DarkestHindi naging madali ang unang buwan ko sa America. Maraming pag-babago ang kinailangan kong harapin. Kung wala si Carlos sa tabi ko ay pakiramdam ko mababaliw na ako. Ang mundo ko rito ay ibang-iba sa mundong kinalakihan ko pero wala akong magawa kundi ang bitawan iyon.
Gabi-gabi akong umiiyak dahil hindi ko pa rin pala matanggap ang lahat. Hindi ko matanggap na ganito ang kinahantungan ng masasayang sandali namin Lucas. Nakakatulugan ko nalang ang luha sa aking pisngi at ang lahat ng iyon ay si Carlos ang nagpapalis.
Isang buwan rin siyang nag-trabaho habang nasa bahay lang para hindi ako iwan. Hiyang-hiya ako sa kanya pero wala siyang ibang ginawa kundi ang sabihin na ayos lang ang lahat.
Nang mag-apat na buwan ang tiyan ko at medyo nakaka-sabay na ako sa agos ng mga pangyayari ay saka lang nagawa ni Carlos na umalis-alis para sa trabaho. Kung hindi ko pa siya pinilit ay hindi pa siya papayag.
Tuwing wala naman siya ay may kinukuha kaming kasambahay kaya hindi rin ako nahirapan pa.
Totoo ang sinabi ni mama. Halos linggo-linggo siya kung magpadala ng pera para sa akin. Pero halos naipon nalang din iyon dahil hindi ko naman kayang galawin. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano galing sa kanya...pero hindi naman pwede dahil si Carlos ang gagastos ng lahat kapag nangyari iyon.
"Congratulations, ma'am you have here a baby girl." Ani ng doktorang naguultrasound sakin.
Medyo malaki na ang tiyan ko dahil limang buwan na akong buntis. Nararamdaman ko na rin ang mga mumunting galaw niya sa loob.
"I'm gonna say that you'll have a very beautiful daughter because the mom's very beautiful too." Sabi niya pa.
Ngumiti ako at pumikit. Hindi ko namalayang may lumandas na luha sa aking pisngi. Pero sa ngayon, sigurado akong dahil ito sa kaligayahan.
Hinawakan agad ni Carlos ang kamay ko pagkalabas ko sa ultrasound room.
"Kamusta? Anong sabi ni Dr. Hobs?" Tanong niya.
"Baby girl, Carlos." Ngiti ko sa kanya.
Narinig ko ang pag-singhap niya.
"R-really? I can't wait to see her..." Naluluha niyang sinabi bago ako niyakap.
Sinuklian ko rin ang kanyang yakap dahil sa saya. Ako rin, hindi na rin makapag-antay na makasama siya...
"May naisip ka na bang pangalan?" Tanong niya pagkabitaw sa yakap.
"Mm..medyo may sumasagi na sa isip ko pero...pag-iisipan ko muna."
"Okay then. Let's eat outside first? How about ice cream?" Masaya niyang sabi.
"Sabi ng doctor, hinay hinay na raw ako sa pagkain para hindi lumaki si baby at hindi ako mahirapan manganak! Pero...sige na nga!" Tumawa ako.
"Anong hinay-hinay? I'll make you fat, I." Humalakhak naman pabalik si Carlos lalo pa nang hampasin ko siya sa braso.
"I'm glad to hear you laugh again.." Seryosong tugon ni Carlos bago kami nagsimulang mag-lakad paalis.
Tipid akong ngumiti at hindi na nakasagot pa. Naiisip na sa tinagal-tagal ko rito, ngayon na nga lang talaga ako nakatawa ng ganito.
Pagkatapos namin kumain ng ice cream ni Carlos ay naisip naming maglakad-lakad muna sa park at magpakain doon ng mga ibon. Ito ang nakagawian naming gawin noong nakayanan ko nang lumabas at hindi magmukmok sa bahay. Namimiss ko na rin kasi si Coco...
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...