Epilogue

1.6K 65 47
                                    


Lucas Adamos Gonzalo Noire

Kapag talaga nag-mahal ka, kahit anong pigil mo sa sarili mo, bigla ka nalang mag-babago.

Well, that's what happened to me three years ago..When I met this woman infront of me.

Malaya ako noon. I have all the money that I didn't even work for. I only ride the expensive cars. Deal with classy and rich girls. I can have all that I want. Until I met her.

I thought that my life would be simpler than my life in Manila. Handa akong magsuot ng mga walang brand na damit at tsinelas, magpakain ng mga hayop na hindi ko alam na pwede palang gawing pet, mag-ulam ng gulay araw-araw at ng mga weird na hayop! I was willing to change everything, every bit of my life, just for her. But little did I know that it will become way more complicated.

She has a daughter. Three years without me and now she's carrying a fucking baby girl. Ano? Itutuloy ko pa ba? Ipaglalaban ko pa ba? Anak na ang lamang sakin ng kung sino mang tarantadong lalaki ang humawak sa kanya. Si Carlos?! I can't wait to punch the shit out of him!

Damn..iniisip ko palang nang-gigigil na ang kalamnan ko. But when I saw her smile. When I saw my favorite smile, my heart went from being a hard rock to a soft cotton real quick.

"Baby! You made me worry!" She was worried. I can't help but stare at her while carrying her baby.

The baby looks cute though. Hindi ko lang talaga kayang tingnan ito ng matagal.

"Don't run away from mommy again, okay? Don't ever do that again!"

"M-mom-my."

Damn, it's confirmed..anak niya nga talaga ang karga niya.

"Mister, I'm really sorry for what happened...medyo baguhan lang kasi ang nanny niya kaya hindi pa siya gaano marunong sa trabaho. Anyway, thank you very much!" Ngiti niya sakin, tila nahihiya sa nangyari. I can even see a few tears on the side of her eyes...

And then it strucked me..nakakakita na siya.

Wala akong nasabi. Neestatwa lang ako. Will she remember me when she hears my voice? Will she recognize my touch? Will she love me again?

Tumunog ang kanyang cellphone at iyon ang maging hudyat ng pagtatapos ng aking pagkikita sa araw na iyon.

"Uh...E-Excuse me, I have to get this." Paalam niya sakin.

"Bye bye, kikyuu!(thank you)" The little girl even had the guts to say thanks to me. I can't wait to punch your father.

Hindi ako nakagalaw habang pinagmamasdan ang likod ni Irene. Three years without her but my love for her just got bigger. Lumaki lang ito tulad ng mga halamang dinidiligan namin noon sa bakuran.

Pinagsisihan ko iyon..kung bakit hindi ko siya binalikan agad. Masyado akong naging kampante noon. Ang akala ko mahihintay niya ako. Papa was rushed to the hospital and after getting a mild stroke napunta na sakin ang responsibilidad ng pagpapalakad sa kumpanya. Sa MejorVino na hindi ko man lang pinahalagahan noon.

And what do I know about it? Nothing!

I cut classes during college, spending my day and night partying and playing. Hindi ko inakalang aabot sa ganitong kailangan kong madaliin ang pag-aaral ng pag-papatakbo sa isang malaking kumpanya. Ayokong mapahiya kay Irene kaya iyon ang ginawa ko. Inaral ko muna ang lahat bago ako bumalik sa kanya.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon