Ang Bicolandia
Lucas' POV
"Bakit di ka pa sasabay bro? Tara na!" Tanong ni Carson. Supposed to be we should be in class, but we decided to go out and drink like we used to do.
"Susunod ako, may kikitain lang sandali." I gave them a wink.
Nag-kantyawan sila James at Dave. Ngayon palang ay alam na nila ang ibig kong sabihin. Nakipag-apir ako sa kanila bago sila lumabas ng campus.
Nang mapag-isa ay tiningnan ko na ang cellphone ko at napangisi sa mensahe na natanggap.
Mabilis akong pumunta sa isang physics laboratory ng building na ito ng school namin. Pasimple akong nag-masid. Tahimik at walang nag-kaklase, senyales na tuloy ang plano. Nakapatay lahat ng ilaw pag-pasok ko.
I smirked.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay bigla nang may humawak sa braso ko.
"Hi babe.." Bati sakin ni Jane, isang nursing student na nakilala ko two weeks ago.
"Hi.." Ngiti ko. Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na agad ang mga labi niya sakin.
She's wilder than my last girl, Monica. But still, she isn't the wildest.
Agad kong pinagapang ang kamay ko sa kanyang katawan. She's pretty and curvy, plus her white skirt uniform is shorter compared to the other students, mas pinapadali niya yata para sakin ang lahat.
Pinasandal ko siya sa isang laboratory table habang hinahalikan ang leeg niya. Mapusok ang bawat galaw namin. Halatang sabik na sabik din siya. Binubuksan na niya ang butones ng blouse uniform niya at tinutulungan ko na siya doon nang biglang bumukas ang mga ilaw!
Damn it!
"Noire!!!" Sigaw ng isang professor na hindi ko kilala.
"Shit." Bulong ko.
Lumayo ako kay Jane habang siya ay aligaga sa pag-aayos ng uniform niya.
Halos mag-dugtong na ang kilay ng babaeng propesor na iyon at ilang sandali pa ay nasa OSA na ako.
"Lucas Adamos Noire III, nag-sasawa na ako sa pag-mumukha mo dito sa opisina ko! Ano nanaman ba itong ginawa mo?!" Napapikit ako sa sigaw ni Ma'am Estacio.
"I just fell inlove. Di ba normal naman iyon sa mga kabataan?" Sagot ko.
"This is not love, Mr. Noire! And what you're doing is not normal! Nasa loob kayo ng escuelahan ni Ms. Cruz at hindi lang ata iyon ang balak niyong gawin!"
Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa.
"Are you done? I still have to go somewhere." Tamad kong sinabi.
"Kayong mga anak ng mayayaman kayo! Akala niyo kayang-kaya niyo na ang lahat! Specially you Mr. Noire! You're giving me a lot of headaches!"
"Why don't you just call my mother? Ask her to come? Talk to her! Para matapos na!"
"This isn't the first time that you are caught doing this, calling your parents isn't enough."
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...