Aeris
"Bumalik ka dito, Zaniah! Papatayin kita!" sigaw ng isang babae habang may hawak hawak na baril.
"Tumigil ka na!" ganting sigaw ko habang nakatago sa isang puno na hindi kalayuan mula sa pwesto niya.
"Titigil lang ako kapag nakuha ko na ang gusto ko at kapag napatay na kita! Kaya huwag mo na akong pahirapan pa at lumabas ka na kung saan ka man nagtatago!" napamura ako at tumayo para sana pumunta sa likod niya kung saan hindi niya ako makikita. Balak kong sugurin siya mula sa likod nang hindi niya inaasahan. Sa kamalas malasan ay natapilok ako dahilan para makalikha ako ng ingay. Mabilis na napatingin ang babae sa gawi ko at pinaputukan kung saan nanggagaling ang ingay. Natamaan ako nito sa balikat na ikina-daing ko.
"F*ck! Hindi ako pwedeng mamatay ng ganito. Mauuna ka muna." bulong ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang balikat ko na patuloy ang pag-agos ng dugo.
Inilabas ko ng mabilis ang baril ko nang makita ko ang tatlong lalaki na papalapit sa pwesto ko. Mabilis ko silang pinaputukan sa iba't ibang bahagi ng katawan nila pero bago matumba ang isa ay natamaan ako nito sa tagiliran na ikinasigaw ko.
"Gotcha." tumatawang sabi ng babae at tumakbo papunta sa pwesto ko. Umatras ako at tumakbo para makalayo sakanya. Ibinuhos ko ang lahat ng natitira kong lakas para makatakas sa babaeng humahabol sa akin. Nandidilim at umiikot na ang paningin ko dahil sa patuloy at unti-unting pagka-ubos ng dugo ko mula sa mga tama ng baril.
Napatigil ako sa pagtakbo nang makitang wala na akong pupuntahan dahil isang mataas na bangin at ang nasa ilalim nito ay dagat.
"Wala ka nang takas ngayon, Zaniah." tumatawang sabi ng babae habang papalapit sa akin.
Humarap ako sakanya habang umaatras sa tuwing humahakbang ito papalapit at nakatutok ang baril nito sa akin.
"Kung mamamatay man ako ngayon, sisiguraduhin kong isasama kita!" sigaw ko sakanya saka ito binaril.
Sabay kaming tinamaan nang magpa-putok din ito at muling bumaon ang isa pang bala sa tagiliran ko kung saan ako tinamaan kanina. Nawalan ako ng balanse hanggang sa naramdaman kong unti-unti akong nahuhulog at bago magsara ang mga mata ko ay ang naka-ngiting mukha ng babae ang huli kong nakita.
"Aeris!" bigla akong napabangon at hingal na hingal nang magising ako dahil sa panaginip na iyon.
"Ayos ka lang ba? Nananaginip ka." ang nag-aalalang mukha ni Tita Reign at Tita Psyche ang bumungad sa akin.
Hindi ako sumagot dahil puno pa rin ang utak ko ng senaryong napanaginipan ko. Malakas ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan din ako sa sobrang kaba. Habol habol ko pa ang hininga ko habang nanginginig at napapa-isip sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Miss President ✔
FanfictionArchana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known for her coldness and attractiveness, qualities that made Zaniah like her and the reason why her fell...