Chapter 47

127 5 0
                                    

Kasalukuyan Kaming nag aayos Ng aming mga  maleta para bukas Hindi na kami magkanda ugaga pag Alis Ng bansa,masakit man para sakin ay kailangan Kong gawin ito,nakakabuti na rin ito sa akin at para sa anak nam–,anak KO,dahil kung mananatili ako sa Bansang ito at lagi ko siyang nakikita ay magiging emosyonal at sisindi Ang galit at sakit sa aking dibdib na magiging sanhi pa nang masamang bagay para sa anak ko.

Alam Kong sa Araw na ito ay nagsasayang na siya syempre Wala na kami sa Buhay niya, tapos niya na akong gamitin matapos Ang lahat nakuha niya na lahat e, andyan naman Yung girlfriend niyang mukang clown.

Ang sarap nilang paguntugin dalawa nakakainis,bakit ba Kasi ako nag pauto duon at bumigay dapat Hindi ko inalais sa utak ko na kasal at Asawa niya lang ako sa papel kingina bakit ba Kasi hulog na hulog ako sa kanya? Nakakainis Ang sama naman nang ugali.

Maginit Ang aking mata at pumatak na Naman Ang luha sa aking mata,agad ko iyong pinunasan bago pa mapansin ni Carol pero Hindi ko talaga mapawi-pawi Ang sakit.

"Ate okay ka lang ba? Umiyak ka na Naman," lumapit sa'kin si Carol at hinagod Ang aking likod at niyakap.

"Ang sakit Carol, sobrang sakit Akala  ko totoo 'yong pinapakita niya sa'kin, 'yon Pala Hindi nagpapangap lang Pala siya, Ang sakit Carol, bakit parang sobrang sakit para sakin Ngayon? Bakit sobrang sakit naman Yata nang pakiramdam ko Ngayon? Bakit parang Hindi ko matangap Carol," humagulgol ako Nang iyak sa mga balikat ni Carol.

Akala ko tangap ko na, Akala ko okay na sakin Hindi pa Pala, mas domoble Ang sakit na nararamdaman ko Ngayon, umaasa Kasi ako sa Wala.

"Shh ate 'wag kana umiyak,makasama yan kay baby, tahan kana" pag aalo niya sa'kin kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat Carol," Saad ko at pinunasan Ang mga kuha sa aking pisnge.

"Alam mo ba ate Nung nalaman Kong may Girlfriend si Sir Apollo at Nung nagpunta siya Ng Mansion, halos gusto Kong gawing mop Yung muka niya tapos buhok niya nakakainis,"  Natawa ako sa sinabi niya dahil umaakto pa talaga siyang parang  kaaway niya Ang babae ni Apollo.

"Tapos si Sir Apollo naman gusto kong suntukin sa muka, Akala mo ikinagwapo niya Ang pambabae grabe," nanggigil na Saad niya at sumuntok suntok sa ere.

Natutuwa ako Kay Carol dahil mabait siyang bata at kaya niya pagaanin ang loob mo, Parang tunay na kapatid na Ang Turing ko sa kanya kaya Hindi ko maiwasang Hindi matuwa at nag alala sa kanya, oo may pagka childish pero iyon Ang mas ikanatituwa ko sa kanya at pinakanagustuhan ko sa kanya dahil iba Ang pagiging pagka childish niya Hindi tulad nang Iba,dahil siya ay Isang mapagmahal at mabuting tao.

"Ikaw talaga nasan iyan," natatawang Saad ko na ikinasimangot niya.

"Alam mo ate kung ako sa'yo kanina ko pa sinugod Yung babae sa Mansion, Ang feeling niya Kasi Akala mo siya Ang Sonya Ng Mansion Ang Arte Arte nakakainis siya," nakanguso at salubong Ang kilay niya.

"Hay ikaw talaga, tapusin na natin ito at makapag hapunan na Tayo," Saad ko tumango naman siya at sinimulang mag ayos,habang nag aayos ay nag kw-kwentuhan Kaming dalawa tungkol sa magiging anak ko.

Napahaplos ako sa aking tiyan.

"Anak, pasensya na Kay mommy huh,ilalayo ko kayo Kay daddy, pero don't worry aalagaan kayo ni mommy,pupugpugin ko kayo Ng pagmamahal kahit Wala si daddy," Saad ko habang hinahaplos Ang aking Tyan na Wala pangumbok.

Matapos naming mag ayos ni Carol ay naghapunan kami at nag pasyang mag  mall at bumili nang dadalhin Namin sa France, oo sa France Ang sabi Saphiro ay Sa France niya kami dadalhin Hindi ko alam kung bakit pero pumayag na ako.

Habang namimili ay nag k-kwentuhan kami ni Carol at napaisip ako na bago ako Aalis nang bansa ay pupunta ako Ng Mansion para sabihan si Manang tungkol Dito sa pag Alis Namin Ng bansa, sana nga ay Wala duon si Apollo at Ang linta niyang Kasama dahil hi du ko mataiim na Makita Ang pag mumuka niya.

Unwanted Wife( Trillionaire Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon