay ako ni Archana sa ginagawa mo." diretsong sabi ko sakanya. Unti unti na akong binabalot ng kaba.
Siguradong nakarating na sakanya ang nangyayari ngayon. At sa oras na dumating siya dito at naabutan niya ang ganitong eksena, ako na mismo ang maghahanda para sa libing ko.
Ipagdasal niyo nalang ang kaluluwa ko T_T
"I'm not doing anything wrong. I'm just showing my appreciation and admiration towards you." depensa naman niya.
"May girlfriend ako, Skyler. Tsaka tingnan mo oh ang daming tao nakakahakot ka na ng atensyon. Nakakahiya." pabulong na sabi ko naman sakanya.
Ano ba yan, mahihirapan na naman akong manuyo mamaya niyan.
"Oh girlfriend mo na pala si Archana? Sayang naman, type pa naman sana kita." parang disappointed na sabi nito.
"Bakit kasi ako? Nananahimik na nga ako eh. Pag nagalit ba si Archana ikaw ang susuyo? Ha?" reklamo ko sakanya na ikinatawa niya.
"Well, to be honest gusto ko lang talagang asarin si Archana kaya ako nandito at ginawa ko 'to, alam kong kayo na." natatawang sabi niya. "But I'm not gonna lie, I have a crush on you." pag-amin pa nito.
"Jusko, wag mo na ituloy kung mahal mo pa ang buhay mo." babala ko sakanya.
"Ikaw naman ang malalagot eh, hindi ako." naka-ngising sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"How romantic. Are you done?" nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses na yun.
"A-archana." nauutal na banggit ko sa pangalan niya habang nakatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...