Chapter 24

4.7K 165 6
                                    

Zaniah

"Wow, cake." bulalas ko nang ilabas ni Cali ang malaking tub sa ref niya.

Nakikigulo ako ngayon dito sa condo niya dahil may gagawin din kaming report tsaka dito na din ako matutulog.

"Hmm ang sarap." sabi ko pagkatapos tikman yung chocolate cake na binake niya. "Matrato ng tama. Naranasan mo na ba yun pre?" dugtong na tanong ko kay Cali.

Sinamaan naman ako nito ng tingin at tinutukan ng tinidor sa mukha.

"Wag mo kong tanungin ng mga ganyang bagay Zaniah ha, nandidilim paningin ko sayo. Masasapak talaga kita." luh, nagtatanong lang eh.

"Sungit mo naman, meron ka ba?" naka-ngusong tanong ko sakanya.

"Porket may girlfriend ka na ginaganyan mo na ko ha." naka-simangot na sabi nito saakin.

"Bakit kasi ayaw mo kay Izarah? Okay naman siya ah. Maganda, mabait, matalino tsaka---" naputol ang sasabihin ko nang sumabat ito.

"Tsaka maraming babae!" pa-singhal na sabi nito habang naka-simangot pa rin.

"Sabagay, palagi ko nakikitang nagpapa-cute sa mga babae yun eh." kibit balikat na sabi ko.

"Kelan yan?" may halong inis na tanong nito.

Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka at kalaunan ay ngumisi ako.

"Nagseselos ka ba?" nang-aasar na tanong ko.

"Excuse me, ako magseselos? Bakit sino ba siya?" mayabang na sabi nito.

"Ah ganun ba, eh pano kung sabihin ko sayo na nakita ko siyang may kasamang babae kahapon at ang sweet nila sumakay pa nga sa kotse ni Izarah eh." pagsisinungaling ko pa.

Gumagawa lang ako ng kwento kasi gusto ko makita yung reaction ni Cali HAHAHA.

"WHAT?!" gulat sigaw nito. Napatakip naman ako ng tenga ko at bahagya pa akong napa-igtad sa kinauupuan ko nang bigla siyang sumigaw.

"Yeah, hindi ka nga nagseselos." iiling iling na sabi ko.

"Humanda saakin ang babaeng yun, pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako tapos mambababae siya?" nanggigil na sabi nito habang dinudurog ang cake gamit ang tinidor na gamit niya, parang pinapatay niya na si Izarah sa isip niya eh.

Napalunok naman ako dahil sa sama ng tingin nito.

Ilang sandali pa ay sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok.

"Ako na." sabi niya at tumayo na para tingnan kung sino ang kumakatok.

Habang umiinom ako ng juice ay narinig kong parang sumigaw si Cali kaya napatingin ako sa pinto at nakita ko si Cali na nakasakay sa likod ni Izarah habang sinasakal niya. Napabuga ako ng iniinom ko dahil sa nasasaksihan.

"Aray---ackkk." nahihirapang sabi ni Izarah.

Jusko, papatayin niya ba si Izarah?

Agad akong lumapit at inawat silang dalawa.

"Diba sabi ko sayo pag nalaman kong nambababae ka, sasakalin kita hanggang magkulay violet ka?" nang gigigil na sambit ni Cali habang patuloy pa rin sa pagsakal kay Izarah.

"H-hindi naman ako nambabae ah---ackk." napasigaw siya nang diinan ulit ni Cali sng kamay niya sa leeg ni Izarah.

Jusko ano ba 'tong pinasok ko pang-asar lang sana yun eh.

"Anong hindi? Si Zaniah mismo ang nakahuli sayo! Ano? Mag de-deny ka pa?" sabi naman ni Cali at binitawan na mula sa pagkakasakal si Izarah tsaka bumaba sa likod nito pero masama pa rin ang tingin nito sa isa. Napatingin naman si Izarah saakin kaya umiwas ako ng tingin.

Miss President ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon