Kasalukuyan at abala kami sa pamimili Ng regalo at mga lulutuin mamaya para mamayang Gabi.
Kasama ko sa pamimili Ang apat Na ulupong at Sila Carol at Miana,bumili kami Ng dalawang box Ng spaghetti,dalawang box rin Ng iba't ibang delata para sa dessert, para short cut namili ako Ng Christmas groceries para ipanigay sa mga kapit bahay at syempre pang regalo na rin sa kanila Lalo na sa mga bata at kabataan.
Gusto ko kasing naramdaman nila Ang saya Ng Pasko at sulitin nila ito at i-enjoy dahil kung ako Ang tatanungin, Honestly unti unti ay parang nararamdaman ko na Ang pagkawala Ng excitement Ng Pasko at bagong taon dahil siguro dumadagdag Ang edad ko at Hindi ako bumabata.
"Grabe Ate Ang dami nating pinamili, para saan mo ba ito gagamitin at sobrang dami," Saad ni Carol habang kumakain Ng Ice cream,Ang boys Ang pinagbuhag ko Ng mga pinamili Namin sayang katawan nila pag Hindi nagagamit.
"Oo nga Aste lulutin mo ba ito lahat mamayang Gabi?" Tanong ni Slade at mukang hirap na hirap Ng magbitbit.
"Pwede bang kumain muna tayo gutom na ako, at Ang bigat pa Neto," pagrereklamo ni Chase, kanina panga sila walang pahinga at kain.
"Sige, ilagay nyo muna iyan sa Pangalawang Van lahat kakain tayo,libre ko na," Saad ko na ikinatuwa nila, Hindi naman ako dinenyo para Hindi sila pakainin at pagpahingahin Diba? Sila na nga Ang nag bitbit Ng malalaking kahon at mga groceries at kung ano ano pa.
"Yun o, arat na," masayang Saad ni Slade at nangunang pumunta Ng Parking lot.
Nang mailagay na nila Ang pinamili Namin ay Agad Kaming nagtungo sa Isang restaurant para kumain at magpahinga Ng kaunti bago umalis dahil kailangan ko pang ibalot sa plastic Ang mga pinamili at Ang mga regalo para ipamigay mamaya.
Pagkatapos naming kumain ay agad Kaming umuwi para iahanda Ang mga ipamigay sa mga kapit Bahay at mga bata nagtulong tulong kami para mabilis matapos Ang Gawain.
Mabilis nga naming Natapos Ang ginawa Namin at tinawag ko Si Miana at Carol para utusan na tawagin Ang mga kapit Bahay maging Ang mga bata para ipamigay na Ng maaga Ang mga ito.
Marami Ang kapit Bahay Namin pumunta sa Bahay para mabigyan Ng groceries Lalo na Ang mga bata, kitang kita ko Ang kasiyahan sa kanilang mga muka.
"Pagpalain ka nawa Ng Diyos Asteria, napakabuti mo," Saad ni Aling Karie.
"Naku Wala po iyon, tumatanaw lang Po ako Ng utang na loob," nahihiyang Saad ko at nagkamot batok na lang.
"Ikaw talagang bata ka," pabirong Saad niya at nagpasalamat at umalis na.
Nakaramdam ako na may nakatitig sa'kin kaya hinanap ko iyon kung sino ngunit Wala akong Nakita na may nakatingin sa'kin nagkibit balikat na lang ako at itinuon Ang pansin sa pamimigay.
"Salamat po!" Saad Ng batang maliit, Ang Cute niya at Ang gwapo.
"Walang anuman," Saad ko at pinisil Ang chubby cheeks niya Ang cute at Ang gwapo niya."Ang gwapo mo Naman," Nakita Kong namula Ang muka niya at nag iwas Ng tingin,Hala nahiya Ang Bata. Napahagikgik na lamang ako dahil sa ka kyutan niya.
"You seem to like children ," biglang sulpot ni Caspian kaya hinanap ko ito.
"Oo, Ang cute Kasi nila," Saad ko at muling tumingin sa mga bata na tuwang tuwa na nakakuha Ng mga regalo.
" edi gumawa kayo ni Apollo," Saad niya na nagpatigil sa'kin at kinunutan siya Ng noo.
"Siraulo! Akala siguro Neto madali,Wala pangang ano e," nahihiyang Saad ko at napayuko.
"What! Hanggang Ngayon Wala parin nangyayari sainyo? O ghod," maarteng Saad niya na ikinatawa ko para siyang bakla pag umaarte.
"Heh Halikan na nga," Saad ko at pumasok na sa loob Ng Bahay,dahil sa Garden kami namigay Ng Groceries,nakaramdam narin ako Ng pagod kaya gusto ko magpahinga at mahiga.
Nang nakarating sa kwarto ay ibinagsak ko Ang aking sarili sa kama at ipinikit Ang aking mga mata, nalakapagod Ang Araw na ito pero worth it naman.
Naalimpungatan ako dahil mukang may nagiingay na Naman sa baba.
Isinuot ko Ang tsinelas ko at bumaba at iyon Nakita ko sila nagbabangayas kung sino Ang manonood Ng Anime Nakisama rin duon Si Miana Ang hihilig nila sa anime.
Tinignan ko Ang Relo ko sa aking Kamay alas sais na Pala Ng Gabi siguro nagluluto na si nanay.
Pumunta ako Ng kusina at nadatnan si Nanay na ginagawa Ng Fruit salad at Nakahanay na sa Table Ang mga niluto niyang mga putahe at handa siguro nagluto na siya kanina,Hindi ko man lang natulungan.
"Nay,tapos na Pala kayong magluto ginising niyo sana ako para tulungan kayo," Saad ko at lumapit sa mga niluto niya at inamoy iyon, Ang bango Wala paring pinagbago.
"Hindi na kailangan nak! Alam Kong pagod ka, andito Naman si Lysander at Carol tumulong sa'kin," Saad niya sa'kin at pinunasan Ang kamay niya matapos mag hugas Ng kamay.
"Ang baho mo na Ate maligo ka na nga ," biglang sulpot ni Miana na ikinakunot Ng noo ko kaya inamoy ko Ang aking sarili Amoy pawis na nga ako.
" Sus kala mo Naman Ang bango mo," Saad ko at Inirapan siya.
"Of course mabango ako all the time," mataray niyang Saad.
Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat muli Ng kwarto para maligo dahil mabaho na nga ako gaya Ng sabi ni Miana nakakahiya naman Kasi mamaya na mabaho ako habang sila ligong ligo habang ako Amoy pawis.
Habang naliligo ay iniisip ko Ang kambal kung Anong Meron sa Pasko nila, Lalo na si Apollo nagpapahinga na kaya siya Ngayon? May kakainin ba siya Ngayon? Sana naman oo Kahit busy siya ay may napuntahan siyang may kakainin siya kahit adobo man lang.
Aish! Nagiging Asawa naba ako Neto dahil nag aalala ako? Aha! Concern lang ako sa kanya dahil nag tatrabaho siya kahit Holiday,Tama concerned lang ako.
Tumagal ako sa banyo dahil sa kakaisip sa kanya na hindi ko malaman kung bakit.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lamang ako Ng spaghetti red dress at bumaba para kumain.
Matapos kumain at makipagkwentuhan ay nagpunta ako Ng kwarto sa may balcony at duon sumimsim Ng sariwang hangin galing sa simoy Ng hangin.
Nakakita ako Ng maraming mga bata na nangangaroling sa iba't ibang kabahayan kumanta Ng pamaskong kanta.
Naalala ko tuloy Kaming tatlo nila Trev at Miana na nangangaroling para lang may ipambili Ng regalo Namin sa bawat Isa, Yung exchange gift Namin at 'yong sobra naman ay ibinibigay Namin sa magulang Namin para Dagdag pang handa.
Napangiti ako Ng maalala Ang mga oras at panahon na iyon,parang gusto ko lang ulit Bumalik sa pagkabata at i-enjoy ulit.
Ngayon Ko lang naintindihan so Peter pan na ayaw niyang tumanda,hayst.
Nagvibrate Ang Cellphone ko kaya dali ko iyong kinuha at tinignan Isang Unknown number Ang nag send sa'kin Ng message.
"Merry Christmas,Épouse," Basa ko sa message niya nagtaka ako kung sino ito,sino kaya Ang magpapadala sa'kin Ng ganito e bago lamang Ang sim ko Ang Contact palang Dito ay Wala.
Nagataka rin ako sa huling salita na binaggit niya kaya naisipan Kong itranslate ito ngunit may natangap muli akong message galing sa number na iyon.
"Don't you dare translate it," basa Kong muli kaya napakunot Ang noo ko, Nagkibit balikat na lang ako at nagpasya na lamang na Pumasok sa loob Ng kwarto at ibinagsak Ang aking sarili sa kama.
Narinig ko ulit nag vibrate Ang cellphone ko kaya't tinignan ko muli ito message na Naman galing sa unkwon number, binalewala ko na lang ito ipinikit Ang aking mata hangang sa sakupin Ng Kadiliman Ang paningin ko.
Gising na lang siguro ako mamaya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife( Trillionaire Series)
RomanceVincent Apollo Camerson man who doesn't know and doesn't believe in love because the woman he loves left him. Will he change if he meets a simple and understanding woman? Asteria Ryne a simple woman, loving and understanding but married to a man wh...