Nagmamadali akong lumabas ng Opisina niya at patakbong lakad ako sa hallway, buti na lang ata nasa trabaho ang mga staff rito kundi pagtitinginan ako dito.
Pinagpapawisan na ako ng malamig rito, asaan na ba si Saphiro, kanina lang kasama ko ang lalaking iyon. Alam niya bang ang kapatid niya ang may ari neto?
Damn bakit dito ako naka assign? teka alam niya bang... shit impossible na malaman niya, pinasigurado kong hindi niya ako mahahanap kung sakali mang hanapin niya ako, but how? paano niya nalaman? dahil ba kay boss?
Patuloy lang ako sa paglakad takbo nang Makita ko si Saphiro na kumakaway habang nalalakad patungo sakin.
" where have you been?" hinihingal kong saad. Nagkamot batok ang loko at ngumiti.
" Nag banyo lang, " saad niya. " oh bakit hinihingal ka? may nangyari ba?, " nag aalalang tanong niya sakin, sinimangutan ko siya.
" umuwi muna tayo, " mahinahong saad ko bago siya hinila palabas.
Habang nasa sasakyan ay ikinwento ko sa kanya kung ano ang meron kung bakit ako nag lalakad takbo kanina. Sinabi ko sa kanya kung sino ang may ari ng kumpanyang iyon, kahit siya ay nagulat pero kalaunan ay ngumisi lang siya na parang baliw.
" hindi siya makakapagtayo ng kompanya dahil kila mom and dad," saad niya tumango lang ako dahil iyon rin ang unang ekspresyon ko sa kanya.
" Idaan mo sa Mcdoo pasasalubungan ko ang mga bata," saad mo tumango lang siya at itinuon na lang ang pansin sa pag mamaneho.
Pagdating ng bahay ay sinalubing ako ng dalawang bata nang yakap. itinaas ko ang hawak kong pasalubong, nag tatalon silang dalawa sa tuwa at mabilis nilang kinuha iyon at dila sa Sala para doon kumain.
" Ang cute talaga ng anak natin, este mo pala," bulong ni Saphiro kaya hinampas ko ito ng pabiro.
" Tara makikain na rin sa mga bata," saad ko na ikinatango niya. Nakisalo kami sa mga bata, nag share pa ang dalawa ng pagkain nila ng fried chicken, hindi madamot ang mga anak ko, isa iyon sa mga namana nila sakin ang hindi pagiging madamot.
"Mommy diba po nakita natin si Tito in convenience store, can we visit him?" Biglang saad ni Kaiden, natigilan ako sa pagkain at tinignan siya.
" ah.. yes baby, pero si da- tito niyo may work pa, and tomorrow mommy will start her work na," muntik pa akong madulas. Kita ko ang panlulumo sa mata ni Kaiden, tinignan ko si Saphiro na nakatingin sa akin.
" but can we visit him? pag wala na po siyang pasok, and ikaw din po," Sabat ni Kaizer habang subo subo ang manok niya.
" ahmm... mommy will think about it, okay? " nag aalamganing saad ko, dahil hindi ko pa alam kung kaya kong iharap sa kanya ang mga anak ko.
" think fast mommy okay? we're excited na po, " natutuwang saad nilang dalawa. Kawawa naman ang babies ko, tumango lang ako at sinenyasan silang dalawa na ipagpatuloy ang pagkain.
Iniligpit ko ang pinagkainan namin habang ang tatlo ay nanonood ng Horror movies.
Pagakatapos kong magligpit ng kinainan ay nagtungo ako ng Garden para gawin ang dapat kong gawin.
inayos ko ang magiging schedule niya sa magiging meeting niya bukas, Inaral ko na rin ang magiging presentation niya. Ang sabi niya ay bukas pa lang ako mag sisimula pero ito binagsakan ako ng gawain ng napakarami, walang isang salita.Chineck ko ng maayos ang schedule of meeting niya ng maayos. Meeting with Mr. Wang at 8:00 to 10 am, next is Meeting with Mr. Louie at 10:30am to 12:30 pm.
Nang matapos kong iyos ang schedule niya ay inaral ko ang presentation niya pati na rin ang Company Policy.
Habang nag aayos biglang nag notif ang Cellphone ko, agad ko iyong kinuha at isang unknown number ang may message.
Unknown:
Don't be later tomorrow.
Hindi na ako nag abalang iMessage iyon, at itinuon ang pansin sa paggawa.
Natapos ko ang ginagawa ko ng ilang oras lang. Nagtungo na rin ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit kong dadalhin bukas.
" idiot, nasa likuran mo," pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay rinig na rinig ko ang sigaw niSaphiro.
"Saphiro!" Nilapitan ko ito at piningot ang tenga. " may mga bata sa harap mo," inis kong saad.
" mommy, he's like a scared dog, daig niya pa po ikaw mag scream," Nakangusong saad ni Kaiden.
" yes, mommy" Sabat ni Kaizer, napanguso naman si Saphiro sa kanilang dalawa.
"Manood kayo, scream if you want, wag lang mag say ng bad words, okay?" pare parehas silang tumango, kaya't umakyat na ako pataas para mag ayos ng gamit.
Ilang minuto pa lang akong nagliligpit ng marinig ko ang katok sa pintuan, pinahintulutan ko itong pumasok. Si Kaizer.
" Why is my son here? hmm? Ayaw mo ba manood?" tanong ko ng dumiretso siya sa akin. Hinaplos ko ang likod niya ng yumakap siya sa akin.
" Mommy I'm sad," Saad netona ipinagtaka ko.
" why is my baby sad?" pag aalo ko, Si Kaizer ang mahilig mag open up sa akin, hindi tulad ni Kaiden na minsan lang dahil todo lapit at sumbong siya kay Saphiro. Mas malapit sa akin si Kaizee kumpara kay Kaiden.
" mommy, I don't know what's this but, para po kasing may kulang sakin,
it's like a love from others, i don't know mommy, I just felt this when i saw tito Apollo, " nabigla ako ng kaunti ngunit hindi ki iyon ipinahalata sa kanya." R-really baby?" tanong kong muli, tumango ito.
" It's like I'm longing for love of...., of father, " Nalulungkot nitong saad, kita ko rin ang panunubig ng mata niya.
" Come here baby, kulang paba ang love ni mommy? hmm? " Lumapit siya sa akin saka ko ito niyakap ng mahigpit.
" Of course not, mommy, " saad nito pero bakas sa tono nito ang lungkot.
" Yun naman pala e, Don't worry, mommy loves you so much, " nanunubig narin ang mata ko, naawa ako para sa anak ko, hindi ko alam kung Ganito rin ba ang nararamdaman ni Kaiden ayaw niya lang mag sabi.
" I love you so much mommy, " saad niya. Ilang minuto ko siyang inalo hangang sa makatulog ito, alam ko ang ugali niya kapag nalulungkot o umiiyak ang mga anak ko parehas silang nakaktulog ng mabilisan.
Inayos ko ang paghiga niya bago siya halikan sa noo at haplusin ang noo nito.
" I'm sorry baby, I'm sorry, Mommy is being selfish, I Know someday you will know the truth, And if that day come, please forgive mommy for hiding it, Gusto ko lang ang makakabuti para sa inyo, cause I'm scared that your daddy na kuhain kayo sa'kin," tuluyan ng tumulo ang kanina pang luha ko, Gusto kong sabihin sa kanila pero maaga pa.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife( Trillionaire Series)
RomanceVincent Apollo Camerson man who doesn't know and doesn't believe in love because the woman he loves left him. Will he change if he meets a simple and understanding woman? Asteria Ryne a simple woman, loving and understanding but married to a man wh...