WhySi Carlos na lang ang naabutan ko sa tapat ng unit nang bumalik ako. Wala na si Lucas...
Para akong nakaramdam ng lungkot pero agad ko iyong winaglit! Pinaalis mo siya, Irene! Bakit parang ayaw mo pa na wala siya?
"I.. Are you okay?" Tanong ni Carlos nang makalapit ako sa kanya.
Pagod ko siyang tiningnan.
"Carlos.. Bakit iyon ang sinabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi ka titigilan ng Lucas na 'yon kapag wala akong ginawa.. I was just thinking about you.." Sagot niya at marahang hinawakan ang braso ko.
"But how about, Yuri? Carlos...nasasaktan siya sa ginagawa mo."
Pumikit siya at iniwas ang paningin niya sakin.
"She would understand..d-don't worry."
"Carlos.." Napabuntong hininga ako. "Tao lang din ang bestfriend ko. Napapagod rin siya. Please remember that. Okay?" Huli kong sinabi bago pumasok sa loob upang puntahan si Ceyda.
Kakatahan lang ng anak ko mula sa pag-iyak at sigurado akong dahil iyon sa hawak niyang chicky stuffed toy! Agad niyang iminuwestra ang kamay niya upang magpakarga sakin. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti.
Kahit gaano talaga kahirap ang bawat araw, makita ko lang ang ngiti ni Ceyda ay tila umaayos na ang lahat.
"Ma'am.. Ah.. Eh.. Sorry po kung mag-tatanong ako ha? Pero sino po yung nag yakap sa'yo ma'am? Yun po ba yung boss niyo? Ang gwapo ma'am kahit naiyak! Parang si sir Carlos din." Aniya at nahihiyang humalakhak.
"Mm.. Boss ko siya.." Sagot ko kay Marie.
"Pero po bat siya umiiyak ma'am? Tapos dinampot po siya uli ng mga gwardiya. Kriminal po ba 'yon?" Aniya at umastang natatakot.
Tumawa ako sa sinabi ni Marie.
"Parang ganun na nga.." Biro ko sa kanya.
Agad naman nanlaki ang mga mata niya.
"Dyusko, kagwapong kriminal! Sige na po ma'am, magluluto na po muna ako ng para sa hapunan." Paalam niya bago kami tuluyang iniwan ni Ceyda sa kwarto.
Kriminal nga siya..dahil minamahal niya ang kapatid niya. Bukod pa doon ay nang-linlang siya at muli akong pina-ibig!
Hinilamusan ko si Ceyda habang nag-luluto si Marie. Pinalitan ko na rin ang suot niya ng dilaw na onesies na merong disenyong chicken sa gitna.
"Who's momma's cute angel?" Biro ko sa kanya ng matapos bihisan.
Ngumiti naman siya sakin at pumalakpak. Napatingin ako sa kanyang mukha at hindi ko napigilang ngumiti.
Sigurado ako na ako ang kamukha ni Ceyda pero kapag tinitigan mo siya ay makikita mo si Lucas.
Mabilis kong pinunasan ang namuong luha sa aking mata.
Hindi mo na dapat pa yan iniisip, Irene!
Suminghot ako at binura ang nasa isip. Kasunod noon ay ang pag-buhat ko kay Ceyda.
Dumiretso kami sa kwarto ni Carlos. Marahan akong kumatok sa pintuan ng kwarto niya at ilang sandali pa ay bumukas na ito.
"Hi, tato!" Hinawakan ko ang kamay ni Ceyda at kinaway ito sa kanya.
"Hello, baby.. Ang bango ah? Hindi na amoy lemons." Biro niya kay Ceyda at marahan ko siyang pinakarga sa kanya.
Alam kong mahirap din para kay Carlos iyong nangyari kanina...lalo pa sa nalaman kong talagang meron nang namamagitan sa kanila ni Yuri. Kaya naman ay susubukan kong pagaanin ang loob niya sa tulong ni Ceyda.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...