Ang bilis ng araw, hindi ko na namamalayan na Mag dadalawang buwan na akong nag tatrabaho dito, Kung tatanungin na kung close kami ni Apollo isang malaking no dahil bihira lang kami mag usap, kung mag uusap man ay tungkol lang sa meetings niya at schedule niya.
Balisa at nagmamadali akong nagpunta sa Office ni Apollo dahil dahil Tumawag sa'kin si Mr. Alvarez at mag papa meeting ng biglaan, Buti na pang ay maluwag ang Schedule ni Apollo ngayon at dalawang meeting lang ang gagawin niya at mamayang hapon pa iyon.
Pagpasok ko ng Office niya ay tumingin siya sakin ng nakakunot ang noo at nagtataka dahil siguro sa pagkabalisa ko, lintik kasing Mr. Alvarez yan.
"What's the problem?" saad niya, huminga muna ako ng malalim bago mag salita.
"Sir, you have urgent meeting with Mr. Alvarez," saad ko sa kanya.
" Cancel it, " Lagalag ang panga ko ng sabihin niya iyon. What ipapacancel niya? halos hingal ako ditong nagpunta para sabihin tapos ipapacancel niya?
" but sir, he need your.... " Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng muli siyang mag salita.
" Cancel it and tell him that i don't need his shares," Saad niya na mas lalong nag palaglag sa panga ko. "Tell him or else I'll fire you, you nay go now, I have something to do," dugtong niya at ibinalik ang tuon niya sa ginagawa niya.
Kawawa naman si Mr. Alvarez, wala talagang puso ang lalaking 'yan.
"okay sir," saad ko na lamang bago umalis.
Tumawag ulit ako kay Mr. Alvarez at sinabi ang pinapasabi sakin ni Apollo, nung una ay nagpumilit pa siya pero ipinaliwanag ko sa kanya. Sa huli ay sumuko na rin siya. I felt sorry for him.
Mag lulunch na kaya napagpasyahan ko ng iligpit ang mga papel sa harap ko.
Iniabot ko ang shoulder bag saka napagpasyahang umalis na pero bago iyon ay pumasok sa loob si Ivan na may dalang mga papeles na ipinagawa ko sa kanya.
"Ma'am tapos na po," Saad niya kaya ngumiti ako at tumango.
"Thanks, you can take your lunch na," Saad ko bago inabot ang hawak niya papel at inilagay iyon sa table para reviewhin mamaya kung tama ba ang ginawa niya.
Sabay na kaming lumabas ng office. Napunta ako sa malapit na Restaurant para duon na lang kumain.
Habang naghihintay ng Order ay napansin ko si Apollo na pumasok ng restaurant at luminga linga, mukang may hinahanap siguro, Nang dumako ang tingin niya sa pwesto ko ay naglakad siya papunta sa akin na ipinagtaka ko. Nang makalapit siya ay walang paalam siya umupo.
May lumapit na waiter at tinanong siya ng order niya, Nagtaka ako ng pinalapit niya pa ang waiter at binulungan kaya napakunot ang noo ko.
"Okay sir," saad nung waiter bago tuluyang umalis.
walang imikan kaming naghihintay ng aming order. Matapos ng ilang minutong pag hihintay ay dumating na ang order namin.
"Ma'am, Sir here's your order," Saad niya saka nilapag ang pagkain sa table, takang taka ako ng Parehas kami ni Apollo ng pakain na inorder, nagkataon lang siguro kaya pinabayan ko na. Bago kumakin ay ginawa ko muna ang nararapat na gawin bago kumain saka lang kumain.
Habang kumakain ay pansin ko ang paninitig niya sa akin. kaya napatingala ako sa kanya. Nag iwas siya ng tingin.
wala kaming imikan ng, basagin ko ang katahimikan nang maalala ko na hihingi pala ako ng day off ngayon linggo dahil wala pa akong day off ipapasyal ko rin kasi ang dalawa sa linggo dahil iyon ang request nilang dalawa.
"Apollo, pwedeng mag request ng Day off," diretsahang saad ko kaya napatingin siya sakin habang ngumungya ng pagkain sa bibig niya.
Nilunok niya muna iyon bago maslg salita.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife( Trillionaire Series)
RomanceVincent Apollo Camerson man who doesn't know and doesn't believe in love because the woman he loves left him. Will he change if he meets a simple and understanding woman? Asteria Ryne a simple woman, loving and understanding but married to a man wh...