Chapter 4

1.4K 57 5
                                    

Ang Sanga

Irene's POV

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang pag-dating ni Nanang. Sigurado akong kalabaw ni Mang Felipe ang nag-hatid sa kanya rito dahil may daanan na hindi kinakaya ng tricyle.

"Anjan na si Lola Corazon." Bulong ni Lucas sakin.

Tumango ako kahit alam ko nang dumating na si Nanang. Baka kasi mapahiya siya kapag sinabi kong alam ko na.

Pinakiramdaman ko si Lucas habang tumatayo ako ngunit hindi man lang yata siya talaga gumalaw.

Siniko ko siya at naramdaman kong nakuha ko ang atensyon niya.

"Maraming dala iyon si Nanang, tulungan mo siya." Utos ko dahil kung ako lang ay paniguradong tatanggihan ako ni Nanang.

"A-Ano? Inuutusan mo ako?"

"Kung iyon ang tingin mo." Ngiti ko.

Narinig ko ang pag-singhap niya. Tila hindi makapaniwala dahil may nag-uutos sa kanya.

"Dali na! Lampa ka yata at hindi mo magawang tulungan sa pag-buhat si Nanang, ano? Nabibigatan ka?" Pinandilatan ko siya habang sinusubok.

"Lampa??? A-ako?!" Singhal niya.

"Kung hindi, edi patunayan mo.. Tulungan mo si Nanang." Nagtaas baba ang kilay ko bago ako ngumisi.

"Tsch."

Lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang pag-kilos niya, tumayo na siya mula sa kawayang mesa. Ngunit ang ngiti kong iyon ay agad ding nag-laho nang sakupin ng mga braso niya ang binti ko at walang ano-ano'y binuhat niya ako!

"Ay!! Lucas!!" Hindi ko napigilang tumili habang kumakapit ng mahigpit sa batok niya!

"Ano? Sinong lampa, ha?" Nanunuya niyang tanong habang binubuhat ako papunta sa kung saan!!

"H-hindi na! Hindi ka na lampa! I-Ibaba mo na ako!!"

Narinig ko ang pag-tawa niya.

"Gusto mong patunayan ko di'ba?" Pakiramdam ko ay nakangisi pa siya!

Naririnig ko na ang boses ni Nanang, nag-tataka at nag-aalala.

"Lucas, a-ano ba! Si Nanang!" Banta ko sa kanya na hindi niya pinakinggan!

Nilapag niya ako sa kung saan. Nang kinapa ko ang paligid ay naramdaman kong nasa sanga ako ng isang puno!

"Lucas!"

"Kumapit ka kung ayaw mong mahulog. Wag kang malikot. Babalikan kita at makikita mo kung sino ang lampa na sinasabi mo, Buls!" Nanunuya niyang sinabi bago ko narinig ang yapak niya paalis!

"Lucas!!!"

Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ngunit yapak palayo niya lang ang sumagot sakin.

"Lola, ako na riyan.."

"Aba'y salamat Lucas, anak.. Sa may kusina mo nalang iyan banda ilagay, anak, nang makaluto na ako. Hmm..mukang nag-kakasundo kayo ni Irene ah." Sambit ni Nanang at tumawa pa!

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon