"Mommy!! wake up na po, lunch is ready," Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Kaiden, minulat ko ang aking mga mata at iginala sa paligid. I smiled nang makitang wala paring pinagbago ang kwarto. Mula sa kurtina na mukang laging nilalabhan ni nanay at sa Cabinet kong maayos at walang sira. Mukang araw araw ni nanay nililinisan ang kwarto ko. at wala ring palya sa pag pipintura ng ding ding dahil hindj man lang kumupas sa loob ng limang taon.
Nilingon ko ang katabing table kung saan naroon ang aking picture framed na naka formal white dress at may hawak na bulaklak habang inaamoy iyon.
"Mommy!" Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Kaiden na nakasimangot na. Shit I forgot may anak pala akong naghihintay sakin.
Nangunot ang noo ko nang marealize kung paano ako napunta sa kwarto e kanina na lang nasa sasakyan ako kasama si Apollo. I remember na nakatulog ako after that scene sa kotse,did he bring me here? hindi niya na lang ako ginising.
"Mommy! are you okay?" Muli akong napalingon kay Kaiden na kunot na ang noo at nakanguso parin,I chuckled and pinch his nose.
"Yes baby, may iniisip lang si mommy!" Saad ko bago tumayo at inayos ang gulo gulo kong kama. Matapos mag ayos ay inaya ko nang bumaba ang anak ko. Nasa second floor kasi naka pwesto itong kwarto ko.
"Okay po," tuwang tuwa na saad niya. Mukang masaya ngayon ang anak ko, dahil siguro nakita niya na ang Grandparents niya. Who wouldn't be happy kung ngayon mo lang nakita ang mga taong may konektado sa buhay mo, kahit ako ay sobra ang tuwa ko dahil makikita ko na ulit sila, it's been 5 years nung huli ko silang binisita, kinausap at nakita.
"baby, ilang oras natulog si mommy?" I asked my son, habang bumababa.
"Hmm, i think one hour mommy! and tito Apollo bring you in your room," Nagiisip niyang saad, hindi na ako magtataka na si Apollo ang nagdala sakin sa kwarto at kung paano niya nalaman kung saan ang kwarto ko, of course he knew dahil duon namin ginawa ang una ko. I Just nodded at him at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa kusina, kung saan naroon si nanay na naghahanda ng pagkain kasama si Apollo at Saphiro na tinutulungan siyang maghanda.
Teka kailan pa natutong tumulong sa kusina si Apollo? Nagkibit balikat na lang ako at tumikhim para kunin ang atensyon nila, hindi ako nagbigo dahil nakuha ko ang atensyon nilang tatlo, they looked at me lalo na si nanay na maluha luha at iniwan ang hinahalong niluluto at nagpunas ng kamay sa apron niyang suot at lumapit sa akin para yumakap, yumakap ako pabalik nang mihigpit.
" Asteria, ang anak ko!" Mangiyak ngiyak niyang saad na akala mo ay nakidnap ako nang ilang taon at ngayon lang bumalik. Well parang ganoon na nga dahil limang taon akong nawala at walang paramdam sa kanila at dumating ako dito ng walang paalam at pasabi sa kanila.
Bumitiw siya sa pagkakayakap at malakas akong hinapas sa braso na ikanangiwi ko dahil sa sobrang sakit. Ang bigay parin ng kamay ni nanay kahit na may edad na.
" Ikaw na bata ka! alam mo bang sobra ang pag alala namin sayo ng tatay mo! ano pagkatapos niyong bumisita ng Pasko at bagong taong hindi kana nagparamdam kahit tumawag at mag text man lang tapos babalik ka dito nang walang pasabi at may dala kapang anak na dalawa! hindi kaba marunong mag text at mag paalam, leche kang bata ka, akala namin ng tatay mo patay ka na, jusko buti na lang at natatawagan at bumibisita ang asawa mo dito para balitaan ka tungkol sa buhay mo!,
" Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon mula sa panenermon niya sa akin. Hindi ko alam na bumibisita si Apollo dito nung wala ako, bakit niya ginagawa iyon? ang alam ko wala siyang pake sa'min simula nung araw na iyon? Nilingon ko siya ng may pagtataka. Nagkibit balikat lang ito." Kayong dalawa! parang ang dami ng sikreto niyo sa amin! parang di kayo pamilya! May utang kayong kwento sakin na dalawa! leche kayo! " Piningot niya ang tenga ko kaya napadaing ako.
" Nay naman! " reklamo ko sa kanya dahil ang sakit na ng pingot niya sa akin.
" lola, kumulo na po yong niluluto niyo!" singit ni Kaiden, sinulyapan ko ito, nakaturo ito sa niluluto ni nanay, kumukulo na nga. Saka niya lang binitawan ang tenga ko at tarantang pumunta sa lutuan.
" ay! oo nga pala, salamat apo ko, ito kasing mommy mo e..." Sinisi pa ako, jusko naman.
"Nay! ano ba iyang niluluto mo! akala ko po ba nakahanda na ang lunch," sinulayapan ko si Kaiden na naka nguso at intinuro si Apollo na nakatingin sa kanya at nagkamot batok.
"aba'y sinong nagsabi sayo niyan!" Tanong niya sa akin ng nakapamaywang.
" Syempre ang apo niyo," saad ko na nakatingin parin kay Kaiden na nagtago na sa likod ng binti ni Apollo. Tinignan ko si Apollo na ngayon sa akin nakatingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
" Mommy! uncle said to wake you up and then tell you that lunch is ready, " Nakangusong saad niya sakin. Siraulo talaga ang lalaking ito. He just shrugged his shoulder and laugh.
Ngayon ko lang narealize na tinawag ni Kaiden si Apollo na Uncle. Napatingin ako kay nanay na nakatingin sa kanilang dalawa at kalaunay lumipat sakin ng may nagtatakang muka.
May bahid sa muka netong tanong na "Anong meron? may mali ba Asteria?"
Mapait akong ngumiti kay mama at tumango, Napailing na lang siya sakin.
"Asteria, magbihis kana at malapit na maluto ito, Ang laki ng utang mo sa'kin!" Mahinahong ni nanay, Alam ko na agad ang pinapahiwatig niya kaya sumunod na lang ako sa sinabi niya.
Muli akong Umakyat sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.
Habang nagbibihis ay napagtanto kong napakarami ngang ikekwento kay nanay. Andmi rin palang nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.
Wala silang alam, lalo na ang pamilya ko, na siyang dapat ang unang makakaalam pero tinago ko, dahil sa takot, hindi ko alam kung bakit natakot ako gayong wala naman akong kasalanan na nagawa. Saan ba ako takot? hindi ko rin alam kung saan.
Ang dami kong utang na kwento sa kanila. This is it, maybe this is the right time.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife( Trillionaire Series)
RomanceVincent Apollo Camerson man who doesn't know and doesn't believe in love because the woman he loves left him. Will he change if he meets a simple and understanding woman? Asteria Ryne a simple woman, loving and understanding but married to a man wh...