Chapter 64

279 3 3
                                    

After mag lunch dumiretso ako ng ligo at nagbihis, nagsuot lang ako ng lagi kong sinusuot tulad ng dati isang simpleng  off shoulder dress na kulay puti, gustong gumala ng kambal kasama ang lolo't lola nila, syempre isinama na nila si Apollo. Ang bilis nilang dalawa maging malapit kay Apollo kahit araw lang ang pagkakasama nila, siguro dahil siya ang tunay nilang ama.

Mabilis kong tinapos ang pagsusuklay ng marinig ko ang katok sa mula sa pintuan.

"andyan na" mahinahon kong saad at binuksan ang pintuan, pigura ni Apollo at ang amoy niya ang bumungad sa akin, he's wearing a white tee shirt at cargo short, tumingala  ako sa kanya, kitang kita ko ang pag arko ng dalawa niyang makapal na kilay, bumaba ang tingin ko sa kanyang basang labi, napatitig ako doon ng isang minuto at napalunok ng wala sa oras, kita ko ang pag taas ng sulok nang kanyang labi, umiwas ako ng tingin at inaya na lumabas na ng kwarto.

" Mommy let's go na po, " Ngumiti sa'kin si Kaiden ganoon din si Kaizer na hawak hawak ni nanay, habang si tatay naman ay may hawak na salamin at patuloy na hinahagod ang kanyang buhok, hanggang ngayon hindi parin siya nagbabago, siya parin ang tatay kong gwapings na gwapings sa sarili.

" Mommy look, may napansin ka po ba sa outfit namin today? "  Si Kaiden na tuwang tuwa at tumataas pa ang dalawang kilay.

Tinignan ko ang suot nilang dalawa tulad parin ng dati parehas sila ng damit, they're wearing white tee shirt and cargo pants, bagay sa kanilang dalawa, that's the first na nagsuot sila nang ginayan simple yet bagay na bagay sa kanila manang mana sa ama.

Tumingin ako kay Apollo na nakatayo sa tabi ko, ngayon ko lang napansin at na realize na parehas silang tatlo nang suot na damit.

" Mag matchy matchy daw po kami ng  outfit today sabi ni uncle, and mommy look we're like family, your dress is white,"  Oo nga para ngayon ko lang napansin, hind ko 'yon napansin kanina.

" O siya hali na kayo, aalis na tayo, masyado na akong excited para makabonding ang mga apo na tinago ng isa diyan," pagpaparinig ni nanay na ikinatawa ko, i didn't want to hide my twin  from them, nasaktan lang ako kaya ko iyon nagawa, gusto ko lang magpaka layo layo, hindi ko intensyon na ilayo sila sa kanila at itago i know i'm being selfish that time, pero gusto ko lang unahin ang sarili ko at  mga anak ko.

Sumunod ako sa kanilang apat na excited nang gumala gala, i smiled sana pagkatapos nito okay na ang lahat wala ng problema, sana maayos na ang lahat, i want a peace life with my family.

Kasabay ko si Apollo sa paglalakad na walang imik hanggang sa makarating kami ng van, siya na ang nag d-drive, sa front seat na ako umupo habang ang nanay at tatay at ang kambal ay nasa likuran at nag haharutan.

Tahimik kang ako sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan, hindi ko alam kung saan 'to, never ko pa 'to napuntahan.

Lumabas ako ng van dahil kami na lang dalawa ni  Apollo ang nasa loob habang ang apat ay nawala nasa malayo na ang paningin ko.

"hey! let's go," Napatingin ako kay Apollo na naghihintay na sa akin. I smiled at him and give him a nod.

" Ang ganda dito, malawak napakaraming bulaklak at iba iba pa,"      I never seen  this before, napaka ganda, napakabukadkad ng mga bulaklak at napakarami, iba iba ang mga uri, may mga iba't ibang kulay ng rosas kada  hilera nito. Ang sarap nilang alagaan, ang ganda siguro gumising ng ganito ang bungad sa umaga 'yong tipong magdidilig ka sa umaga pagkagising mo.

Nilabas ko ang cellphone ko at picturan ko ang mga iyon, at nag selfie, gusto ko rin sana magpicture ng whole body kaso wala ang nanay para kuhaan ako ng litrato kaya 'wag na lang, nang ibubulsa ko na ang cellphone ay biglang kinuha ni Apollo ito at tinignan.

"Ang ganda nga," bulong niya kaya kinuha ko iyon sa kanya ngunit hindi ko makuha dahil sa tangkad niya, bwesit naman oh bakit ba napakatangkad ng lalaking ito.

" Akin na Apollo," Saad ko pero pilit niyang nilalayo ang cellphone ko.

" let me take a picture of you," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, wow first time. Lumingalinga pa ito. " there, stand there and make a pose," tinuro niya ang pwesto kung saan walang masyadong tao at mas kumpulan ang mga bulaklak, pinalobo ko ang aking pisnge ang nagpunta doon.

" there you are, make a pose mi lady, " saad niya kaya nag simple post naman ako, hanggang sa mas nagustuhan ki ang pag popose habang siya naman ay walang pagod sa pag c-click niya, hindi ko nga alam kung maayos ang pag kuha niya ng picture sakin.

" look, you're so beautiful here, in every angle love, " habang pinapakita sa'kin ang mga nakuhanan niya ng litrato sa'kin, and guess ang gaganda ng kuha niya, para akong may sariling photographer, dati ba itong photographer?

" ang ganda, ang galing mo kumuha," gandang ganda ako sa picture.

"yeah, so beautiful as always," saad niya kaya tumango tango ako, habang tinitignan ko ang mga picture naisipan ko ring picturan siya kaya dali dali kong binack ang phone at ibinalik sa camera.

" ikaw naman ang pipicturan ko dali," saad ko pero umayaw siya, sinamaan ko itong ng tingin kaya wala siyang nagawa.

" make a pose love!" masayang sigaw ko, bigla itong ngumiti na abot hangang tenga niya pati ang  mata niya ay ngumiti, wow did i say magic words?

Panay ang click ko habang siya ay panay ang pose, para siyang model. Pinakita ko sa kanya.

" Ang gwapo ko," bigla akong napatingin sa kanya, first time ko marinig 'yon sa kanya, ang hangin niya, epekto ba'to ng amoy nang bulaklak?

" gwapong gwapo ka naman sa'kin? napaawang na lang ako dahil sa kahanginan niya, at the same time napangiti ako ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyan mula sa kanya.

" Ang hangin mo, tara doon na tayo," saad ko, sumunod naman ito sa akin. Matapos naming kumuha ng mga litrato napagpasyahan na namin magtungo sa mga anak namin sa kanilang lolo at lola.

Nadatnan namin sila roon na nag eenjoy, kinukuhanan ni nanay ng litrato ang  dalawa niyang apo na nakaakbay sa kanilang lolo at may malawak na ngiti. " oh ayan isa pa, isa pa kiss niyo namang dalawa si lolo sa pisnge, ayan verygood. okay 1...2...3 smile," sabay click ni nanay sa cellphone.

" lola tayo naman po si lolo naman ipagtake ng picture natin," saad ni kaizer sabay hila sa kanilang lola at inabot sa kanilang lolo ang cellphone, agkamot ulo nmn si tatay dahil mukang wala itong alam pagdating sa paggamit ng cellphone. luminga linga ito na parang may hinahanap at ipasa ang cellphone sa iba nang makita niya kami lumapad ang ngiti sa muka nito at dali daling nagtungo mula sa aming pwesto na ikinasimangot ni nanay. " Ano ba iyan, ipinasa mo pa talaga sa iba handa na kami rito ng apo ko rito," nauurat na saad nito ngnit hindi siya pinansin ni tatay.

" ikaw na anak, wala akong alam sa mga ganito," kamot noo nitong saad, kaya kinuha ko na iyon at iniwan ang dalawa para magtungo sa kaninang pwesto ni tatay. Kinuhanan ko ang maglola, matapos ko silang kunan ay nagpresinta si nanay na kunan niya kami ng litrato magiina at pagkatapos ay kasama si Apollo, nang una ay hindi ako pumayag dahil nahihiya ako at kinakabahan ngunit   pinagtaasan niya ako ng kila na ikinasimangot ko, sa huli ay siya pa rin ang nasunod.

"Aste ngumiti ka naman anak, magdikit kayo," saad ni nanay kaya ngumiti ako ng marahan at dumikit kay Apollo na nasa tabi ko habang ang kambal ay nasa harap namin na nakangiti na

Nagulat ako nang bigkang umakbay sa akin si Apollo kasabay ng pag click ng cellphone, wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lamang,  pagkatapos ay saktong dumating ang aking kapatid kaya nagpasya si nanay na mag fmily grouph photo kami, wala na kaming ginawa kundi ang mag picture nang mag picture hanggang sa  nagsawa ang mga ito.

Namasyal muna kami nang namasyal hanggang sa muli silang magsawa at dumaing na sila ay nagugutom na, tumungo kami sa isang malapit na restuarant at doon na kumain.

Unwanted Wife( Trillionaire Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon