Chapter 55

115 6 1
                                    

Maaga akong gumising at nagluto para maghanda ng a-almusalin ng mga bata at ni Saphiro, Nagluto ako ng Tocino, hatdog, at nag Fried rice na paburito ng mga bata na kainin. Bago ako nagluto ay naligo na ako at inihanda ang aking mga papeles mamaya sa kumpanyanb pupuntahan ko.

Saktong pagkababa ko ng pitchel na may lamang tubig  ay ang pagdating ni Saphiro na nagkakamot kamot at nag tatangal pa ng muta.

"Good morning beautiful," Nakangiting saad niya at akmang yayakap sakin ng ilayo ko ang aking katawan at  muka.

" Morning, mumog ka muna ang baho ng hininga mo," saad ko at sumimpleng irap sa kanya na ikinasimangot ng muka nya saka sya naglakad tungo sa kusina.

Tumaas ako para gisingin ang mga bata, nang makarating sa kwarto nilang dalawa ay sumampa ako sa kama at marahang hinaplos ang kanilang pisnge at hinalikan ang kanilang mga ulo na siyang nagpagising sa kanilang dalawa.

"rise and shine Birdies," saad ko na nag pabusangot sa kanilang dalawa, ayaw na ayaw talaga nilang dalawa na tinatawag na Birdies samantalang dati ay gustong gusto nila ng tinatawag na ganun.

"Mommy i said don't call us birdies," Reklamo ni Kaiden.

" okay, okay," natatawang saad ko. " Get up na mga birdies, breakfast is ready mommy cook your favorites breakfast, " umalis ako sa kama at naglakad papunta ng bintana upang buksan ang kurtina.

" yehey! let's go kuya let's eat na," Lumundag si Kaiden at si  Kaizer pa baba ng kama, sinuway ko ang dalawa ngunit talagang napakatigas ng ulo, Mana sa pinagmanahan.

Matapos naming magumagahan ay binilinan ko ang dalawa na huwag lalabas ng bahay at mag behave dahil  walang maiiwan sa kanilang dalawa, I trust them na hindi gagawa ng kalokohan, pareho silang sumagot ng oo ng binilinan ko silang dalawa.

Panatag akong umalis ng bahay papuntang companyang papasukan ko. Hindi kami nagtagal sa byahe dahil walang Traffic  kaya madali kaming nakarating sa mismong companya.

Pagbaba ko ng sasakyan ay bumungad sakin ang napakataas ag malaking building, lumabas narin si Saphiro mula sa sasakyan na kagaya ko ay ay napatingala din sa taas ng building.

"who do you think is the owner of this company?"  tanong ko, tumingin siya sa'kin.

"I don't know, at mukang bago itong building, I've never seen this before, mukang bago, " tama siya mukang bago itong companya dahil wala rin akong nababalitaan na may ganitong kumpanya sa pilipinas. 

"Let's go, para maaga tayong matapos, walang bantay ang mga bata," He said na sinang ayunan ko.

Pagpasok palang ay masasalubong mo ang mga taong busy sa pagt-trabaho ang iba naman ay palakad lakad na akala mo ay tanod pero ng makita  nila si Saphiro ay agad silang nagtakbuhan pabalik sa kanilang mga pwesto na ipinagtaka ko.

Marami ang mga matang nakatingin sa'min ngunit hindi ko na lang pinansin at itinuon ang aking tingin sa daan, habang ang kasama ko naman ay feel na feel ang Awra niya at may pakindat kindat pangnalalaman.

Makakarinig karin Ng iba't ibang bulungan, hindi ko na lang din pinansin.

" Good morning Sir... Ma'am," saad ng dalawang staff na nasalubong naming dalawa.

"Good morning din ladies," malanding saad niya kaya siniko ko siya, nakaikinagulat nang dalawang staff sa harap namin.

Mabilis silang umalis at nakarinig ng bulong  galing sa kanilang dalawa.

"May napansin kabang kakaiba?" 

"Oo te,"

" Ang gwapo ko talaga," makapal na muka niyang saad.

Pagakatapat namin ng elevator ay pinindot ko ang 14 floor dahil sa pagkakaalam ko at pagkakatanda ko ay duon ang opisina ng C. E. O dahil iyon ang sabi sakin.

I kang minuto ang nangmakarating kami ay nagsimulang dagain ang tibok ng puso ko, at kinakabahan, ewan ko kung bakit.

"Let's go baby," saad ni Saphiro at mabilis na kumindat,hinapit niya ang bewang ko at ngumiti sakin.

Nang nasa tapat na kami ng opisina ay mas lalong kinabog at dinaga ang dibdib ko, bakit ba ako kinakabahan? damn.

Dahil walang secretaryang nag assist sa'min kumatok na lang si Saphiro sa pintuan.

"Come in," Sagot ng nasa loob.

Pinagbuksan ako ni Saphiro ng pintuan, ngumiti ako at nagpasalamat. Pagkapasok na Pagkapasok  ng opisina ay bumungad samin ang isang lalaking nasa mid 40's.

" Kayo po ba ang tinutukoy ni Sir?" Magalang niyang tanong, tumango kaming dalawa.

" Opo," saad ko.

" Maupo muna ho kayo, lumabas lang ho si Boss saglit," saad niya at tinuro ang couch, natungo ako duon at marahang umupo.

" kukuhaan ko lang ho kayo ng maiinom," saad niya tatanggi sana ako ang kaso ay nakalabas na siya ng pintuan kaya wala akong nagawa.

" Sa wakas naka upo rin, nakakangalay tumayo sa elevator, nakakpagod maging gwapo," saad ni Saphiro mula sa Tabi ko.

" Hilutin mo nga likod ko Star," saad niya, inirapan ko siya at inilapag ang hawak kong folder sa couch at sininmulang  imasahe ang kanyang balikat.

" ahh, sarap,"  Malanding saad niya kaya malakas ko siyang hinampas, diniinan ko pagkakahilot sa kanya

" ahh! ang sakit  dahandahan sa pagpisil Aste, nilalamog mo e," Maslalo kong diniinan ang pagkakapisil sa balikat niya at saka hinintuan siya.

"Deserve mo yan, siraulo ka," saad ko sabay hampas sa kanya.

Narinig namin ang pagbukas ng pintuan at  kaya napatingin kami sa pintuan.

Napatayo ako sa gulat  ng makita kung sino ang pumasok sa loob ng pintuan, he was wearing a white  bottom down long sleeve,  na nakatupi hangang siko  at naka suot ito ng black slacks, damn his aura.

Napalunok ako ng laway ng tumingin siya sa gawi ko  ng walang emosyon na dumadaloy sa muka niya, nagiwas ako ng tingin.

"yo bro, napadpad ka ata dito? mag aaply kaba ng trabaho?" Natatawang saad ni Saphiro bago lumapit kay Apollo para makipag yakapan.  Kita ko ang pagkunot noo neto na laging nakapaskil sa muka niya dati.

Napatingin ako sa pintuan ng muli itong bumukas at iniluwa nito si kuya kanina na may dala na ngayong inumin.

"Sir andyan na po pala kayo," saad nito at saka lumapit  sa'kin at ibinigay ang Orange Juice. Nagpasalamat ako.

" siya yung C. E. O  at may ari ng company," Naubo ubo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni kuya sa'kin, Damn is he really the owner of this company? nakapagpatayo sya ng ganito kalaking companya sa loob ng limang taon? ang laki na nga talaga ng pinagbago niya, pero hindi mababago ang katotohanan na ang perang ginamit niya ay ang pera galing sa mana ng mga magulang niya.

Naupo siya sa Swivel Chair niya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa habang nakatiklop.

" So you're the one who sent my Friend to be my secretary? " Saad niya habang tinitignan niya ang  laman ng Folder ko na kaninang nakalapag sa couch hindi ko nga alam kung paano niya na kuha iyon.

"Yes, S-sir,"  nauutal na saad ko, bakit ba ako nauutal? 

Nakatingin lang ako sa kanya habang binabasa niya ang Laman ng Folder ko, habang ako dito ay kinakabayo ang puso ko dahil sa kaba.

Matapos niyang basahin iyon ay nagaangat siya sakin ng tingin. Napakagat ako ng ibabang labi ng magtama ang mga mata namin.

" you can start working tomorrow, and don't be late, he" Saad niya sa malamig na tono.  Inabot niya rin sakin ang white folder na galing sa lamesa. Kinuha ko iyon bago kinuha ang bag ko.

" Thanks, Sir, " kinakabahang saad ko at ngumiti. Umalis na ako pagkatapos. Hindi ko na alam kung nasaan si Saphiro dahil wala na sya sa loob ng office, andito lang iyon kanina auh.


Unwanted Wife( Trillionaire Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon