Chapter 14

976 42 17
                                    

Ang Manok

Lucas' POV

Buong magdamag pag-uwi namin, di man lang ako pinansin ni Buls. Bakit kaya? Ano nanaman ba yung ginawa ko? Tsss nakakainis na nakakalungkot.

Pagkatapos namin kumain, nag-volunteer na ako na tulungan si Nanang sa paghugas ng plato para matuwa siya at batiin niya ako pero wala, pumasok lang siya bigla ng kwarto. Wow. Ibang klase talaga 'tong bulag na 'to ah.

Bago ako matulog parang naririnig ko sila Nanang na naguusap sa kabilang kwarto pero ang hina ng boses nila, hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi nila.. Tumayo na nga ako at dinikit ko yung tenga ko sa dingding para mas marinig ko sila pero sobrang hina talaga ng boses nila. Kaya nung dinapuan ako ng antok ay natulog na ako.

Maaga akong nagising kinabukasan, nagbabakasakali na iba na yung mood ni Buls.

"Anak, tutungo muna ako sa tapisan ha? Kumain ka ng marami diyan. Tulog pa kasi si Irene. Maya-maya gisingin mo na lang para makapagluto siya ng tanghalian ninyo ha?" Paalam sakin ng sobrang bait na si Nanang.

Kaya minsan kahit puros isda at gulay lang ang ulam dito parang ayoko na rin umalis dahil sa sobrang pag aaruga ni Nanang e.

"Sige Nang! Ingat kayo!" Ngumiti nalang ako kay Nanang habang sumusubo ng piniritong tinapa at kanin. Buti nalang at hindi ako gaano mapili sa pagkain, lahat kinakain ko kasi mabilis ako gutumin.

Pagkatapos ko kumain ay nagwalis ako sa may bakuran sa bahay, mahangin kasi kaya ang daming mga dahon ang nalalaglag mula sa mga puno.

Si Buls na masungit tulog pa din?? Tsch!

Pagkatapos kong magwalis ay naisip kong puntahan si Buls sa kwarto niya para gisingin. Anong oras na rin naman. Baka kapag narinig niya ang boses kong gumigising sa kanya ay kausapin na niya ako..ng maayos!

Shit. Natigilan ako nang sumilip ako sa kwarto nila.

Si Buls ba talaga 'to o isang anghel? Bakit ba ako nagkakaganito pag-tinititigan ko siya? Para akong nababaliw. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mabighani sa kagandahan niya. Alam ko na marami din namang magaganda sa Manila pero iba si Buls. I've been with girls, I know a lot of girls...pero talagang iba si Irene.

Napabuntong hininga ako.

Dahan dahan akong naupo sa tabi niya. Tinitigan ko lang siya. Tinitigan ko kung paano siya huminga. Yung bawat galaw niya. Ang kabuuan ng mukha niya. Pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na medyo nag-mumulat siya.

Huminga ako ng malalim.

"It's crazy...I'm falling in love with you.. Na para bang hindi ko pa ito naramdaman noon. Pano mo to nagagawa? Hmm? Ang pabilisin ang tibok nito?" Buong lakas kong bulong sa kanya.

Tumagilid ako sa kanya at ipinatong ang ulo ko sa aking kaliwang kamay habang pinagmamasdan ko ang labi niya. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko nang makitang nangingiti siya.

"Pakiramdam ko tuloy...ginagayuma mo ako Buls. Pero, kung ganoon nga. Ayaw ko nang tumigil ka. Gusto kong manatili sa tabi mo. Gusto kong alagaan ka. Gusto kong ako ang magbukas ng paningin mo, hindi lang sa mga bagay na hindi mo pa nakikita kundi pati sa pag-ibig na hindi mo pa nararamdaman." Bumuntong hininga ako, "Kung sana ay hahayaan mo ako." Lalo pa't ngayon ay sinusungitan mo ako!

Mas lalo siyang ngumiti. Pakiramdam ko iyon na ang pinakamagandang bagay ang nakita ko sa buong buhay ko...ang ngiti niya.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon